"Alieson, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Lily.
Nasa veranda kami ngayon nagpapahinga dahil kakatapos lang namin maglinis, hindi ko man nakikita pero pakiramdam ko namamaga ang mga mata ko sa kakaiyak kanina.
Nakangiti akong tumingin kay Lily saka tumango.
"Pagpasensiyahan mo na si Sir Yaji, gano'n lang talaga siya magsalita. Direct to the point ba, pero mabait 'yon."
Bumuntong hininga naman ako." Ayos lang ako Lily, kasalanan ko din naman. Kahit sino magagalit talaga kapag inihain sayong pagkain e sunog, lalo na kong gutom na gutom ka na talaga."
Naiintindihan ko naman kong bakit bigla na lang nagalit sa'kin si Sir, nabigla lang ako kanina at naninibago lang din siguro. Hindi ko na nga maalala kong kailan ako huling beses napagsabihan ni Daddy at ganito din ang naging reaksiyon ko noon.
"Para kasing ang lalim ng iniisip mo, kaya akala ko hanggang ngayon dinidibdib mo pa din ang sinasabi sayo ni Sir Yaji, kanina," aniya.
"Wala na sa'kin 'yon, namimiss ko lang si Nanay," malungkot kong sambit.
Dati kapag napapagalitan ako ni Daddy, laging nandiyan si Nanay sa'kin para patigilin ako sa pag-iyak at pagaanin ang loob ko. Masyado ata akong sinanay ni Nanay sa atensiyon niya kaya ngayon, hinahanap-hanap ko siya.
"Wala namang problema sa'kin Alieson, basta bumalik ka kaagad," usal ni Manang Lena.
Nagpaalam muna ako kay Manang Lena na kong pwedeng magday-off muna ako kahit isang araw lang at buti naman ay pumayag siya.
"Opo Manang, babalik din po ako agad," nakangiti kong sabi.
Hindi matutumbasan ng kahit ano ang saya na nararamdaman ko ngayon, miss na miss ko na si Nanay at sa wakas makikita ko na siya. Bukas pa ang day-off ko pero ngayon pa lang ay na-eexcite na ako.
***
Dahil sa sobra kong excited ay madaling araw palang gising na ako, nauna na akong maligo saka ako nagbihis. Nagsuot lang ako ng highwaist maong short at ang pang-itaas ko naman ay isang simpleng black tank sando croptop na sinuutan ko lang din ng yellow oversized chekered.Tiningnan ko ang kabuuan ko sa salamin ng matapos akong magbihis, naglagay lang ako ng konting pulbo, chick tint at liptint para blooming naman akong tingnan.
Ready na ako! Lumabas na ako ng kwarto para magpaalam kela Manang Lena at Lily.
"Ang sexy naman," puri sa'kin ni Lily na agad kong nginitian.
"Bolera! Manang aalis na po ako," pagpapaalam ko kay Manang Lena.
"Mag-iingat ka iha."
Niyakap ko muna sila ni Lily, bago ako nagdesisyong umalis. Palabas na ako ng pinto ng makasalubong ko si Sir Yaji, na halatang kakatapos lang ata magjogging.
"Goodmorning po Sir,' bati ko sa kaniya.
Hindi ako nito binati pabalik kundi tininingnan niya lang ako mula ulo hanggang paa saka dumiretso papasok ng bahay.
Hindi ko na lang pinansin 'yong pandededma nito sa'kin. Makikita ko ngayon si Nanay, kaya dapat nasa good mood ako. Habang palabas ako ng subdivision ay iniisip ko na agad kong anong pasalubong ang ibibigay ko kay Nanay, at sakto namang may jollibee sa harap ng Royal Villa.
Matapos kong magtake-out ay nakasakay na agad ako ng taxi. Isang oras lang naman ang byahe kaya nakarating agad ako doon ng maaga, pagkapasok ko pa lang ng eskinita ay natanaw ko na agad si Nanay.
"Nay!" Agad naman akong tumakbong palapit sa kaniya at sinalubong ng isang yakap.
Nagulat pa siya nang bigla ko itong yakapin, at napabalik din naman agad sa kaniyang huwisyo.
"Jusko! Alieson, ikaw nga!" Masaya nitong sabi sa pagitan ng yakap namin.
Kumalas ako ng yakap at nakangiting nakatingin sa kaniya. " Nay, miss na miss ko na kayo. May dala po akong pagkain dito, tara na ho."
Pumasok na kami ng bahay bago ko nilapag ang pasalubong kong jollibee sa itaas ng lamesa.
"Uuwi ka pala, sana nagsabi ka at nasunod kita iha," sambit ni Nanay.
"Hindi na po Nay, balak ko kasi kayong surpresahin," nakangiti kong sagot.
"Kamusta naman ang trabaho mo doon?Mabait naman ba sila sayo?" Biglang tanong nito.
Hindi ko alam kong anong isasagot ko kay Nanay, wala naman kasing problema kela Manang Lena at kay Lily except sa amo kong masungit.
"Opo naman." Pilit akong ngumiti.
"Maayus naman pala, pero ang tagal mo naman ata sumagot."
Pati ba naman 'yon , napansin pa niya. Hays! Para sa'kin kahit gano'n ugali ni Sir Yaji, mapagtitiisan ko pa naman dahil kailangan ko ng pera para mahanap ang parents ko. Pero ngayon na nandito ako kela Nanay, prang tuloy ayaw ko ng bumalik doon.
"Nay, h'wag na po kayong mag-alala sa'kin. Maayos po ang trabaho ko doon at okay naman ang amo ko, h'wag na kayong mag-isip ng kong ano-ano. Kumain na lang po tayo."
Tumango naman si Nanay na tila ba kumbinsado naman ito sa naging sagot ko. Aalis din ako doon kapag nahanap ko na ang parents ko, pero sa ngayon kailangan ko muna magtiis.
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...