Nong mga oras na iyon ay ramdam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa gulong nangyari, hindi ko ugaling magsimula ng away pero sobrang sakit para sa akin na makita ang ginawa nito kay Nanay.
"Alieson, anak? B-bumalik ka."
Bumuhos ang mga luha ko ng marinig ang boses na iyon, napadako ang tingin ko kay Nanay na ngayun ay nakatayo na habang inaalalayan ni Gigi.
"Opo, bumalik ako Nay. Akala ko hindi ko na po kayo makikita," naiiyak kong saad.
Nakangiti sa akin si Nanay habang marahan nitong hinahaplos ang pisngi ko, sa wakas muli ko siyang nakita at nakasama. Ang sumunod na pangyayari ay nagpagulat sa akin, sumuka ito ng dugo at biglang natumba, parang tumigil ang oras na 'yon at umecho sa tenga ko ang mga sigawan ng mga tao.
Hindi ko na napigilan ang sariling makaramdam ng takot at kaba. Takot na baka umabot sa puntong pati si Nanay ay mawala din sa akin.
"Nay!"
__________________Matapos ang nangyari ay agad naming isinugod si Nanay sa hospital, habang ginagamot siya ng mga doctor ay hindi ako mapakali. Sobra akong nag-aalala sa kalagayan niya at hindi ko kakayanin kong pati siya ay mawawala sa akin.
"Nanay Nena, will be okay. Alieson. Don't stress yourself." Paalala sa akin ni Pao.
Tumango na lang ako sa kaniya bilang sagot pero sa totoo niyan ay nanlalamig na ang mga kamay ko, palakad-lakad ang ginawa ko at naghihintay sa paglabas ng mga doctor. Ilang minuto na ang nakalipas ay nakalabas na ang doctor na tumingin kay Nanay, hindi pa man nito nasasabi ang kalagayan ni Nanay pero natatakot na ako sa kung ano man ang ibabalita nito sa amin.
"Kamusta po doc? Maayus lang po ba siya? Agad kong tanong.
Tinanggal nito ang suot niyang surgical cap sa kaniyang ulo bago ako binalingan ng malungkot na tingin.
" The truth is, she has a tubercolosis at malala na ito. Sa tingin ko ay matagal na panahon niya itong itinago sa inyo."
Pakiramdam ko para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga salitang binanggit nito, tb? May sakit si Nanay pero kahit kailan hindi man lang siya nagsabi sa akin o kahit sa mga anak niya.
"Dederetsuhin ko na po kayo, kumalat na ang TB sa buo niyang katawan dahilan para maapaketuhan ang ibang body parts niya, gaya na lang ng brain, kidney, spine and her lungs. And i'm sorry to say this.. pwede niya 'yong ikamatay."
Biglang nanghina ang katawan ko matapos marinig ang mga sinabi ng doctor, hindi to pwede! Nagsimula na namang bumagsak ang mga luha ko, ngayon lang ulit kami nagkita ni Nanay pero bakit naman ganito!
"Pao, sabihin mong hindi 'yon totoo!" Naluluha kong usal.
Hindi na ako sinagot ni Pao at agad naman ako nitong niyakap, una ang mga magulang ko ngayon naman si Nanay. Para na akong mababaliw sa sakit! Wala bang katapusan to!
Nakasuot ako ngayon ng surgical gown,cap at gloves para bisitahin si Nanay sa ICU. Hanggang ngayun ay hindi pa rin natigil ang pagtulo ng mga luha ko lalo na nang makita ko na si Nanay, madaming dextrose ang nakakabit sa mga kamay nito habang may tubo naman ang kaniyang bibig.
Hindi ko aakalain sa ganitong sitwasyon kami magkakasama muli, matagal din ang panahon na hindi kami nagkita, sobra akong nanabik sa mga yakap niya pero hindi ko inaasahang susunod din pala siya kela Mommy at Daddy.
Hinakawan ko ang mga kamay nito kasunod no'n ang pagmulat ng mga mata niya.
"Nay?" Naiiyak kong wika.
Kahit hirap na hirap na ay nagawa pa rin nitong ngumiti. Gamit ang kanan niyang kamay ay hinawakan nito ang pisngi ko hanggang sa napadako ang tingin niya sa malaki kong tiyan.
"B-bunt-tis k-ka?" Nahihirapan nitong tanong.
Habang umiiyak ay nakangiti akong tumango bilang sagot.
"M-magiging l-lola ka na Nay, k-kaya p-please l-lang l-lumab-ban ka." Nanginginig ang boses kong sambit.
"I-ingatan mo s-siya, p-palakihin mo s-siyang mabuting b-bata at h-h'wag na h-h'wag mo siyang p-pababayaan. N-na..dito lang ako p-pa..lagi pa..ra sayo."
Hindi ko na napigilan ang sariling humagolgul sa iyak, parang sinaks*ks*k ang puso ko sa sakit na makitang ganito si Nanay.
"W-wag ka ng u-umiyak i-iha. M-mahal na m-mahal ki...ta!"
Ang mga salitang 'yon ang nagpahinto ng oras ko ng makitang dahang-dahang ipinipikit ni Nanay ang kaniyang mga mata. Kasunod no'n ay ang pagtunog ng ventilator.
"Hindi to pwede! Nay gumising ka, lumaban ka! Pleaseee! Nay!"
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...