"Alieson!" Sigaw ni Grace.
Agad ako nitong tinulungang makatayo saka namin ipinagpatuloy ang pagtakbo, nanghihina na ako at sa totoo lang hindi ko na kakayanin pa. Nilakasan ko na lang ang loob para tuluyan na kaming makaligyas.
Hindi ko alam kong ilang oras na kaming tumatakbo, hanggang sa marating namin ang highway. Walang katao-tao sa paligid kaya mahihirapan kaming humingi ng tulong, napalingon ako sa likuran namin ng makita ang limang lalaki na ngayon ay nakasunod pa din sa'min. Nandito pa rin 'yong takot na nararamdaman ko para sa kaligtasan namin ni Grace, hindi ko alam kong anong gagawin nila sa'min kong sakaling mahuli man nila kami.
Sa pagtakbo namin ay nakarinig ulit kami ng sunod-sunod na putok ng baril, hindi namin 'yon pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo ng hindi lumilingon sa likuran, pumutok ulit ng isang beses ang baril at sa oras na 'yon ay si Grace naman ang tinamaan.
Napatigil kami sa pagtakbo habang si Grace ay natumba lalo na't sa paa siya tinamaan, inalalayan ko naman siya agad para tumayo pero bigla ako nitong tinulak.
"Umalis ka na Alieson, iligtas mo ang sarili mo," saad niya.
Umiling lang ako at nagpumilit na itayo siya, nangako ako sa kaniya na aalis kami dito na parehong ligtas, kaya hindi ko siya iiwan.
"Alieson, makinig ka sa'kin. Umalis ka na, iligtas mo ang sarili mo."
Hindi ko na napigilan ang sariling maiyak.
"Grace, sabay tayong aalis dito, halika ka na! H'wag mo na akong pahirapan pa, maaabutan nila tayo." Umiiyak kong sabi.
Hindi pwedeng ako lang mag-isa ang maliligtas, nangako ako sa kaniya e, tutuparin ko 'yon dahil nagtiwala siya sa'kin. Sinubukan kong tulungan si Grace na tumayo kahit na ayaw makisama ng katawan niya, umiiyak itong umiling sa'kin saka niya ako tinulak.
"Umalis ka na! Alis na!" Sigaw niya.
Binalingan ko ng tingin ang mga lalaking humahabol sa'min, na ngayon ay papalapit na sa amin. Dahan-dahan akong umaatras habang umiiyak, nakangiti lang na nakatingin sa'kin ni Grace na parang gusto nitong iparating na ayos lang siya. Sobrang bigat sa dibdib ang mga ngiting 'yon, parang gusto ko siyang balikan kaso siya na mismo ang sumuko.
Tumalikod ako at nagpatuloy sa pagtakbo at hindi ko na ininda 'yong sugat na nasa braso ko, hindi pa ako nakakalayo ng balingan ko ulit ng tingin si Grace na ngayon ay nakatingin pa rin sa'kin. Nahuli na siya ng mga lalaking humahabol sa amin, napapikit na lang ako ng marinig ang sunod-sunod na pagputok ng baril. Parang huminto ang oras na 'yon ng makita ko si Grace na dahan-dahang bumagsak ang katawan sa semento, masakit para sa'kin at hindi ko matanggap na nakaligtas ako habang si Grace ay hindi.
_______________Sa patuloy kong pagtakbo na mag-isa ay nakarating ako sa isang bayan, wala na din 'yong mga lalaking humahabol sa'kin. Kaya naman ay nagdesisyon na akong humingi ng tulong sa mga taong naroon.
Sobrang sakit para sa akin ang sinapit ni Grace, iniisip ko na lang na sana ako na lang 'yung nasa sitwasyon niya. Pero hindi ko pa nagagawa ang dapat kong gawin, 'yon ay ang hanapin ang parents ko.
Nagising na lang ako ng mapagtantong nasa hospital na, hanggang ngayon ay parang hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari. Habang iniisip ko na namatay si Grace para lang iligtas ako, hindi ka naman mapigilan ang sariling maiyak.
"You're awake," wika ng isang pamilyar na boses.
Binalingan ko 'yon ng tingin, ng makita si Paolo na nakasandal sa pinto. Nakasuot ito ng blazer ng isang doctor habang may stetoscope naman na nakasabit sa leeg niya.
"Paolo?" Hindi ko makapaniwalang sambit.
Ngumiti lang ito sa'kin, saka ito umupo sa tabi ko.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Malumanay nitong tanong.
"Ayus lang," tipid kong sagot.
Gusto ko siyang tanungin kong nasaan ako, at kong kamusta ang sugat ko. Pero mas pinili kong tumahimik na lang, nalulungkot ako sa sinapit ni Grace kaya walang dahilan para magsaya kahit na nakaligtas ako.
Simula nang makita ko ang mga ngiti ni Grace bago siya barilin, hindi na 'yon nawala pa sa isipan ko. At sa tuwing naiisip ko 'yon naiiyak talaga ako.
"Hey, why are you crying?" Tanong nito.
"Wala akong nagawa para iligtas siya, ang duwag ko. Namatay siya dahil sa'kin! Kasalanan kong lahat to!" Bulyaw ko sa sarili ko habang umiiyak.
Sa sobrang bigat sa dibdib at sama ng loob ay nagawa kong saktan ang sarili, hinayaan kong mamatay si Grace kaya dapat deserve ko ding mamatay. Sinabunutan ko ang sarili at sinuntok ang sugat ko dahilan para dumugo 'yon, 'di ko na naramdaman 'yong hapdi at sakit. Walang akong ibang nararamdaman ngayon kundi poot at galit, sisiguradohin kong makakamit ni Grace ni hustisya.
"Alieson, stop it!" Pigil sa'kin ni Paolo.
Hindi ko pinansin ang sinabi nito at patuloy kong sinaktan ang sarili, ng bigla ako nitong niyakap para pakalmahin ako.
"Ang duwag ko!" Humahagulgul kong wika.
Mahigpit akong niyakap ni Paolo at doon ko naramdaman ang comfort, gumaan kahit papano ang loob ko pero hindi ko mapigilan ang sariling magtim ng galit sa mga taong pumatay kay Grace.
Iniyak ko lang ng iniyak ang lahat, hanggang sa nakaramdam ulit ako ng antok saka ko dahan-dahang ipinikit ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...