Chapter 50

188 6 0
                                    

"In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit, Amen." Sabi pa ng pari sa oras na iyon na noo'y hawak ang ceramic vase na pinaglalagyan ng abo ni Don Ejercito. Nasa may pangpang sila para isaboy sa kahanginan ang abo ng yumaong matanda. Napagdesisyonan nila na doon ito ilagay dahil alam nilang iyon ang paboritong lugar ng matanda. Doon ito nagpapalipas ng oras habang tinitingnan ang bukang-liwayway at dapit-hapon ng bayan.

Nakahawak sa braso ni Alejandro si Cassandra na tahimik na umiiyak. Suot nila ang mga itim na kasuotan, tanda na nagluluksa sila sa pagkamatay ng ginoo. Naroroon ang lahat ng trabahante at piling kakilala. Ramdam nila ang paghihinagpis nito, hindi sila iniwan ng mga ito simula pa sa umpisa. Buo ang suporta ng mga taga-San Luisita sa kanilang lahat.

Nang maipanalo nila ang kaso at mapakulong ang mga Nunez ay medyo humupa ang tensyon sa pagitan nila. Cassandra on her side, was temporarily settled and stable for once. Naisagawa ng hukom na ang nasabing sulat at ang old will of testament ng kanilang mga magulang ay patunay na sila ni Alejandro ang karapat-dapat at nakatakda sa isa't-isa. The testaments are liable and valuable since naka-notarized ito, at nilagdaan ng mga nasabing tauhan.

Nagbalik ang diwa nila sa oras na iyon at tiningnan ang eksena sa pangpang. Katatapos lang ng pagsaboy ng abo, at unti-unti nang nagsi-alisan ang mga taong nandoon.

"Cassandra.." anas pa ni Alejandro habang yakap ang dalaga.

"Hmm.." ani Cassandra na nakatingin lang sa malayo.

"Siguro'y masaya na rin si ninong sa ngayon, dahil naipanalo natin ang kaso," sabi pa ni Alejandro.

"Oo, I know his very proud to you, alam niyang naipagtanggol mo siya, at ako.." mahinhing boses ng dalaga na tiningala pa ang mukha ng binata.

"Naalala mo na ba ang lahat?" tanong pa ni Alejandro sa dalaga, pero umiling lang ito, tanda na wala pa itong maalala sa mga nagdaang panahon.

Tipid na nagsalita si Cassandra.

"Hindi ko man maalala ang mga nakaraan natin, sisikapin kong gumawa ng magagandang alaala ngayon na kasama na kita, Alejandro." Sabi pa ni Cassandra na ngumiti sa binata.

"Mahal mo pa rin ba ako?" Tanong pa ni Alejandro.

"Hindi alam ng isip ko, pero ramdam ng puso ko na...minahal kita, kaya siguro'y kahit hindi pa malinaw sa akin ang lahat, sinasabi ng puso ko ngayon...na mahal kita." Sabi pa ni Cassandra habang nakatingala sa mukha ng binata.

"Cassandra.."

"Alejandro.."

Sa sandaling iyon ay dahan-dahang bumababa ang labi ni Alejandro sa labi ni Cassandra na matiyagang naghihinatay. It was a smooth and light kiss, na parang hangin lang. Pinipigilan ni Alejandro na mahulog sa emosyon niya ngayon, gusto niyang gumawa ng panibagong memorya sa isipan ng dalaga, at kasabay n'on ay ang pagrespeto niya na huwag gamitin ang kahinaan nito.

Si Cassandra ang isa sa mga babaeng nirerespeto ni Alejandro, bukod sa mga kapatid niya. Handa siyang maghintay para sa dalaga, at kahit may nagawa man siyang kamalian noon, handa niya itong ituwid ngayon, karespe-respeto si Cassandra kaya siya dapat ang gumawa ng rason upang ipakita ito sa kaniya.

"I'm..sorry." Tipid na saad ni Alejandro matapos ang halik na iyon.

Umiling si Cassandra saka nagsalita.

"Alejandro, mahal kita.." hindi maitago ni Cassandra ang emosyon.

"Mahal din kita, Cassandra...i love you so much, and the fact I am holding myself not to do stupid things, for you, nirerespeto kita, Cassandra, and I'm so sorry if I did mistake behind of your memory. Makapaghihintay ako, baby...i am willing to wait until you say 'I Do'.

Wanted Not Perfect DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon