Five months after they wed ay napatayo na ni Alejandro at Cassandra ang kanilang mansion sa San Luisita. Nakatayo ito sa lupain ng mga Monteverde na siyang sinalba at binili ni Alejandro mula sa lahat ng pagkaka-otang ng pamilya ni Cassandra noon sa mga negosyante. Nanumbalik ang estado ng hacienda nila, at ngayon nga'y Rancho el Guerrero na ang tawag nito. Naging malawak ang sakop nila, gawa dahil mas lumawak ang kanilang mga sakahan at nadagdagan pa iyon ng nga bakahan, niyogan at tubuhan. Naging matagumpay rin ang pagbubukas ng kanilang resort sa islang pinangalanan nilang Los Viajeros Resort.
Nasa mansyon sina Cassandra at Kata sa oras na iyon, hinihintay kasi nila sina Alejandro at Kulas na pumunta sa bukirin, dahil hinatid ang bagong makinarya ng mga magsasaka.
Nasa balkonahe ang dalawang babae habang abala sa pagbabasa ng libro.
"Bes, may sasabihin ako." Sabi pa ni Kata habang hawak ang libro.
"O, ano 'yon?" Cassandra asked without a clue.
"May pinagtapat si Kulas sa akin.." sabi pa nito na tila kinikilig. Tanaw pa ni Cassandra ang pamumula ng mukha nito.
"Hmm...ano 'yon?" Denial na tanong ni Cassandra, kahit alam na niya ang patungkol sa dalawa.
"Kami na!" Impit na sambit ni Kata sa kaibigan, natutuwa naman si Cassandra sa narinig dahil narinig niya mula kay Kata ang pag-amin nito.
"I'm happy for you bes, masaya ako para sa inyo ni Kulas." Sabi pa niya na pinalapit pa si Kata sa gilid niya.
Agad niya itong niyakap at hinagod ang likuran.
"Mabait si Kulas, masuwerte ka sa kaniya." Cassandra added to her friend.
Nang maiwalay na nila ang yakapan ay tinitigan siya ni Kata. Halatang natutuwa sa narinig na pagpuri ni Cassandra sa katipan nito.
"Bes...palagay mo, magiging mabuti ba akong girlfriend sa kaniya?" Kata's face went serious.
"Oo naman, you're very sweet, you're loving, caring and thoughtful, na sa'yo na ang lahat ng katangian ng babae na gusto ng lalaki." Cassandra said as she reach Kata's hair back to her ears.
"Salamat bes ah, ngayon lang ako nagka-boypren e, si Kulas pa!"
"Then you must be glad, bes. Sabi nga nila, first love never dies, so it means, si kulas ang first love mo, and I'm sure siya rin ang true love mo." Sabi pa ni Cassandra na ngumiti kay Kata.
Mayamaya pa ay narinig nila ang pagdating ng sasakyan. Sasakyan ito ni Alejandro. Nang maka-park ito ay kasabay na bumaba sina Kulas at Alejandro na ngiting-ngiti.
"Hi baby!" kaway pa ni Alejandro sa asawa niya. Agad itong pumunta sa balkonahe at ginawaran ng halik sa noo ang esposa.
Si Kulas naman ay nag-aatubiling lumapit kay Kata habang tila may dala na kung ano sa likuran.
"Ehem.." Kulas cleared his voice upon staring to Kata's face. Bakas sa mga mukha ng dalawa na inlab sila sa isa't-isa.
"Sige na.." Alejandro declared his voice to Kulas.
Agad namang lumapit si Kulas kay Kata at nilahad ang isang bouquet ng rosas sa dalaga.
"Uh..eh ano kasi.." tarantang saad ni Kulas na tila nahihiya dahil sa presensya nina Cassandra at Alejandro.
"Go on," Cassandra said while smiling.
"Ano ba kasi ang sasabihin mo?" kinikilig na boses ni Kata.
"Ano kasi...Kata.. will you..will you m-marry me?"
Napaawang si Kata sa narinig at napatayo mula sa kinauupuan. Hindi niya alam ang gagawin lalo pa't biglang lumuhod si Kulas sa harapan niya. May dinukot pa itong singsing at nilahad sa kaniyang harapan.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomancePinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...