Chapter 57

228 7 0
                                    

Nagising si Alejandro na wala sa tabi si Cassandra. Napabalikwas siya at napalinga sa kinasisidlang tent. There's nothing but an empty space at ang tinuping unan at balabal na ginawang kumot nito kagabi. Ginapangan siya ng takot at kaba.

"Cassandra?" tawag pa niya saka pa bumangon at binuksan ang zipper ng tent. Nabungaran niya sa labas sina Aika at Chonelle. Maaga itong nagising, nakaupo ito sa likod ng sasakyan habang nagka-kape.

"Good morning, kuya." Sabi pa ni Chonelle.

"Kape ka kuya oh," sabi pa ni Aika na inalok ang mug niya.

Umiling lang si Alejandro at nilinga ang paligid. "Nasaan si Cassandra?" Sabi pa niya rito.

Umiling sina Chonelle.

"We don't know, ngayon lang kami nagising." Sabi pa ni Chonelle.

"Where's Ada?" Natanong ulit ni Alejandro.

"Natutulog pa sila sa tent, matagal natulog 'yon kagabi eh, teka nga at sisilipin ko." Aika said na tumayo at tinungo ang tent na nasa gitna. Sinilip ni Aika ang nandoon.

Nakita niya sina Ada, Jillian at Rheg na natutulog pa at halatang mantika kung matulog.

"Nandito sila, kuya. Natutulog pa." Sabi pa ni Aika.

Alejandro immediately stretched his body and take his things, kabilang na doon ang kaniyang baril. "Saan ka pupunta, kuya?" Nalilitong tanong ni Aika.

"I will find, Cassandra. Baka napano na 'yon," Alejandro's voice tells that he is concern.

Agad na naglakad si Alejandro at nilinga ang pwedeng daanan ni Cassandra. Medyo masukal ang gubat kaya, para sa gaya ni Cassandra, it will be too hard to walk a distance, siguradong nasa malapit lang ito.

He repeated to call her name.

"Cassandra! Cassandra!" ani niya na dahan-dahang tinungo ang parte ng kanluran.

Madalas kasi nandoon ang mga orchids na sinasabi ni Cassandra, ang mga wild orchids na tuwing disyembre lang namumukadkad.

Muli pa niyang tiningnan ang gawi ng daan at minabuting sundan ang mga nakitang yapak. He is chasing the footprints in the mud and suddenly, napunta si Alejandro sa isang pamayanan na tila mga katutubo.

Napukaw niya ang mga atensyon ng mga ito nang makita siya. Natigilan siya nang mapag-alamang marami pala ang nandoon, at nag-iisa lamang siya.

"Anong ginagawa mo rito?" Nabosan niya mula sa isang lalaking may dalang armas. Medyo matanda na ito, nakasablay sa leeg nito ang isang balabal at may suot sa ulo na sombrerong pang-sundalo.

"Sino ka?!" Tanong pa ng isang kasamahan nito na mas lumapit pa sa kinatatayuan niya.

"Nagmamanman ka ba sa amin? Espiya ka ba?" Dagdag pa ng isa na tinadyakan siya sa likod, dahilan para mapaluhod siya sa lupa. Nanatiling tahimik si Alejandro at minabuting makiramdam muna, kung hindi siya nagkakamali. Ito ang kuta ng mga rebelde at ang mali lang niya ay sumuong siya sa lugar ng mga ito.

May kung sino pa ang humugot sa likod niya at kinuha ang kaniyang dalang baril.

"Armado siya!" Litanya pa ng lalaking kumuha sa baril niya.

"Sino ka!" Muling tanong ng nasa harapan niya. Nakatitig lang siya sa sapatos nito at dahan-dahang tumingala. Sa isang pagkakataon pa'y agad siyang tinadyakan ng mga ito at pinagtutulungan. Hindi siya nanlaban.

