...continuation.
"Cassandra! Cassandra!" sigaw pa ni Alejandro sa kawalan.
Mayamaya pa ay may narinig silang iyak, parang nagmumula iyon sa itaas ng puno. Agad na tumingala si Alejandro at doo'y nakita si Cassandra na nasa puno, at umiiyak.
"Cassandra! Anong ginagawa mo riyan?!" Sambit pa ni Alejandro na halatang nag-aalala.
"I'm scared! Alejandro, Help! Help me!" Sabi pa ni Cassandra na parang hindi na marunong kung paano bumaba.
"Wait, aakyat ako riyan! Bakit ka ba nariyan?" He asked.
"May baboy ramo! Hinahabol ako!" Sabi pa ni Cassandra na nag-patawa sa mga kalalakihang nandoon.
"Nakakatuwa pala ang asawa mo, attorney!" Sabi pa ni ka-Ontoy.
"Come and get me!" Pautos na saad ni Cassandra na nasa puno. Alejandro immediately climb the trees and grab Cassandra's hands. Nagtulong-tulong naman ang mga kasamahan ni Ka-Ontoy na makababa silang dalawa.
Nang matapos iyon ay matagumpay nilang nailapag sa ibaba si Cassandra, and give her, her sandals.
Napayakap pa ito kay Alejandro.
"I'm scared," sabi pa ni Cassandra na halatang natakot.
"Ssh, I'm here. Nandito na ako," sabi pa ni Alejandro na agad inalo ang dalaga.
"Mas mainam na huwag kang umalis na hindi mo kasama si attorney, binibini." Sabi naman ni Ka-Ontoy. Natigilan si Cassandra at nakiramdam sa mga lalaking nakapalibot sa kaniya. Nakikita kasi niyang may dala itong mga armas.
"Alejandro, sino sila?" Nagtataka pa si Cassandra na halatang nababahala.
"Mga kaibigan." Sabi ni Alejandro na halatang ayaw sabihin na mga bandido ang mga kasama nila ngayon.
"Kakilala, binibini. Sa katunayan ay tagapagligtas namin iyang si attorney, kaya pinapaboran namin ngayon siya na tulungang hanapin ka." Sabi pa ni Ka-Ontoy na sinipat silang dalawa.
"Bweno, aalis na kami. Alam mo naman ang daan palabas, hindi ba?" Tanong pa ni Ka-Ontoy.
Tumango lang si Alejandro habang yakap si Cassandra. Tiningnan lang nila ang pag-alis ng mga kalalakihan sa gawing iyon, bago pa sila kumilos at nagmamadaling lisanin ang gubat. Nang makalabas na sila sa masukal na daan ay nadatnan nila ang mga mukha ng limang kapatid ni Alejandro na halatang balisa at nag-aalala.
"Oh Christ! Narito na rin kayo!" Chonelle shouted as she praised the two of them.
"Saan ba kayo nagpunta?" Bungad naman ni Ada na halatang naiiyak na.
"Sorry, naligaw ako sa gubat..at hinabol ako ng baboy ramo, kaya naakyat ko ang puno, at hindi na nakababa." Explain pa ni Cassandra sa limang dalaga.
"Oh come here..." Sabi pa ni Rheg na agad nagsimula sa group hug. Mabuti na lang at naintindihan ng mga ito ang lahat at hindi nagawang magalit. Everything fall into places, at isa na doon ang bonding moment nila sa gubat na iyon. Cassandra finally had her orchids, at plus bonus points pa na na-try niyang akyatin ang puno na iyon, realizing na kaya pala niyang umakyat ng puno, even she's pregnant. Kaloka!
***
Nasa biyahe na sila pauwi sa oras na iyon they're tired after they tried to swim in the lake. Nakakapagod palang mag-outing adventure, lalo na sa part ni Cassandra na halatang nahihilo dahil sa kaniyang pagbubuntis.
Tanaw ni Alejandro ang mga kapatid niya sa likod na nakanganga habang tulog na tulog, hawak niya ang manibela habang binabagtas ang daan pauwi. Si Cassandra naman ay gan'on din. Nakasandal lang ito sa kinauupuan habang humihilik pa dahil sa malalim na pagkakatulog.
Nailing na lang si Alejandro sa nakikita't naririnig niya. He couldn't believe na ganito ka-komportable kasama si Cassandra, naiiba siya sa lahat ng babaeng nakilala niya, and of course sa lahat ng naging nobya niya noon. She's exceptional, wala itong 'as-if's' sa katawan, at napakalambing nito, to the point na araw-araw siyang naiinlab dito.
"Sleep tight, ms. stress!" Sabi pa ni Alejandro na inabotan ito ng balabal para maging kumot.
Nang makauwi na sila sa rancho ng Guerrero ay agad na ginising ni Alejandro ang mga kapatid. Minabuti rin niyang tulungan ang mga ito sa pagbaba ng mga gamit, since mamayang gabi na ito aalis pabalik sa kani-kanilang trabaho. Babalik lang kasi ang mga ito sa petsa ng kanilang kasal, and of course it'll be three weeks from now, kaya uuwi muna sila to settle their works.
"Kuya, kami na ang bahala rito, ihatid mo na si Cassandra." Sabi ng mga kapatid ni Alejandro that time. Nagpaalam na rin sila sa isa't-isa at noo'y bumalik na sa sasakyan. Nagpatuloy si Alejandro at sumilid sa sasakyan.
After an hour ay narating na naman nila ang haceinda ng mga Monteverde at doo'y ginising na ni Alejandro si Cassandra. She looks very tired, so Alejandro ended to take her slowly and carry her inside. Dahan-dahan niyang kinarga si Cassandra at tinahak ang bukana ng tahanan.
Bumungad pa sa kanila si manang Anda na nasisiyahan sa kanilang pagdating.
"Manang.."
"Maligayang pagdating po sir." Sabi pa ni Manang na ginayak pa ang daanan papunta sa ikalawang palapag.
Dahan-dahang tinahak ang hagdanan habang karga si Cassandra at doo'y tinungo ang kwarto nito. Nang makapasok ay dahan-dahan niyang inilapag si Cassandra ay doo'y tahimik na pinagmasdan ang payapang mukha nito.
Nilapat pa ni Alejandro ang kaniyang hintuturo sa ilong ng dalaga papunta sa labi nito. Animo'y kinakabisado ang bawat pulgada n'on.
He's holding himself not to be tempted, but he failed. Immediately, he showered his light kiss to her, causing Cassandra to wake up. Nabigla si Alejandro sa pagmulat ng mata ni Cassandra, babawi na sana siya para lumayo but Cassandra pulled him more closer. Nakakalawit sa batok niya ang dalawang braso ng dalaga.
"Alejandro.." Cassandra said when their lips parted.
"Cassandra.." Sabi pa ni Alejandro na halatang nagtitimpi.
"Can I do that dare this time?" anas pa ni Cassandra na halatang tinutukso si Alejandro.
Mabilis na umiling si Alejandro.
"No, save that after the wedding, babe. Please behave for now...baka hindi ko mapigilan ang sarili ko." Balik pa ni Alejandro na agad hiniwalay ang braso ni Cassandra na naka-kalawit sa kaniyang batok.
"Don't tempt me, baby...mahina ako." Sabi pa ni Alejandro na hinalikan lang siya ng halik sa noo.
Mabilis itong lumisan kasabay ng kindat na iniwan sa dalagang nakahiga.
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomancePinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...