Chapter 32

140 2 0
                                    

"Why are you here?" Takang tanong ni Pao kay Beatrice.

"Yaji is sick, that's why I came here to visit him," tugon nito.

Tumango si Pao at pilit na ngumiti, makikita ang hinanakit sa mga mata nito pero wala siyang magawa kundi patagong mahalin si Beatrice, sobrang sakit naman talaga kapag may ibang taong mahal ang taong gusto mo. Ang saklap lang dahil mukhang pareho ata kami ng kapalaran ni Paolo.

Nagpaalam na akong papasok na ng mansiyon at naiwan naman silang dalawa na nag-uusap sa labas, pagkapasok ko sa loob ay agad naman nahagip ng dalawang mata ko si Manang, meron itong dalang tray na may lamang maliit na mangkok.

"Manang." Tawag ko sa kaniya.

Nilingon ako ni Manang at awtomatikong ngumiti ng makita ako.

"Nandiyan ka na pala iha," nakangiti niyang sabi.

Tumango naman ako. "Kakarating ko lang din po, saan po ang punta niyo? At ano po 'yang dala-dala niyo?"

Ipinakita sa akin ni Manang ang laman ng mangkok bago nito ibinigay sa akin.

" Sopas iyan iha para kay Yaji, mayroon kasi siyang sakit at hindi pa kumakain simula  kanina pang umaga."

So, totoo nga ang sinasabi ni Beatrice na may sakit si Sir Yaji, tinatablan din pala ng sakit ang isang Yaji Figueroa, akala ko hindi na e.

"Ibigay mo na lang sa kaniya o 'di kaya'y pilitin mo na kumain at ako'y may gagawin lang iha," utos nito.

Hindi pa ako pumapayag ng biglang umalis si Manang, hindi man lang niya ako binigyan ng oras para makapagbihis man lang.
Umakyat na ako sa taas para tumungo sa kwarto ni Sir Yaji, katapat lang ng family room ang kwarto nito kaya naman nong nakarating na ako ay agad akong kumatok.

Sunod-sunod ang katok ko sa pinto nito pero wala namang sumasagot, kaya naman ay nagdesisyon na akong pumasok sa loob. Malawak ang kwarto ni Sir Yaji at ang unang bubungad sayo ay ang munti nitong sala. Mayroon din itong study table kong saan malinis na nakalagay ang kaniyang laptop at mga nakaayos na libro, marami ding mga litrato na nakadisplay sa bawat dingding isa na doon ay ang  graduation pict niya, family picture nila, at 'yong bungisngis na ngiti ng isang bata.

Sa kabila ng malamig na awra ni Sir Yaji, kabaliktaran naman no'n ang pagiging masayahin niya nong bata pa siya.

"What are you doing here?" Sambit nito sa malamig na boses.

Dahan-dahan kong nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon, bago ko nakita ang nakatayong si Sir Yaji. Namumutla ang mukha nito ganon na din ang kaniyang labi.

Naglakad ito papalapit sa kama niya saka umupo, nakasuot lang ito ng pajama at sando kaya naman ay hindi nito maitatago ang matikas nitong pangangatawan.

" Sabi ni Manang hindi ka pa rin daw kumakain, kaya heto pinadalhan ka niya ng sopas." Mahinahon kong wika.

"Ilapag mo lang jan at lumabas ka na." Pagtataboy nito sa akin.

May sakit man o wala, si Yaji Figueroa ka pa din. Hindi ata makukumpleto ang araw ng isang to kapag hindi nagsusungit.

"Ang sabi sa akin ni Manang, kailangan mong kumain. Kaya sa ayaw mo at sa hindi kakain ka." Pinal kong wika.

Kinuha ko  ang takip ng mangkok at nagsandok ng konting sabaw ng sopas, mukhang mainit pa iyon dahil umuusok pa kaya naman ay hinipan ko muna ito bago ipasubo kay Sir Yaji.

Umarko pataas ang kanang kilay nito na para bang hindi ito makapaniwala sa pinanggawa ko. Gusto ko man makaramdam ng hiya pero nilakasan ko na lang ang loob ko.

"Do I look like a child, para subuan mo ng sopas?" Pagsusungit nito.

Hays, badtrip naman. Bakit ba ang daming reklamo niya, ba't 'di na lang niya kainin 'yong sopas. Sa mga ganitong oras parang gusto ko na talagang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan.

Hindi na ako sumagot at sapilitang isinubo kay Sir Yaji ang kutsarang may sabaw ng sopas, nagulat ito sa ginawa ko pero hindi ko na lang iyon pinansin. Sa pangalawang beses na papahigopin ko siya ay agad nitong kinuha sa aking ang kutsara saka nagsimulang kumain mag-isa.

Dami pang reklamo kakain din naman pala, nakangiti lang ako habang nakatingin kay Sir Yaji na kumakain, hindi ko alam kong kailan matatapos tong nararamdaman ko para sa kaniya. Pero habang lumilipas ang mga araw, lumalalim ang pagtingin ko kay Yaji.

Pagkatapos nitong kumain ay bigla na itong nakatulog, ibinalik ko na sa baba ang kinainan nitong mangkok. Kumuha na din ako ng maliit na palangga para sa malamig na tubig na ipampupunas ko kay Sir Yaji.

Kong hindi siguro ako tinuruan ni Nanay dati kong paano mag-alaga ng isang may sakit baka hindi ko nagagawa ngayon to kay Sir Yaji.

Pagkatapos kong punasan si Sir Yaji ay bumaba na din ang lagnat nito kahit papano, isa-isa ko ng pinatay ang ilaw sa kwarto niya at isinara na ang pinto.

Bumaba na ako ng kwarto para makapagpahinga na din, nagbihis muna ako bago ako humiga ng kama.  Hanggang ngayon iniisip ko pa rin sila Mommy at Daddy, nasaan na kaya sila? Akala ko ito na 'yong oras na binigay ni God para makilala ko sila, hindi pa pala. Hays!

Papikit na sana ang mga mata ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman iyon agad para tingnan kong sino ang nagmessage sa akin.

Nang buksan ko ang message nito ay bumungad sa akin ang isang unknown number, hindi ko tuloy napigilan na makaramdam ng takot ng mabasa ko ang text message nito.

~Unknown Number~
      "Pumunta ka sa lumang warehouse sa batangas bukas ng gabi, hawak ko ang mga magulang mo. H'wag kang magkakamaling magsumbong sa mga pulis kong ayaw mong ipadala ko sayo ang ulo ng Mommy at Daddy mo."

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon