"Anong pwede nating gawin sa kaniya boss?" tanong ng lalaking nasa harapan ni Alejandro. Nakatingin lang ito sa kaniya habang hinihithit ang sigarilyo.
"Wait for my signal." Sabi ng matandang lalaki at muling tumalikod. Lumabas ito sa kwarto at naiwan sina Alejandro at ang lalaking nagbabantay sa kaniya.
"Anong gagawin n'yo sa akin? Wala kayong mapapala. Hindi ako ang hinahanap ninyo!"
"Tsk. Pero malaki ang kikitain namin sa'yo," makahulugang sambit nito.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Alejandro.
"Hindi ka namin kilala, pero tiyak kong kilala ka ng hinahanap namin."
"I don't who's that fucking guy! Hindi ko alam ang pinagsasabi ninyo."
"Relax ka lang brad! Alam namin ang ginagawa namin, sa ngayon...dito ka muna." Unti- unting lumapit ito kay Alejandro at idiniin ang upos ng sigarilyo sa kaniyang hita.
"Ahh! Damn it!"
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ng lalaki sa kaniyang pisngi. Sapol iyon, rason para matumba siya sa kinauupuan. Iyon ang pagkakataon na lumuwag ang tali niya sa kaniyang mga kamay.
"Ano? papalag ka pa ba? ha?" maangas na sambit ng lalaki kay Alejandro.
"Arggg! Itong bagay sa'yo!" isang suntok ang binitawan ni Alejandro sa lalaking iyon, kasunod ng pag-agaw niya sa baril na nasa tagiliran nito.
"Agghh." Mahinang usal ng lalaki. Kasunod n'on ay ang mabilis na paghatak ni Alejandro sa lalaki papunta sa isang sulok, para maitago niya ito. Nakita rin niya ang isang susi na suot ng lalaki, kaya agad din niya itong kinuha.
Madali siyang tumakbo sa kabilang pinto at doo'y napunta sa labas. Nagulat siya nang makita ang kinaroroonan niya. Nasa isang barko siya. Napapalibutan siya ng tubig, at hindi niya alam kung saan siya patungo. "Anong ginagawa ko sa lugar na 'to?"
Sa bandang baba ng kinatatayuan niya ay may nakita siyang nagkakasiyahan na tao. Parang may mga laro ito at pares-pares ang mga nandoon.
Kumunot ang noo niya, napaisip siya kung bakit siya napunta sa isang barko kung saan mayroong mga regular na pasahero at mga taong walang kaalam-alam na may hostage taking na nagaganap.
"Kailangan kong makababa!" sabi pa niya sa sarili at saka mabilis na pumanaog sa hagdan na nakakonekta sa gilid.
Sumuot siya sa isang kwarto doon at nakita ang mga naka-hanger na mga employee's uniform. Mabilis siyang nagbihis at kumuha ng isang face mask. Hindi na halata ang mukha niya dahil sa suot niya that time.
Hawak niya ang isang cleaning trolley habang papunta sa aisle nang mabangga niya ang isang lalaki.
"S-sorry." Sabi pa ni Alejandro rito.
"I'm sorry too." Baritonong boses ng lalaki. Sinipat nito ang mata niya pero mabilis siyang umiwas, mahirap na baka makahalata ito, or baka manager ito sa barko at makilala siya na hindi siya nagtatrabaho doon.
"Arman?" tanong ng lalaking hindi niya kilala.
"I'm sorry sir, I don't know what you're talking about." Mabilis siyang umalis pero nahawakan nito ang manggas ng uniform niya.
"Wait, hindi mo ba ako nakikilala?" tanong nito sa kaniya.
Napahinto si Alejandro. "Filipino?" pabalik na tanong nya sa mestisong lalaki.
"Yes, I am. Ako 'to, si Austin..." sabi pa ng lalaking nandoon.
"Austin?" kunot noong tanong ni Alejandro.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomantikPinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...