Nakikinig si Cassandra sa kaniyang professor while taking jot some notes, may assignment din siya para sa isang discussion that day, so over-all, mukhang marami siyang gagawin mamaya pagkauwi sa mansyon.
"Gurl, may naisip ka na bang video presentation?" siko pa ni Christian sa kaniya. Umiling lang siya saka pa nilingon si Sherly. Halatang gusto nilang humingi ng tulong na dalawa.
"Oh, anong tinitingin n'yo riyan?" saad pa ni Sherly na ngumuso lang.
"Girl, baka pwedeng makahingi ng favor..." maarteng saad ni Christian.
"Me too.." dagdag pa ni Cassandra sa katabi.
Bumuntung-hininga si Sherly. "Okey, fine...tutulungan ko kayo." Sabi pa nito na ikinangiti nila Cassandra at Christian.
FYI, for additional points at corrections sa mga assignments nila, pinapa-check nila ito kay Sherly since ito ang matalino sa kanilang lahat, may puruhan nga na mag-ranking ito bilang valedictorian.
"Thanks.." sabay pang sabi nila rito. Mayamaya ay tumunog na ang bell, meaning na tapos na ang klase. Isa-isang nagsilabasan ang mga kaklase nila, gayundin sina Cassandra at kaniyang dalawang kaibigan na nahuli sa paglabas. Nang maglakad silang tatlo papunta sa parking lot ay nakita nila si Alejandro na nakasandal sa kaniyang kotse.
Halatang naghihintay ito.
"Owemgeee...si Alejandro Guerrero ang sundo mo, girl?" impit na saad ni Christian na siniko si Cassandra. Napangiwi na lang si Cassandra sa reaction ng kaibigan.
"Hmm, yah..bakit?" walang muwang niyang tanong.
"Did you know that, Alejandro is one of the bachelor magnate here in San Luisita." Sherly added.
"Ows?" sabi pa niya na tumirik lang ang mata at nagkibit-balikat. She can't believe that she's really hearing these kinds of words.
After that, she saw Alejandro walking to their way. Agad namang kinilig ang dalawang kasama niya.
"Let's go?" sabi pa ni Alejandro na hinapit ang beywang niya.
"Hi...Alejandro." Sabi pa ni Sherly na inayos pa ang kaniyang suot na salamin.
"Hello." Tipid namang saad ni Alejandro rito.
"Uhm, hi pare, I'm Christian." Sabi pa ni Christian na nagboses lalaki sa oras na iyon. Agad pa nitong kinuha ang kamay ni Alejandro saka pa nilamano. Alejandro on the other hand, was smiling to this guy infront of him.
"Hello..nice to meet you, Chris." Sabi pa ni Alejandro na halatang tinititigan ang mukha ni Christian. Naka-lip balm kasi ang labi nito.
"Hmm..let's go." Saway pa ni Cassandra kay Alejandro at Christian na madaling pinaghiwalay ni Cassandra.
"Bye.." paalam pa ni Alejandro sa dalawang kaibigan ni Cassandra.
Pinagbuksan ni Alejandro si Cassandra bago pa ito gumilid papuntang driver's seat. Tanaw lang ni Cassandra sina Sherly na kumaway sa kaniya.
Dahan-dahan nang umandar ang sasakyan nila at noo'y nagtungo na sa main highway.
"So, sila pala ang mga friends mo?" sabi pa ni Alejandro.
Tumango lang si Cassandra.
"I know those two, hindi ba't Ferrer ang apilyido ni Christian? May-ari ng patahian ang mama niya. Kaibigan ng yumaong mama ko ang mama niya." Sabi pa ni Alejandro sa seryosong boses."
"Yes, he is." Sabi pa ni Cassandra na tiningnan ang daan.
"Wait...saan tayo pupunta?" sabi pa ni Cassandra kay Alejandro nang makitang papunta sila sa isang mall.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
Любовные романыPinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...