Nagising si Cassandra mula sa pagkakatulog, agad siyang napabalikwas at nilinga ang paningin.
"Alejandro!" tawag pa niya sa kawalan, masama ang kutob niya. Agad siyang tumayo at agad na tinungo ang labas. Pumanaog siya sa hagdan at hinanap ang binata. Magmamadaling araw na sa oras na iyon. Mayamaya ay pumunta siya sa may kusina at doo'y nakita sina Kata at Kulas.
"O, Cassandra, nagising ka na pala?" sabi pa ng dalawa na nagtitimpla ng kape.
"Nasaan si Alejandro?" aligagang tanong ni Cassandra.
"May pupuntahan lang daw sa Manila, maniningil lang daw siya ng utang," walang kamalay-malay na saad ni Kulas.
"Oh my god!" bulalas ni Cassandra na may masamang kutob.
"O? Bakit, bakit Cassandra?" naguguluhan na saad ni Kata sa kaibigan.
"I have some feeling, may kutob akong hindi maganda!" sabi pa ni Cassandra na naupo sa kalakip na silya.
"Huminahon na muna, please. Nakakasama sa'yo ang mag-alala, hindi ka pa magaling." Sabi pa ni Kata.
"May nasabi ba siya kung saan siya pupunta? Sinong pupuntahan niya?" sabi pa ni Cassandra sa dalawa. But Kata and Kulas has no clue at all.
Mayamaya pa ay dumating si manang Anda, kasabay nito ang matandang si Ka-Tonyo, halatang nagtataka ito sa mga mukha ng tatlong tao sa kusina.
"O ba't gan'yan ang mga mukha ninyo?" Sabi pa ni Manang Anda habang dala ang isang bayong, puno ito ng bulaklak na pandagdag sa palamuti sa may salas.
"Si Cassandra po kasi, may kutob daw siyang hindi maganda. Hinahanap niya si Alejandro." Sabi pa ni Kata sa dalawang matanda.
"O, nasaan ba kasi si Alejandro?" sabi pa ni Manang Anda.
Tahimik lang sina Kata at Kulas. Napatikhim naman si Ka-Tonyo. Animo'y may alam ito.
Napako ang paningin nilang lahat sa matanda.
"May alam po ba kayo?" Naiiyak na saad ni Cassandra kay Ka-Tonyo. Muling tumikhim ang matanda saka pa bumuntung-hininga.
"Oo, alam ko..alam ko kung saan siya papunta." Seryosong boses nito saka pa tinanggal ang suot na antipara.
"Saan po siya pupunta?"
"Kay Delfin, sa kaibigan ni Sebastian, ang ninong ni Jerick." Sabi pa ng matanda na aminadong takot din para sa gagawin ni Alejandro.
"Ho? B-bakit po siya pupunta doon?" Maang na tanong ni Cassandra.
"Umamin na si Erickson, nandoon nagtatago si Jerick, at papunta na si Alejandro para singilin si Jerick sa mga ginawa niya sa inyo," sabi pa ng matanda.
Naibagsak ni manang Anda ang bayong. Gayundin si Kulas na naubo habang humihigop ng kape. Napanganga naman si Kata.
"Iyon pala ang sinabi niya sa akin kanina, maniningil umano siya." Dinig nilang dugtong ni Kulas sa sinabi ni Ka-Tonyo.
"Oh my god! Kailangan nating pigilan si Alejandro, kailangan natin siyang sundan! Hindi ako matatahimik kapag may nangyari sa kaniya, nawala na po ang lahat sa akin, ayokong pati si Alejandro ay mawala pa.." umiiyak na saad ni Cassandra na napatayo dahil sa sobrang kaba.
"Sundan na'tin siya!" sambit pa ni Kata na napatayo na rin.
"Tara!" Sabi pa ni Kulas.
"Alam ko kung saan..." dugtong naman ni Ka-Tonyo. Nagmamadali silang apat na lumabas at doo'y sumilid sa sasakyan ng yumaong si Don Ejercito. Si Kulas ang nagmaneho, katabi naman nito si Ka-Tonyo na siyang may alam ng lugar. Sina Kata at Cassandra naman ay nasa likod habang nag-aalala para sa gagawin ni Alejandro. Ilang oras na kasi ang nakalipas nang umalis ito, at hindi nila alam kung maabutan pa ba nila ito.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomancePinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...