Walang imik sina Alejandro at Cassandra habang nagmamaneho, papunta sila sa rancho ng mga Guerrero, may kukunin lang umano itong importanteng papeles."We're here," sabi pa ni Alejandro na agad nag-park sa gilid ng isang bahay. Malawak ang lupain nila, matatanaw rin ang isang kwadra ng kabayo at isang barn house sa gilid. Nang makababa sina Alejandro at Cassandra ay agad na nilibot ni Cassandra ang paningin.
Simpleng cabin house ang tahanan nila Alejandro, malawak ang balkonahe nito at yari ito sa purong kahoy na halatang matitibay. Malapit ito sa isang ilog at natatanaw din ni Cassandra ang mga halamang nakahilera sa palibot ng bahay.
"Ang ganda ng bahay ninyo," saad pa ni Cassandra kay Alejandro habang naglalakad papanhik sa balkonahe. May dalawang awang ng hagdanan iyon bago makapasok sa pintuan ng bahay.
"Suit yourself." Sabi pa ni Alejandro na nilahad ang papasok na daan.
Nang makapasok sila sa bahay ay may nakita silang dalaga, parang hindi nalalayo ang edad nito kay Cassandra.
"Kuya!" tili pa ni Ada papunta sa kuya Alejandro niya. Agad niya itong niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Ada, meet your ate Cassandra, ninong Ejercito' grand daughter." Ani ni Alejandro na naghubad ng sapatos at nagpalit ng pambahay na sapin sa paa.
"Hi ate! Kamusta po! I'm Adaliza Guerrero, you can call me Ada for short." Magiliw na pakilala ng dalaga sa kaniya. Nag-abot pa ito ng kamay na halatang inaantay ang pag-shake hands niya.
She immediately take it, and smile.
"Hello, nice to meet you, Ada." Sabi pa niya sa dalaga.
Ngumiti ito saka pa hinatak ang kamay niya. "Halika ate, may ipapatikim ako sa'yo, nag-bake ako sa kusina." Sabi pa ng dalaga na hindi binitawan ang kamay niya. Nawala sa paningin niya si Alejandro.
"Alam mo ate, ngayon lang nagdala si kuya ng babae sa bahay na 'to, nga po pala, hindi kita nakikita sa bayan, bago lang po ba kayo rito?"
Tumango siya saka ngumiti.
"Nasa States ako," tipid na saad niya.
"Oh, kaya pala..anyway, ayan po ate oh, tikman mo po," sabi pa ni Ada na nilapag ang isang platito ng banana cake at isang lime juice.
"Gawa mo 'to?"
Tumango si Ada. Saka inantay ang unang subo niya.
"Hmm, masarap." Sabi pa ni Cassandra nang sinubo niya ang isang tinidor na slice ng cake.
"Thank you po, ikaw po ba ate..nagluluto ka rin po ba?" masayang tanong ni Ada.
"Yes, I do cook."
"Wow, magkakasundo po tayo, ate. Alam mo ba 'yang si kuya, malakas kumain 'yan, lalo na 'pag nagustuhan niya ang putahe, pihikan kasi 'yan sa ulam.."
Natigilan siya sa narinig, kanina lang kasi'y marami ang nakain nito nang siya ang magluto. Napangiti siya sa iniisip.
"Ay tama ate, halika, may ipapakita ako sa'yo," sabi pa ni Ada na hinatak siya sa kung saan. Napaka-friendly nito na tila sanay na sanay sa gawaing bahay.
Napunta sila sa likod-bahay, doo'y mas nakita pa niya ang ilog na napakalinaw. May kahoy na hamba doon na pwedeng upuan, may mga kagamitan din si Ada na tila naiwan lang niya kanina.
"Ano ang mga 'yan?" turo pa ni Cassandra sa mga kagamitan na pamimingwit.
"Ay, ito po, fishing rod po ito, namimingwit po ako kanina, pero napansin ko pong dumating kayo, kaya iniwan ko muna." Sabi pa nito saka umupo.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomancePinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...