"The food is ready!" tawag pa ni Cassandra kay Alejandro na nasa pool area. Katatapos lang niyang ilapag ang plato sa counter top table nag-prepare pa siya ng sandwich, egg omelet at lime juice. Hindi siya sigurado pero parang nasa-instinct na niya na iyon ang dapat niyang lutuin that time.
Nakita niyang dahan-dahang lumapit si Alejandro at nagsuot ng roba. Nang makalapit ito ay umupo ito sa harapan niya at pasimpleng kinuha ang baso ng lime juice.
Uminom ito na tila uhaw na uhaw.
"Oh great! It taste the same, Cass..i..i mean, señorita." Sabi pa ni Alejandro na sumeryoso at naupo lang.
Cassandra help him to put another juice in his glass.
"O, kumain ka na. Alam kung nagugutom ka," Cassandra said while biting her sandwich.
Tumingin si Alejandro at sumandok ng kanin at ng isdang prito, saka pa ito sumubo. "Hmmm...sarap!" sabi pa ni Alejandro kay Cassandra na pinupuri ang niluto nito.
"Thanks!" Cassandra said while smiling.
"Magaling ka ngang magluto, hindi kataka-taka kung madali kang mahalin at magustuhan ng mapapangasawa mo. Masuwerte ang lalaking mamahalin mo." Sabi pa ni Alejandro na tipid lang na ngumiti sa dalaga.
Ngiti lang din ang tugon ni Cassandra.
Sa oras na iyon ay tahimik silang kumain, habang nakikiramdam sa isa't-isa, alam nilang mayroon silang malalaman sa isa't-isa sa panahong bubunuin dito sa hotel. Maybe it will lead and help them to know each other better, or maybe they can continue their past somehow.
Nang matapos sila sa pagkain ay agad na inilagay ni Cassandra ang mga pinagkainan nila sa dishwasher machine, bumalik lang naman si Alejandro sa may pool area saka pa naupo sa isang plastic chaise na nandoon. Kumuha siya ng isang stick at nanigarilyo. Nasa kinauupuan siya nang marinig ang kaniyang telepono sa kaniyang gilid.
Agad niya itong tiningnan. It was Kata's number.
Agad niya itong kinuha at sinagot.
"Hello, Kata?" ani Alejandro na hininaan ang boses.
"Alejandro...si tatay." Bungad pa nito saka humagulhol.
"Anong nangyari?" napatayo siya sa kinauupuan.
"Alejandro..si tatay Ejercito, patay na!" sabi pa ni Kata na umiiyak sa kabilang linya. Nasa San Fransisco sila ngayon, habang nagpapagaling sa pinsalang tinamo ni Don Ejercito.
Natahimik si Alejandro saka napindot ang end button.
"Sino 'yon?" sabi pa ni Cassandra na lumapit sa kinauupuan niya, wala itong kamuwang-muwang sa pangyayari.
"Nothing.." Alejandro answered.
"Ahh okey." Sabi pa nito na hawak ang chichirya.
"Cassandra.."
"Hmm...bakit, Alejandro?"
"Pwede bang dito ka muna, aalis muna ako, may importante lang akong aasikasuhin."
"Saan ka pupunta? Sasama ako."
"No, hindi pupwede, dito ka na lang muna, sandali lang akong mawawala, babalik ako." Sabi pa ni Alejandro na kaagad tumayo at seryosong tumalikod. Naiwan si Cassandra sa ganoong posisyon na nagtataka at halatang dismayado. Masyadong malihim si Alejandro, at hindi niya ito maintindihan. Mayamaya pa ay nakita na niya si Alejandro na nakabihis at pormadong-pormado na tila a-attend ng meeting de avance.
"I'm going now.." tipid na saad ni Alejandro kay Cassandra. Nakatayo lang ito sa may pintuan na parang naghahabol ng oras.
Tumango lang si Cassandra bilang pagtugon. Kung may lalakarin man ito, malamang importante iyon.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
Roman d'amourPinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...