Alas otso ng umaga nang makalabas na sa hospital si Cassandra, kasama niya ang kaniyang lolo Ejercito na siyang sumundo sa kaniya. Kasama nito ang iilang bodyguards na panay buntot sa kanila.
Papalabas na sila ng hospital.
"Lo, nasaan po pala si Alejandro?" she asked while searching the aisle of hospital.
"Naku, apo. Nagpaalam sa akin, may aasikasuhin lang umano siya," saad pa ng matanda.
"Gan'on po ba?" matamlay niyang saad sa matanda. Napansin naman iyon ng matanda kaya minabuti niyang pasiglahin si Cassandra.
"Bueno, apo, dadaan tayo sa may mall, baka gusto mong bumili ng mga gamit mo?"
"Hmm...next time na lang po, gusto kong umuwi muna."
"Sige, hija...kung 'yan ang desisyon mo."
"Opo, magpapahinga muna ho ako." Sabi pa niya saka nanatiling tahimik.
Diretso sa mansion sina Cassandra, nang makauwi ay binungad siya ng mga katiwala at mga trabahador doon, halatang nasisiyahan sa pagbabalik niya.
"Mabuti't nakauwi na ho kayo," ani ni manang Anda.
Nasa salas sila ngayon, nakaupo siya sa may sofa habang tanaw ang papaalis na lolo niya, napaka-busy nito kaya she was feeling lonely all the time when he will left the house.
"Naku, señorita, alam mo bang sobrang nag-alala po si sir Alejandro sa'yo, lalo na nang isugod ka sa hospital," nakuha ni manang Anda ang atensyon ni Cassandra.
"Ho? Bakit ho?"
"Ay naku señorita, siya ho ang nagbuhat sa'yo, natataranta nga iyon, nakita ko nga siya rito sa may kusina, hinahanap ang thermometer. Ay ang sabi'y mainit ka raw." Chika pa ni manang Anda sa kaniya.
Napatitig siya sa kawalan at napaisip. Posible kayang naroon din ito noon sa hospital? Panaginip lang ba ang nakita't nadama niya o totoo ang halik na iyon?
"Gan'on po ba?" tipid niyang sambit saka pa tumayo.
"Manang, pwede ko ho bang malaman kung nasaan si Alejandro ngayon?"
"Ay, señorita... nandoon po siya sa bukid. Inaasikaso po niya ang mga manggagawa, may tinutulungan po kasi siyang samahan ng magsasaka, para umano maka-file ng kaso sa isang negosyante sa bayan na nanggigipit."
Napalingon si Cassandra sa sinabi ni manang Anda.
"Ho? Ano ho ba talaga ang trabaho niya? Hindi ba't driver siya ni lolo?" maang na tanong niya sa matanda.
Ngumiti si manang saka pa nagsalita.
"Naku maam, si sir Alejandro ho ang bagitong attorney ng bayan, pinagtapos ho ni don Ejercito si Alejandro ng kursong Law, abogado ho siya ng lolo mo, kaya nga't parang anak na rin ni don Ejercito 'yang si Alejandro eh, mabait na bata 'yon, masipag, maaasahan, at mabait na kapatid. Pinagtapos niya lahat ang mga kapatid niya, kaya't naibalik niya ang estado nila sa dati. Kaya nga't hindi na ako nagtataka kung hanggang ngayon ay binata pa rin 'yon." Sabi pa ni manang na lumapit pa sa kaniya.
"Pero, señorita, alam mo bang ngayon ko lang nakita 'yang si sir na nag-alala ng sobra-sobra, ramdam ko pong importante ka sa kaniya, nakita ko 'yong lumaki sa tahanang ito, at ngayon ko lang nakita na nagkakaganiyan ho siya sa isang babae." Dagdag pa ni manang Anda na lumawak pa ang ngiti habang nakatingin sa kaniya.
Nahihiya siyang ngumiti pabalik. Tama nga ba ang narinig niya sa ale? Ngayon lang ba talaga nangkakaganito si Alejandro, at sa kaniya lang ba ito nagkakaganoon?
"Manang, pwede ho bang samahan ninyo ako, magluluto po sana tayo ng ulam, ihahatid ko po sa kanila doon." She said while holding manang Anda's hand.
"Naku, señorita, kauuwi mo lang taking hospital, baka mabinat ho kayo." Sabi pa ng matanda.
Umiling siya. "Okey na po ako." Tipid niyang saad.
"Ay naku ma'am, baka mapano ka?"
"Don't worry manang, okey na po talaga ako." Sabi pa niya saka hinatak ang matanda papuntang kusina. Inakbayan pa niya ito at nilalambing, parang sa pamamagitan ni manang Anda ay nararamdaman niyang may nanay siya.
Nang makapunta sila sa kusina ay napagpasyahan niyang magluto ng sinigang na karne ng baboy na may gabi. Mabuti na lang at may mga sahog sa ref, at tanim sa likod ng mansion, nakisuyo na rin si Cassandra kay manang Anda, at nang matapos ay nilagay nila ito sa mga Tupperware at isinilid sa isang bayong.
"Tamang-tama po, mag-aalas dose na," sabi pa nito saka pa ngumiti.
"Magpahatid tayo kina Kulas, may tricycle 'yon," sabi pa ni manang Anda.
Nang makapunta sa may barong-barong ng mga trabahador ay hinanap nila si Kulas at doo'y nakisuyo na ihatid sila sa sakahan kung nasaan si Alejandro.
"Sige po, tara." Ani pa ni Kulas na mabilis kinuha ang kaniyang sombrero at towel na pamunas. Nang makuha ang kaniyang susi ay tinungo nila ang tricyle na nakaparada sa may puno ng mangga.
"Sakay na ho kayo," saad pa ng lalaki na pinaaandar na ang motorsiklo. Agad silang umupo sa tricycle habang hawak-hawak ang mga bayong na pinaglalagyan nila ng ulam, kanin, mga panghimagas at ilang kakanin para sa siesta snack mamaya.
Habang nasa daan sila'y nakipagbiruan si Kulas kay Cassandra.
"Naku, señorita, alam n'yo bang marami pong nakakapansin na malapit si Alejandro sa inyo, katunayan nga ho ay ikaw lang po ang bukod-tanging babae na nakakatagal sa ugali n'on," sabi pa ni Kulas na humagalpak pa ng tawa.
"Anong ibig mong sabihin?" Cassandra asked.
"Hay naku, huwag kang maniwala sa kutong-lupa na iyan, señorita," sabi pa ni manang Anda na nasa likuran.
"Okey lang ho, gusto ko pong malaman, ano ba si Alejandro?" she asked again.
"Kinatatakutan 'yan sa bayan noon...hanggang ngayon. Mabait 'yan na kaibigan, pero masamang kaaway." Sabi pa ni Kulas na ikinatitig lang niya sa mukha nito.
"Kaya nang dumating ka po rito, pansin po naming naging malapit kayo agad, kahit pa madalas po namin kayong nakikitang nag-aaway at nag-aasaran." Tawa pa ni Kulas.
Napangiti rin si Cassandra sa narinig at tila pinamulahan ng mukha.
"Nga po pala, natanong ko kay Alejandro dati, señorita, kailan ho ba ang kasal ninyo?"
Natigilan siya sa sinabi ni Kulas.
"Ha?" nawala ang ngiti sa mukha ni Cassandra, napalitan ng gulat.
"Naku, Kulas...tumigil ka sa pinagsasasabi mo, huwag kang makiusyuso!" saway pa ni manang Anda sa lalaki.
Nanatiling tahimik si Cassandra sa pagkakataong iyon, hanggang marating na nila ang sinasabi nitong lugar.
Nang makababa sila sa tricycle ay agad niyang natanaw ang mga nagkukumpulan na mga tao, kaharap nito si Alejandro na may hawak na mga papeles at tila nagsasangguni ng kung ano.
Nang makalapit sila sa direksyon na iyon ay binungad sila ng binata.
"Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong nito.
Nanatili siyang tikom ang bibig. Binabasa ni Cassandra ang mata nito kung ano ang sasabihin niya sa nalaman.
"Señorita?" hawak pa ni Alejandro sa balikat niya.
"I'm..I'm..here to brought these..." sabi pa niya saka inabot ang bayong na pinaglalagyan ng mga pagkain.
Nakita niyang napangiti si Alejandro nang makita ang laman n'on.
"Thanks," he said while holding her hands.
Pinukol pa ni Cassandra ang kamay nito at minabuting ngumiti. Kung anuman ang narinig at nalaman niya mula kay Kulas, mas mainam na itanong niya ito sa tamang panahon.
Sa ngayon, gusto lang niyang makasama at makilala pa ng husto kung sino ang lalaking sinasabi nitong pakakasalan siya, kung si Alejandro man iyon, mas mabuting malaman niya ang lalaking magiging kabiyak niya.
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomancePinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...