Chapter 13

379 13 0
                                    


Nang makauwi sa mansyon ng Monteverde ay agad na inasikaso ni Alejandro si Cassandra. Nauna siyang lumabas para magbuksan ito ng pintuan. Mahimbing na mahimbing ang tulog nito. Kaya minabuti niyang alalayan ito at kargahin papasok sa mansion.

Dahan-dahan niyang kinarga ito at tinungo ang bukana ng mansyon, halatang umagaw iyon sa atensyon ng mga iilang trabahador doon, maging sina manang Anda ay ang nagulat nang makitang karga-karga ang señorita nila.

"Manang, please make a hot chocolate." Sabi pa ni Alejandro na agad pumanhik agad sa may hagdan. Dali-dali niyang tinahak ang kwarto ni Cassandra. Nang mapunta na sila sa kwarto ay marahan niyang binuksan ang pinto at pumanhik sa may kama, inalalayan niya si Cassandra na mahiga. He felt that her skin is hot. Agad niya itong hinaplos.

"Fu—k!" mahinang anas niya nang maramdamang mainit ito, inaapoy ito ng lagnat!

Madali niyang tinungo ang first floor at tinanong kung nasaan ang first aid kit, gusto niyang kunan ng temperatura si Cassandra.

"Bakit po, sir?" tanong pa nila manang Anda dahil natataranta siya habang hinahanap ang bagay na 'yon.

"I need to check Cassandra's temperature, mainit siya. Nilalagnat!" sabi pa ni Alejandro, nakita na niya ang thermometer at agad na tinungo ang kwarto. He immediately put the apparatus on her armpit and once he finally checked her body temperature, he conclude to call a doctor.

"Damn it! 39 celcius ang temperature nito! It is an equivalent of convulsion stage. He felt she was shaking, kaya dali-dali niya itong binuhat ulit.

Panicking, Alejandro rushed Cassandra to his car and immediately drive her away to hospital. Guilty siya sa nangyari, he even pressed the pedal of his car more tighter. Binilisan niya ang takbo at doo'y naabutan niya ang sarili na nasa gusali na ng hospital.

Rushing Cassandra away to that stretcher, walking that aisle, looking to her innocent face, holding her shaking hands.

"Dito na lang po kayo." Sabi pa ng mga nurses kay Alejandro, papasok na sa ER si Cassandra.

Naiwang nakatayo si Alejandro sa daang iyon, holding his head. Thinking, how he can tell to his ninong, what was happened to his apo.

"Damn it!" parusa pa niya sa sarili. Hindi niya maitatanggi na nag-aalala siya, pabalik-balik siya sa kinatatayuan habang palakad-lakad sa daan na iyon. Tinawagan na niya si Governor Ejercito, kaya madali itong pumaroon, kasabay ang iilang bodyguards.

"Oh, hijo, nasaan ang apo ko?" bungad ng matanda kay Alejandro.

"She's inside." Nakayukong saad niya na hindi mapirme. Nag-aalala siya kay Cassandra.

Marahang hinawakan siya ng matanda at nagsalita. "Be still, it'll be alright." Sabi pa ng matanda na nahahalatang tense siya.

"I'm sorry, ninong. Napabayaan ko siya, it is my fault." Saad pa ni Alejandro, na ikinailing lang ni Don Ejercito.

"Walang may sala, hijo, it's not your fault." Sabi pa nito na agad siyang tinapik sa balikat. Matapos ang ilang minuto ay may lumabas na nurse.

"Excuse me po, sino po ang relatives ng pasyente?"

"Yes..how is she." Sabi pa ni Don Ejercito na agad lumapit sa nurse.

"Oh, Governor, she's fine. We checked her pulse, and monitor her temperature, she needs to rest." Ani ng nurse na naglakad papalayo, kasabay nito ang matanda. Nanatili sa kinatatayuan si Alejandro. Dahan-dahan pa niyang nasilip ang kwarto at doo'y nakita niyang hinahatak na ng nurses ang stretcher ni Cassandra papuntang ward.

Nakisabay siya rito, gusto niyang matiyak na okey lang ito. He felt responsible sa nangyari. Siguro'y dahil iyon sa panahon, sa pagod, at sa nangyari sa gubat.

"It's my fault.." he murmur his words.

Nang makitang isinilid na nila ito sa isang kwarto ay naging payapa na si Alejandro. Nanatili siya sa labas n'on habang tanaw ang pintuan na glass type kaya tanaw niya ito sa loob.

Mahimbing na natutulog si Cassandra. Nakakabit sa kamay nito ang isang dextrose para mapabilis ang recover nito.

Mayamaya pa ay may naramdaman siyang pagtapik sa kaniyang likod.

"Hindi ka ba papasok, hijo?" boses ni Don Ejercito.

"Hindi na po, dito lang po ako sa labas." Sabi pa ni Alejandro na minabuting tingnan na lang sa malayo si Cassandra.

It went well, and now, Alejandro decide to change Don Ejercito' shift, siya ang naatasang magbabantay sa dalaga. Kailangan na kasing umuwi ng matanda dahil sa trabaho nito sa munisipyo. Siya na lamang ang inaasahan nito na maging katuwang sa kaniyang apo, kaya hindi na siya tumanggi.

It was 3 o'clock in the morning, and he decide not to sleep. Minabuti niyang aliwin ang sarili habang hawak ang binabasang libro. Iyon ang mga libro niya sa pagiging law student. Kinakabisado niya iyon, lalo pa't katatapos niya lang makuha ang kaniyang lisensya para naging abogado. Mas pinili niyang maging public servant para matulungan ang mga kababayan niya sa San Luisita.

He remain silent while reading the book with his eyes, nang mapansing gumalaw si Cassandra.

Dahan-dahan niyang binaba ang librong hawak niya.

"Mommy! Dad! Mom! Wait, don't leave me!" iyon ang narinig niya sa dalaga kaya minabuti niya itong tabihan.

"Shhh, señorita, I'm here..shh.." ani niya na marahang hinimas ang buhok nito.

Dahan-dahang nagbukas ang mga mata ni Cassandra, and by that time all she see was Alejandro's rough and cold face. Nakatingin ito sa kaniya. Halatang nag-aalala.

"Alejandro.." Cassandra whispers while reaching his face. Agad namang lumapit si Alejandro at hinawakan ang mukha ni Cassandra.

"Señorita," mahinang anas niya, hindi na napigilan ni Alejandro ang sarili at dahan-dahang bumaba ang kaniyang labi sa labi ng dalaga. Sealing her lips was like touching a cloudnine. Mabilis lang ang halik na iyon, at tila dampi lang sa kanilang labi, pero ramdam nila ang bolta-boltaheng kuryente sa kanilang katawan.

Alejandro was too out-centered, alam niyang mali ang ginawa niya, but he can't hold himself not to be tempted.

Cassandra was too weak to handle the situation, ang alam lang niya'y dinadampian siya ng halik ni Alejandro, hindi niya alam kung nananaginip pa ba siya o reyalidad na ba ang nangyayari sa kaniya.

Muli niyang pinikit ang kaniyang mga mata, at sa pagkakataong iyon, dahan-dahan niya itong binuksan.

Seeing no one around her, but the four corners of her room. Hinawakan ni Cassandra ang kaniyang labi at dinama ang init n'on, parang hindi yata panaginip ang nangyari.

Or she's just obsessed of being loved by someone. Yes, tama...it is just her imagination.

...itutuloy.

Wanted Not Perfect DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon