Kababa ko pa lang ng kotse ng bigla akong salubungin ni Lily ng yakap, akala mo naman isang taon kaming hindi nagkita.
"Sobra kitang namiss." Matamis ang mga ngiti nitong ibinigay sa akin.
"Kahit na, kahapon lang tayo nagkita."
Bigla naman akong natawa ng sumimangot na ang mukha niya, grabe ang bilis niya talaga mapikon. Pero ang totoo niyan, kaya lang naman siya ganiyan dahil si Paolo ang naghatid sa akin, kong hindi ko lang napapansin ang malagkit nitong tingin kay Pao ay hindi ko agad malalaman na may lihim itong gusto sa kaniya.
Kagaya na lang ngayon, namiss niya daw ako pero ang tingin at ang atensiyon niya ay na kay Paolo, kakaiba talaga tong babaeng to. Naka-move-on na daw siya kay Yaji kaya naman si Pao na ngayon ang bago niyang target.
"Hindi naman kandila si Pao, pero baka matunaw 'yan sa kakatitig mo." Natatawa kong usal.
Mula kay Pao, ay binaling nito ang tingin sa'kin bago ngumisi. Naku! Napaghahalataan talaga tong si Lily.
"Huwag kang maingay, baka marinig niya." Suway niya sa akin.
Tumango naman ako bilang pag-sang-ayon sa kaniya. Naibaba na ni Pao ang lahat ng gamit ko, na ngayon ay bitbit na ni Lily bago ito nagpaalam na umalis. Malayo na ang kotse nito pero patuloy pa din ang pagsulyap ni Lily doon.
"Tara na." Yaya ko kay Lily.
"Ano ba 'yan, hindi man lang muna siya nagkape bago siya umalis. Tsk!"
Pumasok kami ng mansiyon na nakabusangot ang mukha ni Lily, gustuhin ko man siyang asarin pero baka lalo lang mabadtrip. Nang makarating sa sala ay agad akong natigilan ng makita si Beatrice na ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa.
"Alieson, you're here." Nakangiti niyang wika.
Ngumiti naman ako sa kaniya pabalik, tinapunan ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Napakasexy nito sa suot niyang long sleeve na sa tingin ko ay kay Yaji iyon, kitang-kita ang kaputian nito. Kahit wala siyang make-up ay hindi talaga maitatago ang kagandahan niya.
"Bea, ito na 'yong pinakuluan kong luya. Inumin mo habang mainit pa, para umaayos na ang pakiramdam mo." Si Manang.
Inilihad nito ang baso kay Beatrice na agad namang tinanggap ng isa at ininom. Kong gaano kaalaga si Manang kay Yaji ay gano'n din nito kaalaga si Beatrice.
Ilang sandali pa ay nakita ko si Yaji na pababa ng hagdan, nakasuot lang ito ng simpleng pajama at puting sando.Hinatid lang ako ni Pao sa labas kanina at hindi man lang pumasok dito, dahil ba sa ayaw niyang makita si Beatrice o ayaw niya lang makita na magkasama ang dalawa.
Bumuntong hininga naman ako at nagsimulang maglakad papuntang kwarto ng biglang may humablot sa kamay ko.Tinapunan ko iyon ng tingin, bago ko nakita ang maamong mukha ni Yaji na seryosong nakatingin sa akin.
"Sir, ikaw pala." Sambit ko na agad kong ikinaiwas ng tingin.
Hinila ko ang kamay na hawak-hawak nito at agad na dumistansiya sa kaniya ng kaunti, baka kasi makita kami ni Beatrice at kong ano pa ang isipin niya sa amin.
"Sorry kong hindi kita nasundo, may nangyari kasi kay Beatr-"
"Ayos lang po Sir, sige po papasok na ako ng kwarto para makapagsimula ng magtrabaho."
Hindi ko na hinintay ang sagot nito at dumiretso na ako sa kwarto, hindi ko alam kong bakit ako nagkakaganito pero ang alam ko, nasasaktan ako dahil lang sa nakikita kong magkasama sila ni Beatrice. Wala naman akong karapatan masaktan, at hindi ko dapat nararamdaman ito.
Inabala ko na lang ang sarili sa paglilinis ng buong bahay, mula sa family room hanggang sa sala sa first floor. Ang sunod kong ginawa ay naglinis ng kusina at naghuhugas ng mga plato.
"Ali, condolence."
Kahit hindi ko lingonin ang pinanggalingan ng boses na iyon ay alam kong si Beatrice 'yon.
"Salamat." Tugon ko.
Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa habang nandiyan siya, ayaw ko na sana siyang pansinin pero ayaw ko naman maging bastos. Hindi ko alam kong bakit nagkakaganito ako o baka naman kasi nagseselos ako. Sh*t!
"You know, I understand the pain that you feel right now. Ganiyan din kasakit ang naramdaman ko nong mamatay ang Mommy ko at hindi ko din kayang tanggapin no'n na wala na siya." Ramdam ko ang lungkot sa boses nito.
"But you know what hurts more? Iyung kakamatay pa lang ni Mommy pero nag-asawa na agad si Daddy... After the death anniversary of my mother, they got married. Kung nabubuhay lang siguro si Mommy ng mga oras na 'yon baka doble-doble 'yong sakit na naramdaman niya."
Napatigil ako sa paghuhugas ng mga plato at binalingan ito ng tingin, nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya. Masakit din ang pinagdaanan ni Beatrice, pero mas masakit mawalan ng isang ama at ina.
Pinatay ang mga magulang ko at ipinambayad ako sa utang ng isang taong pinagkakatiwalaan namin ng lubos, hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na kayang gawin 'yon ni atty. Leo sa amin. Kung pwede ko lang ibalik ang panahon, sana ako na lang 'yung nawala at ang mga parents ko na lang ang nabuhay. Kung hindi ko rin sana inisip na tumakas sa mga sindikatong 'yon ay sana buhay pa si Grace ngayon.
"Nagpapasalamat pa din ako kahit papano that Yaji is there for me. He is my life and my world, hindi ko kakayanin kong pati siya mawawala din sa akin."
Gamit ang kaniyang mga palad ay pinunasan nito ang kaniyang mga luha saka ngumiti. Kahit hindi ko tanungin ay mundo din ang tingin ni Yaji sa kaniya, kaya nga kami nagpapanggap na magkarelasyon nong nasa boracay kami para lang balikan siya ni Beatrice at sa tuwing naiisip ko 'yon parang tinutusok ang puso ko ng karayom sa sakit.
"Ang swerte niyo kay Sir Yaji," saad ko na ikinangiti niya.
"Yes that's true and we are also planning to get married."
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...