Chapter 8

182 3 0
                                    

Nagising ang masarap kong tulog dahil sa reflection ng araw na tumatama sa mukha ko, hays, kahit kailan talaga 'tong araw na to panira ng tulog.

Napahikab naman ako habang nag-uunat ng katawan, nang imulat ko na ang mga mata ay tirik na ang araw. Shuta!
Nagmadali naman akong bumangon sa higaan at kumuripas ng takbo papasok ng banyo para maghilamos at magmumog.

Wala na akong oras ngayon para maligo dahil tanghali na, hays! Gano'n ba talaga ako napagod kahapon at tinanghali na ako ng gising. Pagkalabas ko ng banyo ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin, mahirap na baka mamaya meron pala akong muta o tuyong laway nakakahiya 'yon.

Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo ng kusina, naabutan ko naman si Manang na nagluluto kasama ng isang babaeng kaedaran ko lang din. Siya ata 'yung tinutukoy ni Manang na isa pang kasambahay dito.

"Oh iha, gising ka na pala. Tara na dito at para makakain na," yaya sa'kin ni Manang.

"Manang, tanghali na po pala. Bakit 'di niyo po ako ginising edi sana nakatulong ako sa inyo," mahinahon kong sambit.

"Wala naman kaso 'yon iha, nandito naman si Lily para tumulong sa'kin. Saka ang sarap-sarap kaya ng tulog mo,nakakahiya naman kong gigisingin kita."

Napakamot na lang ako sa ulo ko sa winika nito, at don ko lang din napagtantong 'di pa pala ako nakapag-suklay. Hays! Alieson!

"Manang, I have to go," baritonong wika nito.

Sabay naman kaming napatingin tatlo sa lalaking biglang nagsalita, si Sir Yaji.
Nakasuot ito ng  white long sleeve with black neck tie at  naka-tuck-in ito sa suot niyang black trouser habang ang coat nito ay hawak-hawak niya. Mas pormal ang suot niya ngayun, 'di gaya kahapon para siyang nang-aakit na ewan e.

"Hindi ka man lang ba kakain?" Tanong sa kaniya ni Manang.

"No need Manang, sa office na po."

Bago ito umalis ay binalingan muna ako nito ng seryosong tingin, may galit ba to sa'kin?
Habang naglalakad ito palabas ng pinto ay 'di ko maiwasang tingnan ang malapad nitong likuran, grabe pang-model ang dating.

"Uyy, ikaw ah. Type mo si Sir Yaji noh?" Asar ng babaeng katabi ko.

Luh! Feeling close? Joke.

"Hindi ah!" Agad kong sagot.

"Sus! Masyadong defensive. Halata na kita mare, makatingin ka kay Sir parang gusto mo na siyang angkinin eh. Pumila ka sa likod 'di mo kami madadaan sa ganda mo."

Hindi ko napigilan ang sariling matawa sa sinabi nito, siya pala itong may gusto kay Sir Yaji ta's ako ang paghihinalaan. Doon lang ako sa totoo, pogi naman talaga si Sir Yaji, kaya 'di malabong pilahan siya ng mga kababaihan.

Nagsisimula na kaming kumain pero inaasar pa din ako nitong si Lily na may gusto daw ako kay Sir Yaji kahit 'di naman, kaya pati itong si Manang Lena ay nakikitawa na din sa kakulitan nitong si Lily.
Inaamin ko na tinitingnan ko si Sir Yaji kanina hanggang sa makalabas siya ng pinto  dahil  humahanga ako sa angkin niyang kapogian, pero 'di ibig sabihin no'n ay may gusto na ako sa kaniya. Ang main goal ko ay hanapin ang parents ko kaya ako nagtatrabaho dito hindi para mainlove sa amo ko. Kaloka!

Nang matapos na kaming kumain ay nagboluntaryo na akong maghugas ng plato para may maitulong naman ako, habang si Lily naman ay nagpupunas ng mga platong tapos ko ng hugasan. Isang araw lang kaming nagkakilala pero parang close na agad kami, napakadaldal ba naman at nag-eenjoy naman akong kausap siya.

"Pero Alieson, totoo nga? May gusto ka
kay Sir? "

Natapos na kaming kumain, hanggang ngayon 'yan pa din ang tanong niya. Hay naku!

"Paulit-ulit ka Lily, sinabi ko ng wala."

Konti na lang talaga mapipikon na ako sa kakulitan nito.

" Sus! Sa lahat ata ng babae na nakakita kay Sir Yaji, ikaw lang ang 'di naakit sa alindog niya," aniya.

" Trabaho naman kasi ang pinunta ko dito hindi para magkagusto sa isang Sopistikadong lalaki na gaya ni Sir Yaji."

Sir Yaji is perfect in his own way, kaya pati model o artista maakit at maakit talaga sa kaniya, pero except sa'kin. Hindi siya ang tipo kong lalaki, masyado siyang perpekto sa paningin ko at ang tipo kong lalaki ay simple lang, kaya 'di siya pasok sa standard ko.

Pagkatapos kong maghugas ng plato ay naligo na ako para makapagsimula na ako ng trabaho at matapos ako ng maaga. Habang nagpapatuyo ako ng buhok ay nasagi sa isip ko ang napanaginipan ko kagabi.

" Alieson, alam ko 'yung dahilan kong bakit nagtatrabaho ka ngayon. Hindi mo na ito kailangan gawin anak, umuwi ka na kay Nena at h'wag mo na kaming hanapin pa."

Ang mga salitang 'yon ay parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig sa utak ko, anong ibig sabihin ni Mommy don? At bakit 'di nila ako pwedeng isama sa pupuntahan nila? At bakit ayaw niyang hanapin ko pa sila?

Madami ang mga tanong sa utak ko ngayon na hindi ko masagot, kailangan kong mahanap sila Mommy sa lalong madaling panahon dah siya lang ang makakasagot ng mga katanungan sa utak ko ngayon.

"Alieson?"

Bigla naman akong nagulat sa biglang pagtawag sa'kin ni Lily. Nakadungaw ito sa pinto habang may mga ngiti sa labi nito na nakatingin sa'kin.

"Kong nandito ka para tanungin ako kong may gusto ako kay Sir Yaji, simpleng wala lang ang sagot ko diyan at wag mo na ako kulitin," seryoso kong sabi.

"Grabe ka naman, tatambay lang ako dito noh. Boring kasi sa kwarto ko," mataray nitong sagot.

"Alam mo kanina ko pa napapansin na parang anlalim ng iniisip mo? May problema ka ba?"

Minsan pala kahit anong tago mo ng problema mo, mapapansin din ng iba kapag 'di mo na kayang itago pa. Problema sa family ko ta's dumagdag pa 'yong panaginip ko kagabi, sana walang nangyari kela Mommy at Daddy. Sana okay lang sila.

"Ah.. wala naman. Iniisip ko lang 'yong mga magulang ko."

"Bakit nasaan ba sila?" Seryosong tanong nito.

Magkukwento na naman ba ako ulit? Parang 'di ko ata kayang i kwento, nandiyan na naman kasi 'yung bigat sa loob.

"Pwede bang next time ko na ikwento sayo? Hindi ko pa kayang ikwento sa ngayon e."

Gustuhin ko man ikwento kay Lily ang lahat , pero wala akong sapat na lakas at baka maiyak lang ako sa bigat ng problemang pinapasan ko ngayon. Nong una nakayanan kong ikwento kay Manang Lena ang lahat pero simula ng mapanaginipan ko si Mommy, 'di na ako mapakali at oras -oras akong nakakaramdam ng pag-aalala sa kanila.

Hiding a Ceo SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon