Naging masaya ang buong linggo nina Cassandra at Alejandro dahil sa mga kapatid nito. Nagkaroon sila ng oras na maglibang at mag-bonding sa bayan ng San Luisita. Naligo sila sa kalapit na dagat doon at nagpicnic sa malawak na lupain ng Monteverde. Nanguha rin sila ng mga prutas, nagpunta sa sakahan, at nilibot ang bayan. Naging magkasundo sina Cassandra at ang limang babaeng kapatid ni Alejandro. Pareho sila ng istilo sa mga fashion, mga food trip at maging sa mga hilig na gawain ni Cassandra, ang pagluluto.
Maraming silang natutunan kay Cassandra, gayundin si Cassandra sa bawat isa nila.
Natutunan ni Cassandra kay Chonelle ang kahalagahan ng pag-iimbak o food processing, gumawa sila ng pickles at green olive na inimbak sa babasaging container. Maganda ito para sa mga side dish at tuyong ulam.
Kay Aika naman natutunan ni Cassandra kung paano mag fermentate ng mga prutas at gulay para gawing jam o sandwich spread. Sabi pa nga ni Aika, natutunan pa raw nila iyon sa yumao nilang ina.
Si Jillian naman ay panay paturo kay Cassandra kung paano ang pagluto ng carbonara at 'yong beans sandwich na madalas gawin ni Cassandra kada-umaga.
While Ada and Rheg helped Cassandra how to harvest their vegetables, lalo na sa backyard farming nila. Nagkasundo rin ang tatlo kung paano ang paghuli ng isda sa ilog.
Kasagsagan iyon ng malakas na ulan, nandoon sila sa pamamahay ng mga Guerrero habang hinihintay ang champoradong niluluto nina Cassandra at Ada.
"Pwede na 'to, tawagin mo na sila," sabi pa ni Cassandra kay Ada na nandoon sa kusina.
"Sige ate, ihahanda ko muna ang mga bowl." Sabi pa nito saka kumuha ng mga bowl na nakalagay sa aparador.
Mayamaya pa ay sumigaw pa ito.
"Kainan naaaa!"
Wala pang isang minuto'y nagsipunta
na ang lahat sa kusina, kabilang na roon si Alejandro na agad tinikman ang champorado sa pot. Hinipan pa niya ito saka sumubo.
"Hmm..nalalasahan ko ang linamnam ng tableya," ani Alejandro na may naisip habang hawak ang takip ng pot.
"Let's add some fresh milk," sabi pa nito na kinuha ang basyo ng gatas na nasa refrigerator.
Agad nitong nilagyan ang bowl na nasa harap niya saka nagdagdag ng champorado.
"Uy! Kuya....magtira ka naman!" Sigaw pa ni Jillian kay Alejandro.
"Ang daya!" sigaw pa ni Rheg.
Nagsimulang mag-agawan ang lahat habang napatawa na lamang si Cassandra na halatang natutuwa sa pagiging kwela ng lahat.
"Maybe we can eat in sala, mag-movie marathon tayo!" suhestyon pa ni Chonelle na nauna nang maglakad sa kanilang lahat. Sunod-sunod namang nagsilakaran ang apat na kasunod, habang si Cassandra at Alejandro ay nasa hapag lamang na nagpaiwan.
"You want more?" Cassandra asked.
Umiling si Alejandro saka nagsandok ng isang kutsara. "Halika, subuan kita." Alejandro said while raising the spoon in the air. Cassandra felt delighted and of course, kinikilig din.
Dahan-dahan namang bumuka ng bibig si Cassandra na siyang sinubuan agad ni Alejandro.
"Say ahh—" Alejandro said.
Nang makakain, ay napangiti na lang si Cassandra, causing the redness of her cheeks.
"You're blushing," Alejandro added as if he is teasing her.
"You're teasing me!"
"No, I'm not." Sabi pa ni Alejandro na ginilid ang labi ni Cassandra ng kaniyang daliri. May champorado kasi roon. Maingat niya itong pinunasan.
"I'm just happy to see you, Cassandra. After what we've been through, masaya ako na sa pagkakataong ito, I can reach you more closer to mine. Alam kong nariyan ka para sa akin." Sambit pa ni Alejandro na hindi maiwasang mapangiti habang nakatingin kay Cassandra.
"I'm happy, too." Sabi pa ni Cassandra bago pa dinampian ng halik ang tungki ng ilong ni Alejandro.
Matapos ang kanilang pag-uusap sa kusina ay tinungo nila ang salas at doon nakigulo sa magkakapatid. Pinanood nila ang iba't-ibang movies na trip din ng magkakapatid, until the evening went down. Cassandra and Alejandro are now lying in that bed. Tahimik lang na nakahiga habang nakayakap si Cassandra kay Alejandro. Gayundin si Alejandro na nilalaro at hinihimas ang buhok ni Cassandra.
Hindi pa sila dinadalaw ng antok.
"Alejandro.." Cassandra started a conversation.
"Hmm? Bakit?"
"Naiisip kong baka pwede tayong mag-camping bukas, sabi kasi ni Ada na maraming orchids sa kagubatan, gusto ko sanang manguha, at maka-try na rin ang camping, wala kasing camping doon sa Las Vegas eh," sabi pa ni Cassandra kay Alejandro na tumugon lang ng pagsang-ayon.
"Pwede naman." Sabi pa ni Alejandro.
"Okay, na-excite ako," Cassandra added.
"Sige na, matulog na tayo, para makapagpahinga tayo, marami pa tayong gagawin bukas.." Suhestyon pa ni Alejandro kay Cassandra.
Cassandra immediately rested her body next to Alejandro. Magkatabi silang natulog sa kamang iyon. At nang makatulog si Cassandra ay dahan-dahan naman niya itong kinumutan at dinampian ng halik sa noo.
Inabot pa niya ang lampshade na naroon at agad na pinatay. Nagdilim ang paligid saka pa niya ipinikit ang kaniyang mata.
***
Kinabukasan.
Naunang nagising si Alejandro, gayundin ang mga kapatid niyang sina Ada, nahuli naman si Cassandra na halatang mahimbing ang pagtulog. Sabi pa ng mga kapatid niya, baka dahil iyon sa pinagbubuntis nito.
Sama-samang naghanda sa kusina ang magkakapatid, kaya nang magising si Cassandra ay handa na ang kusina at mga agahan.
"Good morning, ate!" Bati pa ni Ada nang magising si Cassandra, at napunta sa kusina.
"Morning!" bati pabalik ni Cassandra. Naroon nakalapag sa lamesa ang iba't-ibang luto ng ulam. May hotdog, bacon, fried egg at piniritong isda, mayroon ding sanwiches at kanin. Habang tanaw pa ni Cassandra ang umuusok na macaroni soap bilang appetizer.
"Wow, ang dami ah!" Saad pa niya.
Nakita pa niya sina Jillian at Rheg na kinukunan ng larawan ang mga pagkain, halatang para sa Instagram ang mga iyon, si Chonelle naman ay naka-upo habang nakataas ang isang tuhod sa nasabing upuan. Si Ada naman ang abalang nagsasandok ng mga sopas sa bowl at si Aika naman na tila inaantok pa habang naghihikab na nakaupo sa silya.
"Sinong nagluto?" tanong pa ni Cassandra.
Sa tanong na iyon, ay nagsi-hands up ang limang babaeng kapatid ni Alejandro na siyang ikinatawa ni Cassandra. Natutuwa siyang malaman na nagtulong-tulong sila para sa paghahanda ng pagkain. Gayundin si Alejandro na dumagdag pa ng banat.
"I am the one whose tasting and checking if it's good. Glad to say, nakuha nila ang luto mo, babe." Sabi pa ni Alejandro na agad tinungo si Cassandra at hinapit sa beywang.
"Come here, kumain na tayo," sabi pa ni Alejandro na pinaupo si Cassandra sa tabi niya.
Sabay-sabay silang kumakain nang oras na iyon, habang dini-diskusyon ang nalalapit na kasal nila.
Ada started the convo.
"Kuya, maganda ang kulay lila, epares mo rin iyon sa kulay kahel, maganda iyon."
"Ay ano ka ba, Ada! Mas maganda ang kulay asul, presko sa mata!" Sabi pa ni Jillian na halatang may taste sa fashion sa kanilang lahat.
"Ay true! Agree ako riyan!" sabi pa ni Chonelle.
"For me, ang importante ay makasal sila, kahit pa mag-rainbow pa ang kulay ng motif, basta makasal.." sabi pa ni Rheg.
Dahil d'on ay nagtawanan silang lahat. Gan'on din sina Alejandro at Cassandra na halatang natutuwa sa ka-kwelahan nilang lahat.
"Ikaw ba ate? Ano bang balak mong kulay sa motif?" si Ada kay Cassandra.
"Hmm..simple lang, gusto ko ang kulay pink, kasi simula pa man noon, pink na ang gusto ko." Kemeng sagot ni Cassandra.
"And if that is what you want, iyon ang masusunod." Alejandro ended the convo.
"Hmm, nga naman, maganda rin ang pink for me," sabi pa ni Jillian, na naunang sumang-ayon. Sinundan naman iyon ng iba pa. Matapos ang konbersasyon nila sa kusina ay nagsihanda sila para sa gagawing pagka-camping.
Inihanda ni Alejandro ang gagamiting sasakyan, sina Cassandra naman ay inihanda ang mga iihawin at mga gagamiting pagluluto roon sa kakahoyan. Nagdala sila ng portable burner, kettle, at kaldero. Isa-isa rin nilang hinanda ang tent lalo na't isang araw at isang gabi sila roon. Ang mga nahuling isda nila Cassandra, Ada at Rheg ay agad nilang nilagay sa cooler at nilagyan ng maraming yelo. Naroon din ang mga hiniwang karne at mga marinated na manok para sa gagawing lechon-manok sa gubat.
Tulong-tulong sila sa pagkarga papunta sa sasakyan.
At nang masirugadong okey na ang lahat ay nagsimula na silang lumarga.
Halos isang oras ang nagdaan nang marating nila ang kagubatan sa sitio Tinago, iyon ang boundary ng San Luisita at ng bayan ng Guadalupe. May kalayuan iyon sa kabihasnan at sa mismong lugar na iyon natuto si Alejandro sa pangangaso.
"Malapit na ba tayo?" Sambit pa ni Ada sa kanilang lahat.
"Malapit na." Saad pa ni Alejandro na nagmamaneho sa sasakyan, sinusuong na nila ang kagubatan at tanaw nila ang nagsisitaasang punong-kahoy doon.
"Nakakatakot naman dito!" Sabi pa ni Jillian na hawak-hawak ang magkabilang braso nina Rheg at Chonelle. Nakaupo sila sa may likuran. Habang nasa gitnang bahagi naman sin Ada at Aika na hindi mapirmi sa kakahawak ng mga cellphone nila.
"Wala bang signal dito, Kuya?" iritableng saad ni Aika.
"What do you expect? Where in the middle of the forest, you forgot?" Alejandro responded na ikina-nguso lang ni Aika.
"Ugh. I can't make insta, here.." Sabi pa ni Aika.
"Neither do I." Ada added.
"Let's explore without internet access, i-feel n'yo lang ang nature, it's much better, you know." Alejandro added more.
"I'm excited!" sabi pa ni Cassandra na ikinatahimik lang nila.
"That's my girl!" Alejandro cheered Cassandra.
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomancePinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...