"Hindi ka pa rin ba magsasalita? Sino ka?" Sigaw pa ng tila lider ng grupo.

"A-ako si...Primero Guerrero." Sabi pa ni Alejandro na napaubo ng dugo. Nakalukot ang katawan niya sa puntong iyon habang hawak-hawak siya ng mga armadong rebelde. Hindi niya kayang manlaban. Napakarami ng naroroon, at iisa lamang siya.

Nakita niya kung paano lumebel sa kaniyang kinasasadlakan ang lalaking iyon at kinuha siya. Pinatayo siya nito at tila gustong makatayo sa sariling paa. Pinagpag pa nito ang balikat ni Alejandro at lumapad ang ngiti.

"Guerrero!" Sambit nito na niyakap siya nang hindi niya alam ang dahilan, kanina lang ay halos ipapatay na siya nito.

"Kilala mo ako?" Bantulutot na sambit ni Alejandro na maagap na tumayo at naglakad.

"Ikaw ang kilalang abogado ng San Luisita, hindi ba? Naipanalo mo ang kaso noon sa mga katutubo. At kung hindi mo alam, kami ang mga iyon." Sabi pa ng lalaking sinamahan siya sa may kubo. Nakahinga nang maluwang si Alejandro at tila nakaligtas sa bingit ng kamatayan.

He is breathing heavily, tanaw pa niya ang pagngisi ng bandidong lalaki na kinuhaan siya ng baso ng tubig.

"Oh, uminom ka. Pasensya na sa mga bata ko, hindi kasi namin alam na ikaw si Guerrero." Sabi pa ng lalaking iyon.

"Ako pala si Ka-Ontoy, ako ang lider ng samahang ito. Bakit ka pala naririto?" Pormal na tanong ng lalaki.

"May hinahanap lang akong kasamahan."

"Lalaki ba siya o babae?" Sabi pa ni Ka-Ontoy.

"Babae, ang mapapangasawa ko. Nagising na lang kasi ako na wala siya, nag-camping kasi kami sa 'di-kalayuan rito." Alejandro answered politely.

"Hmm...kung gusto mo'y sasamahan ka namin sa paghahanap, may otang na loob kami sa'yo." Sabi pa ni Ka-Ontoy na agad na tinapik ang balikat niya. Naasiwa man, ay hindi nagpakita si Alejandro nga takot. Alam niyang nasa panig niya ang mga ito.

"Salamat.." Paunlak pa ni Alejandro na minabuting tumayo ng tuwid. Binigyan pa siya ni Ka-Ontoy ng basahan para magtrapo ng mukha. Namula naman ang pisngi niya dahil sa sapak kanina ng mga kasamahan nito.

Sabay silang lumabas ni Ka-Ontoy at sinabihan ang mga kasamahan nito.

"Magmadali kayo, may hahanapin tayong kasamahan ni attorney!" Sabi pa ng matanda na nakangisi lang.

Mayamaya pa ay nakita na lamang ni Alejandro na nakikisalamuha na siya sa mga bandido. Hindi niya akalain na magiging kapanalig pa niya ang mga ito. Nang magsimula silang maghanap ay isa-isa silang bumuwag at nahati sa tatlong pangkat.

Nasa kanlurang bahagi sila ng gubat at doo'y tinungo ang mga punong pinaglilingkisan ng mga wild orchids.

"Dito ba ang palagay mo?" Si Ka-Ontoy.

Tumango si Alejandro.

"Nasabi niya kasing balak niyang kumuha ng orchids, baka nandito lang 'yon sa paligid." Alejandro said.

Nagmatyaga pa silang maghanap hanggang sa makita nila ang suot ni Cassandra na sandals.

Kinabahan si Alejandro sa oras na iyon, baka kasi kung saan na napunta si Cassandra.

"Cassandra! Cassandra!" sigaw pa ni Alejandro sa kawalan.

...itutuloy.






Wanted Not Perfect DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon