Nang makauwi sa may kwadra sina Alejandro at Cassandra ay agad na na inasikaso ng binata si Cassandra, chine-check nito kung may sugat o gasgas ito.
"I'm fine," saad pa ni Cassandra habang hawak-hawak siya ni Alejandro.
"I must assure you're totally fine, señorita," he said while checking her elbows and knees.
Sa ginagawa ng binata'y lihim na napangiti si Cassandra. She was delighted when Alejandro holds her wrist, panay silakbo ang puso niya sa kaganapan, pero mas lumakas yata ang pintig n'on habang kasama niya ang binata.
"I guess, a water will do, inuuhaw ako." Pagsisinungaling pa niya dahil ang lagkit na ng pakiramdam niya sa oras na iyon.
"Okey." Saad naman ni Alejandro na agad tumalima papasok sa bahay. Naiwan si Cassandra sa may upuan, na nakasilong sa isang puno. Katabi nito ang kwadra na kinalalagyan ng mga kabayo.
Nilinga pa niya ang paningin at nakita ang ilog na kanina lang ay pinamimingwitan niya ng isda.
"Hmm, makapaghugas nga r'on." Ani niya saka pa nagtungo sa ilog.
She was so stinky, kaya feeling niya ang sarap maligo ngayon. At dahil nga matigas ang ulo niya, ay agad siyang naghubad ng suot na damit at short pants. Tanging two pair undergarments lang ang natira sa kaniya.
"Ahh, ang lamig!" saad pa niya ng lumusong siya sa ilog.
Mayamaya pa ay lumublob na siya sa malinaw na tubig. Hanggang mapansin niyang may nakatingin sa kaniya. It was Alejandro holding a jug and a glass. Pero natigilan ito habang tanaw siya.
"Hey, ang sarap ng tubig!" She yells while sprinkling some droplets to Alejandro's direction.
"I taught nauuhaw ka." Dinig ni Cassandra kay Alejandro.
Umiling si Cassandra saka pa ngumiti.
"I've changed my mind, ang sarap palang maligo, naiinitan ako." Pagkaklaro pa niya saka pa ngumiti.
Mayamaya rin ay nakita rin niya si Ada.
Nakatayo ito, katabi ng kuya niya.
"Hoy ate! 'Bat ka naliligo riyan?" Saad pa ni Ada.
"Bakit? Ang sarap kaya ng tubig dito." Aniya saka pa nagtampisaw.
"Just let her do her wants, Ada. Magsisisi rin 'yan mamaya." Dinig pa niya mula kay Alejandro.
"Bakit ba?" Cassandra asked.
"May buwaya riyan," tipid na sabi ni Alejandro. Natigilan si Cassandra saka pa ngali-ngaling umahon.
"Bat hindi mo sinabi?!" tampal pa niya sa braso ng binata.
"Malay ko bang maliligo ka. Eh tubig ang gusto mo, hindi ko akalaing sa ilog pala ang bagsak mo." Sabi pa nito saka pa binigay ang jug at baso. Mabilis itong tumalikod na tila naiinis.
Nang makaalis si Alejandro aya agad na nagsalita si Ada.
"Ate, 'bat kasi naligo ka riyan?" ani pa ni Ada.
"Bakit, masama ba?" she was clueless that time.
"Eh kasi po, pinagbawal na ni kuya Alejandro na paliguan ang ilog. Simula po n'ong diyan po nakitang magpakamatay si mama. Diyan po siya nagpakalunod." Ani ni Ada na halatang takot sa kaniyang kuya.
Natigilan si Cassandra, hindi kasi niya alam ang nangyari. And out of her mind, hindi naman niya akalaing may masalimoot palang kwento ang ilog na iyon.
"Kaya ba, hindi siya nag-e-stay dito sa bahay ninyo?" mapait ang boses ni Cassandra.
"Opo, isa po 'yan sa rason." Ani ni Ada na halatang nalungkot.
"I'm sorry...sige I'll talk to him now." Sabi pa ni Cassandra na agad tinungo si Alejandro. Hawak-hawak niya ang kaniyang mga damit.
Nang mapuntahan si Alejandro sa may balkonahe ay nakita niya itong nakaupo sa silyang de tumba. Naninigarilyo ito at halatang upset.
"Alejandro.." tawag niya. Lumingon ito saka pa nagbuga ng usok.
Naka-two piece lang siya ngayon at wala siyang pakialam kung nagmumukha siyang nakahubad sa harapan nito.
"What?" simpatikong saad ni Alejandro na iniiwas ang tingin sa kaniyang kabuuan.
"I'm sorry. I'm sorry for being silly." Sabi pa niya na hindi umaalis sa harapan nito.
"Dressed up, we'll leave in a minute." Ani nito na tinapos ang sigarilyo at mabilis na tumayo.
"Wait," sabi pa ni Cassandra na hinabol si Alejandro pababa ng hagdan sa balkonahe.
Marahang nilingon siya nito at tinitigan ang kaniyang mukha. Masama ang timpla ng mukha nito, halatang iritable.
"Can I have a favor?" she asked.
"Ano?" tipid na saad ni Alejandro, suot ang walang emosyong boses.
"Can I hugged you?" sabi pa ni Cassandra na mabilis nilundag ang bisig ni Alejandro at matamang niyakap iyon. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa binata, upang maibsan ang dinaramdam nitong kalungkutan. Alam niyang mayroong espasyo sa puso ni Alejandro na namamayani pa rin ang hinayang at kalungkutan nito.
"Why you're doing this?" anas ni Alejandro na hindi maalis si Cassandra. Imbes na waksihin niya ito ay malugod niya itong tinanggap at dahan-dahang niyakap pabalik ang dalaga.
He seemed so peaceful sa yakap ng dalaga, it was obvious that he can't help but to accept her embrace. Bagkus sa malamig nitong katawan, ay namamayani sa kanila ang init, ang init na pumapagitna sa pagyayakapan nila.
"I know you need it." Sabi pa ni Cassandra na dahan-dahang kumalas sa bisig ng binata. Ngumiti pa siya saka hinawakan ang pisngi nito.
"Alejandro, I know you're still hurt, alam ko ang nararamdaman mo, kaya please...let go those things who still hurting you. Hindi mo kasalanan ang nangyari." Ani ni Cassandra na nakatitig lang kay Alejandro. Tanaw pa niya ang pagtiim-bagang nito.
"I'll try." Saad pa ni Alejandro na mabilis na tumalikod. Halatang apektado sa sinabi niya.
Matapos ang pangyayari ay agad siyang binigyan ni Ada ng towel para matuyo ang katawan niya, sinuot niya ang kaniyang damit at shorts, saka pa nagpaalam. Nasa sasakyan na kasi si Alejandro na naghihintay sa kaniya.
Nasa balkonahe si Cassandra na nagpapaalam kay Ada.
"Thank you, Ada, salamat sa pag-accomodate mo sa akin."
"Sure, ate Cassandra, no worries. I hope na makabalik ka po, soon." Sabi pa nito na yumakap sa kaniya.
"Sige, we'll go ahead. Ingat." Paalam pa ni Cassandra na mabilis na pumanaog sa balkonahe at tinungo ang sasakyan.
Nang makapasok sa sasakyan ay nilingon niya si Alejandro, nakatutok lang ito sa daan.
"Buckle up." Matigas na boses nito na hindi siya tinitingnan. Agad niya itong sinunod.
Wala siyang imik habang binabagtas nila ang daan pauwi sa tahanan ng mga Monteverde. Gusto sana niyang dumaan sa bayan, pero baka uminit na naman ang ulo ni Alejandro, so she remain silent.
Papalubog na ang araw nang mga sandaling iyon, she felt that even her eyes is now closing and weak. Napagod siya sa ginawa niya sa buong maghapon.
Eventually, she fell out and sleep.
On Alejandro's taught, wala siyang imik habang nagmamaneho sa kotse, tahimik lang din si Cassandra. Dahan-dahan pa niya itong tiningnan at doo'y nakita na nakatulog na pala ito. Tanaw niya ang inosenteng mukha nito na halatang napagod sa buong maghapon.
Bumuntung-hininga siya saka pa inabot ang kaniyang jacket sa likuran. Dahan-dahan niya itong ipinatong sa dalaga upang maging kumot.
Sa diwa niya'y nagbalik ang sinabi nito kanina lang.
"Alejandro, I know you're still hurt, alam ko ang nararamdaman mo, kaya please...let go those things who still hurting you. Hindi mo kasalanan ang nangyari." Tipid siyang napangiti sa sinabi nito, knowing that this brat has a pure heart he can rely on.
...itutuloy
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomancePinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...