Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Alejandro, nasa labas siya habang nakaupo sa bumper ng kaniyang sasakyan, tinutungga niya ang bote ng beer, habang nakatanaw sa kalangitan.Pasado alas diyes na ng gabi sa oras na iyon pero nanatili pa rin siya sa labas. Mayamaya pa ay nakita niya ang magkapatid na si Teresa at Kulas. Lumapit ito sa kaniya.
"Magandang gabi.." bati pa ng dalagang si Teresa.
"Magandang gabi, rin." Sabi pa ni Alejandro.
"Malalim na ang gabi, Alejandro, pero 'bat nasa labas ka pa rin?" tanong pa ni Kulas kay Alejandro.
"Nagpapahangin lang." Tipid niyang saad.
"Gan'on ba, sige, uuwi na kami, sinundo ko lang 'tong si Teresa kina Lourdes," sabi pa ni Kulas kay Alejandro.
"Hold on, nga pala. Nasa likod ang bisekleta ni Teresa, kunin n'yo na." Sabi pa ni Alejandro kay Kulas.
"Pero...baka gamitin ni señorita?" sabi pa ni Teresa.
Umiling si Alejandro.
"No need, ako na ang bahala sa señorita. " Sabi pa ni Alejandro.
Agad namang kinuha ni Kulas ang bisekleta sa likod ng sasakyan.
"Ahm..Alejandro, pwede bang magtanong?" saad pa ni Teresa kay Alejandro.
"Ano 'yon?"
"Ahm..pwede ka bang maimbita sa isang okasyon?"
"Anong okasyon?"
"Kasi...sabi nila Loudes, malapit na ang kaarawan niya at plano niyang isabay ang kaarawan niya sa kaarawan ni Lolita, gaganapin ang kaarawan doon sa tahanan ni Lolita, balak ko sanang nandoon ka rin, may sayawan kasi.." mahinhing saad ni Teresa.
Natigilan si Alejandro sa narinig, kamuntikan na niyang malimutan na malapit na pala ang kaarawan ng kapatid niya. Siya lang ang nakakaalam sa eksaktong petsa n'on, hindi alam ng iba niyang kapatid na may kapatid sila sa labas, knowing that he is protecting Lolita.
"Sige, pupunta ako." Sabi pa ni Alejandro. Lumawak ang ngiti ni Teresa.
"Sige, Alejandro ha...asahan ko ang pagpunta mo." Sabi pa ni Teresa na papalayo na, sakay na ito sa bisekleta, si Kulas naman ang nagmaneho.
Nang mawala na sa paningin niya ang dalawa ay madali siyang tumayo at nag-unat ng katawan. He's been busy doing his job, nalilimutan niyang may mga kapatid siyang dapat atupagin.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone at humanap ng magandang pwesto para sa signal. Nang makakuha ay nagtipa siya ng mensahe para sa mga kapatid. Kinakamusta niya ito at inanyayahan niyang magtipon sila sa susunod na buwan, iyon kasi ang kaarawan niya.
Nang makapag-send ay agad siyang nagtungo sa looban, sinipat pa niya ang oras. It's now eleven o'clock, wala pa rin ang ninong Ejercito niya, siguro'y hindi pa ito uuwi. Alam niya ang routine nito, dahil nakasama niya ito sa mga meetings at lakad, ayaw nitong bumyahe kapag malalim na ang gabi, madalas noon ay nagpapahinga na lamang sila sa isang hotel bago pa umuwi kinabukasan.
Bumuntung-hininga siya saka pa nagpunta sa kusina, he needs a black coffee to drink, para maiwasan ang hang-over kinabukasan, marami-rami pa naman ang nainom niyang bote ng beer.
Nang makapunta siya sa kusina ay nakita niya si Cassandra. Umiinom ito ng gatas. Nakatalikod ito at nakapangtulog na damit. Nag-aatubili siyang magpakita kaya he immediately hide to the corner. Tanging pagsilip lang sa malayo ang ginawa niya.
Nakita pa niya itong nagbukas ng ref, at tumuwad dahil may kung ano itong inaabot sa ibaba.
"Sh*t!" mahinang anas pa niya dahil nakatingin siya sa perpektong pang-upo nito. Nag-iwas siya ng tingin but he can't help it, so he decide to remain calm, while wiping his sweat. Matapos makuha ni Cassandra ang bagay sa ibaba ng ref ay agad itong humarap sa banda ni Alejandro, nakasuot ito ng satin sando na may v-neck cut sa dibdib kaya tanaw ni Alejandro ang hulma ng dibdib nito na halatang walang bra.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomancePinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...