Nakakapagod ang buong araw na paglilinis ng buong mansiyon, bukod kasi sa malaki itong bahay e, araw-araw pang pinapalitan ang mga tubig sa vase para daw hindi bumaho. Napaupo naman ako sa sofa ng makaramdam ng pagod, dalawang oras na akong naglilinis pero hindi pa rin matapos-tapos sabayan pa ng antok lalo na't ang aga ko nagising kanina.
Ilang minuto pa lang akong nagpapahinga ay biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko naman iyon sa bulsa ng pajama para tingnan kong sino iyon. Nang makitaang caller id ni Paolo ay agad ko naman iyong sinagot.
"Pao, napatawag ka ata?" Wika ko sa kabilang linya.
"I have a good news for you." Hindi ko man nakikita si Paolo ay ramdam kong nakangiti ito.
Bigla akong naexcite at hindi na makapaghintay sa goodnews na sinasabi nito, nagpaalam muna ako kay Manang na aalis ng bahay dahil pupunta kami ngayon ni Paolo sa Pampanga. Hindi ko naman alam kong bakit, pero ang tanging sinabi lang nito ay susunduin na lang niya ako sa labas ng subdivision.
Palabas na ako ng subdivision ng matanaw ko si Paolo na nakasandal sa sasakyan nito, simple lang ang suot nitong turn down collar polo na kulay puti saka ang kulay itim nitong trouser. Astig din pala itong pumorma si Paolo pero kong ikukumpara sa pormahan ni Sir Yaji, mas lamang 'yon.
"Anong gagawin natin sa Pampanga?" Agad kong tanong ng makalapit ako sa kaniya.
"Ikukwento ko sayo habang nasa byahe tayo," nakangiti niyang sagot.
Pinagbuksan ako nito ng pinto ng kaniyang kotse at taas kilay ko naman siyang tiningnan bago ako pumasok sa loob. Ano kayang trip nito?
Hindi pa naman kami nakakalayo ng nagsimula na itong magkuwento, bali dalawang goodnews ang ibabalita nito sa akin. Ang una ay nadakip na daw ng mga awtoridad ang mga sindikatong kumuha sa akin no'n at ang mga taong pumatay kay Grace, masaya ako sa ibinalita nito dahil nabigyan din ng hustisya ang pagkamatay ni Grace at sana ngayon ay payapa na siya.
"Ano naman ang gagawin natin sa Pampanga?" Muli kong tanong sa kaniya.
Nakangiti lang si Paolo ng balingan ako, bago ibinalik ang tingin sa kalsada.
"According to my investigator, meron daw nakakilala sa mga magulang mo sa Pampanga, kaya naman pupunta tayo doon baka sakaling doon natin sila mahanap."
Hindi maiwasan ng puso kong magdiwang sa saya dahil sa sinabi ni Paolo, sa wakas makikita ko na ang mga magulang ko at hindi na ako makakapaghintay pa.
Tatlong oras ang binyahe namin mula Manila hanggang sa Pampanga, kaya naman nong nakarating kami ay wala na kaming sinayang pa na oras para puntahan ang isang babaeng nakakakilala sa mga magulang ko. Sana ito na 'yung oras na 'yon para mahanap ko na sila at maging buo na ang pamilya namin.
Ayon sa investigator ni Paolo, Aling Beth daw ang pangalan nong taong iyon at binigyan din kami nito house number ng bahay niya para madali namin itong makita.
- Angeles, Pampanga
#25 Virgen delos Remegios
Beth SorianoBawat bahay na aming nakikita ay tinitingnan namin ang house number nito para madali naming malaman, ilang bahay pa lang din naman ang tiningnan namin bago namin makita ang bahay ng tinutukoy nitong Beth Soriano.
"Tao po," agad kong tawag pero wala kaming ibang naririnig kundi ang tahol ng aso.
Sunod-sunod ang pagtawag at pagdoorbell ko, kasunod no'n ay ang paglabas ng isang babae na sa tingin ko ay nasa mid 40 na ang edad.
"Sino ho sila?" Tanong nito sabay bukas ng gate.
"Kayo po ba si Beth Soriano?"
Puno ng pagtataka ang mukha nito ng tapunan kami ng tingin ni Paolo, mukhang nagtataka ito kong bakit alam ko ang pangalan niya at hindi ata nito inaasahan ang pagdating namin.
"Oo iha, anong kailangan nila?"
"Magtatanong lang po sana ako kong kilala niyo po ba ang mga magulang ko? Eto po sila." Agad ko namang binuksan ang phone ko para ipakita sa kaniya ang litrato nila Mommy at Daddy.
Seryoso lang itong nakatingin sa litrato na nasa cellphone ko hanggang sa binaling nito sa akin ang tingin.
"Ahhh, si Joseph at Rose ba ang hinahanap mo?"
Mabilis naman akong tumango sa sinabi nito, tama nga ang investigator ni Paolo, kahit pangalan ng mga magulang ko alam niya.
"Nandito po ba sila? Pakisabi naman po na nandito 'yong anak nila," usal ko.
Nanabik na talaga akong mayakap ang mga magulang ko at hindi na ako makakapaghintay pa na muli ko silang makakasama.
"Pasensiya ka na iha, matagal na silang wala dito. Umupa sila sa apartment ko ng isang linggo pero pagkatapos no'n ay umalis na din sila agad." Aniya.
Bigla naman akong nalungkot sa sinabi niya, akala ko makakasama ko na ulit sila pero hindi pa pala.
"Pero alam niyo po ba kong saan sila pumunta? Or kong saan sila lumipat?" Sunod-sunod kong tanong.
Tanging iling lang ang naging sagot nito sa akin kaya naman ay naging doble ang lungkot na nadarama ko. Mommy, Daddy nasaan ba kayo?
"Sa totoo lang meron ding isang lalaki na naghahanap sa kanila nong paglipas ng isang araw bago sila umalis. Hindi ko kilala ko sino e, pero si Joseph at Rose din ang hinahanap niya." Kwento nito.
Hindi ko naman maiwasang magtaka, sino naman ang lalaking 'yon? At bakit niya hinahanap ang mga magulang ko, hindi kaya isa 'yon sa mga sindikatong kumuha sa akin noon?
Malungkot akong naglalakad pabalik ng kotse, inaamin ko nadismaya ako dahil sobra akong nag-expect na muli kong makakasama ang mga magulang ko, pero mukhang pinapahirapan ata ako ng panahon.
"Don't be sad Alieson, pangalawang araw pa lang to para sa paghahanap. Madami pang mga araw ang natitira para mahanap natin ang mga magulang mo," pagcocomfort sa akin ni Pao.
Kahit malungkot ay tumango na lang ako, pabyahe na kami ngayon pabalik ng Manila pero hindi agad kami dumiretso ng mansiyon, balak ko kasing kausapin sa presinto ang mga sindikatong kumuha sa akin noon.

BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...