"Nagkwento ka kay Ceejay, tungkol sa siyudad? Akala ko ba napag-usapan na natin to Pao?"
Matapos ang usapan namin ni Ceejay kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos, inaatake na naman ako ng kaba at takot lalo na nong hanapin nito si Yaji. Kaya heto ako ngayon nakikipagtalo kay Paolo.
"Why? Nagtanong siya so I answer. Walang masama doon, Alieson." Sagot nito.
"Mayroon Pao, gusto niyang pumunta ng siyudad dahil lang sa mga kinukwento mo sa kaniya. Pero hindi ko hahayaang mangyari 'yun lalo na't ayaw kong magkita sila ni Yaji!" Matigas kong sambit.
Kahit sabihin na malaki ang Manila at malabo silang magkita pero hindi pa rin imposibleng mangyari iyon. Lumalaki na si Ceejay at madami na ang nagiging katanungan nito lalo na sa kaniyang ama, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kong paano ko sasabihin sa kaniya ang totoo.
Saan ba ako mag-uumpisa? At kong paano ko maipapaliwanag ng hindi siya nasasaktan at hindi nagiging masama sa paningin niya si Yaji lalo na ako. Ako kasi ang dahilan kong bakit nagkahiwalay silang mag-ama.
"Then let him be. Walang mangyayari kong itatago mo lang siya ng itatago dito, Ali."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa biglang naging sagot ni Pao, nahihibang na ba siya? Hindi man lang ba niya naisip na baka sakaling magkita ang mag-ama sa gusto nitong mangyari. Si Ceejay na lang ang meron ako, ayaw kong dumating si puntong kunin siya ni Yaji sa akin 'pag nalaman niya ang totoo.
"Naririnig mo ba ang mga pinagsasabi mo? Hindi sila pwedeng magkit-"
" Stop it! Alieson! Napaparanoid ka na, sa tingin mo ba hindi masasaktan si Ceejay sa oras na malaman niyang itinago mo siya sa ama niya? At sa tingin mo din ba hindi magagalit si Yaji 'pag nalaman niyang itinago mo sa kaniya ang anak niya? Hindi habang buhay itatago at itatago mo siya dito. Yaji has a right to know the truth, since he is Ceejay's father."
Hindi ako nakasagot sa mga sinabi ni Pao, oo tama siya hindi habang buhay ay maitatago ko ang totoo kay Yaji, pero ang ikinakatakot ko lang ay baka kunin nito sa akin ang anak ko.
"Is that true?"
Para akong natuod sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses na iyon, sabay kaming napalingon ni Pao sa boses ng isang babaeng nakatayo na ngayon sa harap naming dalawa.
Gulat na gulat ito at tila ba bakas sa mukha nito na para bang hindi ito makapaniwala sa mga narinig niya mula sa amin ni Pao. Anong ginagawa ni Beatrice dito?
"Bea? What are you doing here?" Gulat na gulat na tanong ni Pao.
Mula kay Paolo ay napabaling ang tingin nito sa akin na agad kong ikinaiwas, umalis ako ng Manila kasi ayaw ko ng gulo pero mukhang mangyayari na ata 'yon ngayon.
"Just answer me! Is Yaji the father of your son?... and not Paolo? Is that true?" Puno ng hinanakit ang boses ni Beatrice ng banggitin niya ang mga katagang iyon.
Napayuko ako at nanatiling tahimik, hindi ko alam kong paano ko sasagutin ang mga katanungan nito.
Ilang taon kong itinago ang totoo at hindi ko aakalaing malalaman ni Beatrice ang totoo ngayong araw."Oo! Beatrice. S-si Yaji ang ama ng anak ko, nong nagkita tayu sa clinic ng ob-gyn mo.... 'yun din ang araw ng malaman... kong buntis ako. Pero hindi naman 'yon sinasady-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sampalin ako nito ng malakas, napahawak na lang ako sa kanang pisngi ko ng makaramdam ng sakit banda doon.
"Bea!" Bulyaw ni Pao.
Agad akong dinaluhan ni Pao at galit na galit ang mga mata nitong ipinukol kay Beatrice.
"All this years, akala ko kasambahay lang ang trabaho mo. Hindi ko aakalain na magaling ka rin palang mang-akit sa kama! Napakalandi mo!" Sigaw nito.
Kumulo ang dugo ko sa huli nitong sinabi kaya naman ay hindi ko na napigilan ang sariling sampalin ito. Naiintindihan ko ang galit na nararamdaman niya ngayun, pero wala siyang karapatan na insultuhin ako.
"Wala kang karapatan na insultuhin ako, Beatrice! Dahil unang-una hindi ako mabubuntis ni Yaji, kong hindi rin dahil sayo!"

BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fiksi Penggemar"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...