Chapter 37

220 6 0
                                    

Halos kalahating buwan nawala si Alejandro sa San Luisita, kaya nang makabalik siya'y agad na nagkumpulan ang kaniyang mga kaibigan. Tinawagan niya sina Juan at Luis na makipagkita sa kaniya doon sa kaniyang bahay. Sakto naman kasi na hindi mahahalata ang pagdating niya dahil besperas sa bayan ngayon.

Kararating lang ni Alejandro sakay ng kaniyang bagong biling Jeep Wrangler Limited edition na sasakyan. Medyo maputik ang daan dahil sa nagdaang ulan, pero yakang-yaka lang sa sasakyan niya ito, medyo may kataasan ang taas nito na lumalaban sa habulan at sa cliff riding o kahit pa sa anong expedition.

Tiim-bagang lang si Alejandro habang minamanipula ang manibela, hindi siya nagtagal sa Manila pero bakas niya ang mga pagbabago sa San Luisita. Maingat pa niyang tinitipa sa kaniyang telepono ang numero ni Cassandra. Memoryado niya iyon, at sa halos kalahating buwan niya sa Manila ay hindi niya ito natawagan, gawa ng ayaw muna niya itong gambalain lalo pa't stressed out din siya sa nagdaang pangyayari.

Makailang-ulit na niya itong tinatawagan but the phone number cannot be reach.

Nag-iba ba ito ng number?

Kumunot ang noo niya sa pagkakataong iyon, may kutob siyang hindi maganda.

Sa pagkakataong iyon ay narating na niya ang kanilang cabin house, doo'y nakita niya ang nakaparadang kotse nina Luis at Juan. Nasa may balkonahe ang mga ito, na halatang naghihintay na sa kaniya.

Nang makababa sa kaniyang sasakyan ay agad niyang tinggal ang kaniyang shades at nilagay sa kaniyang buhok.

"Long time no see, Alejandro!" Sabi pa ni Luis binungad siya ng tapik sa kaniyang balikat. Ganoon din si Juan na sinipat ang kaniyang bagong sasakyan.

"Wrangler Jeep?" saad pa nito sa kaniya na ikinatango lang niya. Halatang nagtataka.

"It's a limited edition, Guerrero, how did you..."

"I buy it." Tipid na putol ni Alejandro kay Juan at noo'y ngumiti. Saka pa sila nagsangga ng dibdib sabay tapik sa kanilang balikat.

"Parang may nagbago sa'yo ah," sabi pa ni Luis na nakisabay sa pagpasok sa pintuan. Sila lamang tatlo ang nandoon, dahil nasa bakasyon pa si Ada sa Palau.

Nang makapasok sila sa sala ay naupo sila sa sofa. Seryosong nagkatinginan sina Juan at Luis sa bagong anyo ni Alejandro. Tahimik nitong nilapag ang isang papel na agad namang kinuha ni Luis.

"Ano 'to, bro?" Sabi pa ni Luis na agad binasa.

"It's the will of testament of Cassandra's parents. Nakasaad d'yan na sa pagtungtong ni Cassandra ng byente singko ay dapat na siyang magpakasal sa akin." Ani Alejandro na nagkibit-balikat pa.

"So, what are you going to do? Bali-balita na sa bayan na ikakasal si Cassandra sa anak ni Don Nunez, ang alam ko'y sa susunod na buwan na ito." Sabi pa ni Juan na sumeryoso pa ang mukha at naiiling nagkibit-balikat.

"It's a conflict," sabi pa ni Luis na nagpapalit-palit ng tingin kina Alejandro at Luis.

"You must do something, Alejandro, ikaw ang makakapagdesisyon sa balak mo," sabi pa ni Juan na bumuntung-hininga lang.

"Can I count on you?" Tanong pa ni Alejandro kina Luis.

"And what should we do?" Ani Luis.

"Kailangan kong kumalap ng mga katibayan na na-frame up lang sina ninong Ejercito, na pinilit lang ito para gawin ang ipagkasundo ang kaisa-isang apo sa mga Nunez, kilala ko si tatay Ejercito, hindi siya ganito. Alam kong may pasimuno ang lahat ng 'to," saad pa ni Alejandro na matamang nakatingin sa dalawa.

"Ngayon ka lang namin nakitang nagkakaganiyan, pare." Ani Juan.

"Inlab ka nga nga.." dugtong pa ni Luis na tipid na tumawa.

Wanted Not Perfect DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon