Hawak ni Cassandra ang sandwich habang nakaupo sa kaniyang kama. Nasa hospital pa rin siya sa ikatlong araw mula ng magkamalay siya.
Tahimik lang nitong kinakagat ang sandwich na muling tumingin pa kay Alejandro. "Want some?" she asked.
Umiling si Alejandro saka ngumiti.
"Hindi ka ba nagugutom?" sabi pa ni Cassandra kay Alejandro.
"Hindi." Tipid na sabi ni Alejandro na noo'y nakatingin lang sa kaniya. Nag-iisip kasi ito kung paano niya sasabihin kay Cassandra ang katotohanan na hindi ito mabibigla.
"Kung makalabas na ako rito, saan tayo dideretso?" sabi pa ni Cassandra kay Alejandro.
"Magbakasyon tayo sa kakilala ng pinsan ko." Sabi pa ni Alejandro sa dalaga.
"Saan naman?"
"Sa isang resort, malapit lang dito."
"Hmm..it seems marami kang kakilala rito ah," ngiti pa ni Cassandra sa kaniya.
Umiling siya saka ngumiti.
"Kakilala lang ng pinsan ko," saad pa niya saka tumayo.
"Oh, saan ka pupunta?" sabi pa ni Cassandra na gustong makipagkwentuhan sa kaniya.
"Maninigarilyo lang ako sa labas." Sabi pa ni Alejandro.
"Mabilis ka lang d'on?"
"Oo. Babalik din ako kaagad." Sabi pa ni Alejandro.
"Okey," ngiti pa ni Cassandra na tinapos ang kinakaing sandwich.
Nang makalabas si Alejandro ay naiwan si Cassandra sa kwarto. Sinisipat niya ang bawat kanto na tila naghahanap ng pwedeng mababasa o mapaglibangan, naiinip na kasi siya sa hospital, wala siyang magawa kundi ang matulog, magpahinga, at kumain. Feeling nga niya'y tumataba na siya. Dahan-dahan siyang naupo at inabot ang cellphone ni Alejandro, nandoon lang kasi ito sa bedside table ng kama niya.
"Hmm, maganda kaya ang camera nito," sabi pa ni Cassandra na binuksan ang telepono. May password iyon kaya hindi niya mabuksan. Ngunit laking gulat niya nang makita ang screensaver background na nandoon. Larawan iyon ni Alejandro at ang sarili niya na masayang naka-smile sa kung saan. Maraming bulaklak ang nandoon.
Napahawak si Cassandra sa sariling ulo. Kumikirot iyon, parang may mga tagpo sa kaniyang utak na tila nakikita niya, ngunit hindi malinaw kung paano, kailan at saan iyon nangyari.
"Ahh! Aw...ang sakit!" impit niya habang hawak ang ulo. Napapikit pa siya habang inaalala ang mga eksena. Hindi niya alam pero sa bawat pagpikit niya'y may rumirehistro sa guni-guni niya.
Classroom.
Isang bakla at isang nerd na babae.
Kumakain sila sa canteen.
Nag-road trip.
Nag-inuman sa bar.
Iyon ang mga nakikita niya, kahit hindi niya alam kung sinu-sino ang mga taong iyon. She's confused and frustrated. Hindi niya alam kung dala lang ba iyon sa pagkakabagok ng ulo niya, o sa mga gamot na halos maging halukay-ube dahil sa dami.
Muli pa siyang nagmulat ng mata at tumayo, inabot pa niya ang dextrose sa kaniyang gilid at kinuha iyon, sinablay niya ito sa isang mataas na lalagyan kung saan pwedeng isabit at maitulak habang naglalakad siya. Paisa-isang hinakbang niya ang paa papunta sa bintana ng silid niya. Tanaw niya ang kabuuan ng Cebu. Parang nasa itaas na palapag siya sa oras na iyon, tahimik niyang dinama ang pag-iisa at tiningnan ang paligid.
Animo'y sinasariwa niya ang pag-iisa noon sa Las Vegas, wala siyang kaibigan doon, at mas lalong hindi niya naiangkop ang sarili roon, dahil ramdam niyang kakaiba siya, hindi siya makasabay sa mga trip ng estudyanyeng nandoon. She's a loner, wayback then, and for now, ramdam niyang hindi pa rin siya nagbabago.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomancePinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...