Pagsapit ng alas diyes ng gabi ay nakarinig na ako ng ingay sa labas, hindi ko alam kong ano 'yon pero rinig na rinig ko ang iba't-ibang boses ng mga tao. Ilang saglit pa ay biglang bumukas ang pinto at sumalubong sa'min ang isang lalaki na may bitbit na dalawang dress at itinapon sa amin.
"Suutin niyo 'yan!" Utos nito saka muling isinara ang pinto.
Gustuhin ko mang sumigaw para makahingi ng tulong mula sa mga tao na nasa labas, pero hindi ako sigurado kong tutulungan nila ako. Napabuntong hininga na lang ako habang seryosong nakatingin sa dress na hawak ko. Bakit ba nangyayari sa'kin to!
"Ikaw? Ayos lang sayo na ibenta ka? Bakit hindi lang tayo magtulungan para makatakas dito," ani ko.
Walang reaksiyon ang mukha ng balingan ako nito ng tingin.
" Makatakas man ako dito o hindi wala na akong magagawa pa, malaki ang utang sa kanila ng mga magulang ko at ako ang naging pambayad doon. Sabihin na nating makatakas man ako pero alam kong hahanapin at hahanapin pa din nila ako."
Hindi man ako ginawang pambayad ng mga magulang ko pero ramdam ko 'yong sakit na nararamdaman niya ngayon, kaya din ako nandito dahil sa utang ng parents ko at parang pareho kami ng kapalaran sa buhay.
"H'wag kang mawalan ng pag-asa, gagawa tayo ng paraan para makalabas dito."
Hinawakan ko ang kamay nito para pagaanin ang sakit na nararamdaman niya at para na din may lakas siya ng loob. Hindi ako papayag sa gusto nilang gawin na ibenta kami sa mga foreigner, gagawa at gagawa ako ng paraan para makaalis dito kesa naman maghintay na may sumaklolo sa amin. Ayus lang sa'kin na mamatay, atleast gumawa ako ng paraan para makaalis dito.
Pinaikot ko ang tingin sa paligid hanggang sa mahagip ng dalawang mata ko ang isang terrace, nilapitan ko naman iyon at tiningnan kong bukas ba at laking pasalamat ko dahil hindi siya nakalock. Unang-una kong ginawa ay sinilip muna kong may tao ba sa ibaba no'n saka ako nakampante dahil wala roong bantay at malaya kaming makakatakas. Medyo may kataasan ang terrace na 'yon kaya ang pangalawa kong ginawa ay pinagdugtong-dugtong ang mga kumot na gagawin naming lubid para makababa.
"Sigurado ka ba sa gagawin natin uhmm..."
"Alieson. Alieson ang pangalan ko," pagpapakilala ko sa kaniya.
" Ako si Grace, pero paano pag nahuli nila tayo?" Natatakot nitong sabi.
Umiling lang ako at ngumiti sa kaniya, gusto kong iparating na magtiwala lang siya sa'kin at makakatakas kaming dalawa na buhay dito.
Dahan-dahan kong binuksan ang sliding door para hindi iyon makagawa ng ingay, itinali ko sa railings ang tela at ang ibang parte ng tela ay inihagis ko pababa.
"H'wag kang matakot, makakaalis tayo dito. Mauna ka ng bumaba basta huwag kang gagawa ng ingay," bilin ko sa kaniya na agad niyang sinang-ayonan.
Naging maingat ang pagbaba ni Grace hanggang sa makalapag na ito sa lupa, madilim sa parte ng area na 'yon kaya panigurado hindi kami makikita. Sumunod akong bumaba at ingat na ingat ako sa bawat kilos ko para hindi ako makagawa ng ingay.
Nang ganap na akong makababa ay agad na kaming tumakbo ni Grace sa likod ng mansiyon dahil doon kami dadaan. Panigurado madaming bantay sa gate at kailangan maging maingat kami sa mga kinikilos namin.
Masyadong mataaas ang pader at hindi namin 'yon maabot, kaya naman ang ginawa ko ay naghanap ako ng isang upuan o isang bagay na pwedeng maakyatan papunta sa kabila. Sumasang-ayon naman sa'kin ang tadhana ngayon lalo na't meron akong nakitang hagdan na sapat lang ang taas para makatawid kami sa kabila. Madilim man ang paligid pero maliwanag naman ang buwan kaya 'yon ang nagsisilbing ilaw namin.
Agad ko iyong pinuwesto at nauna na akong tumawid sa kabila, napapalibutan ng mga tanim na sugar cane ang paligid at hindi ko alam kong saan ang daan dito papuntang highway. Hayst!
"Grace? Umakyat ka na, walang tao dito." Pasigaw kong sabi pero sa mahinang boses.
Sumunod na din si Grace sa'kin, hindi pa ito nakakatawid sa kabila ng biglang may sumigaw.
"Hoy! Tigil!" Sigaw nito kasabay ang pagputok ng baril.
Nagulat kami ni Grace sa putok na 'yon dahilan para mahulog siya at bumagsak sa lupa. Agad ko naman siyang dinaluhan at inalalayang tumayo.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong.
Tumango lang ito sa'kin bilang sagot, hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at nagsimula na kaming tumakbo. Hindi namin alam kong saan kami pupunta ngayon at dire-diretso lang kaming tumatakbo.
Sunod-sunod ang putok ng baril na naririnig namin, pero 'di 'yon dahilan para tumigil kami. Kailangan naming makaalis dito ng buhay, kaya kahit pagod na ay hindi pa rin kami tumigil sa kakatakbo.
Nanghihina na ang buo kong katawan at pagod na pagod na. Pakiramdam ko hindi ko na kaya hanggang sa narinig ko na lang ang putok ng isang baril at tinamaan ako sa braso dahilan para bumagsak ako sa lupa.

BINABASA MO ANG
Hiding a Ceo Son
Fanfiction"Napakaselfish mo! Alam mo ba 'yon? Hindi mo siya pinrotektahan, Alieson. Pinagkaitan mo siya ng ama at buong pamilya."- Yaji Alieson Rodriguez is a strong and brave girl, sa kabila man ng pagsubok at problemang hinarap niya ay nanatili pa rin itong...