Nakalabas na si Cassandra sa hospital, kasama niya si Alejandro ngayon habang sakay sa sasakyan. Papunta sila ngayon sa simbahan para magdasal. Magpapa-schedule na rin kasi sila sa kanilang nalalapit na kasal."Alejandro," tawag pa ni Cassandra sa katabing binata. Nakahawak ito sa manibela ng sasakyan.
"Yes?" tipid na sinipat ni Alejandro ang gawi niya.
Ngumiti si Cassandra at nagsalita.
"Salamat ah, kasi nariyan ka sa lahat ng oras na kailangan kita.
Alejandro smiled.
"Anytime for you, baby." Sabi pa nito saka pa lumiko sa kalapit na kanto. Mayamaya pa ay narating na nila ang simbahan ng San Luisita. Magkasabay silang bumaba at tinungo ang pintuan ng simbahan. Nag-sign of the cross pa sila bago umupo sa may gilid.
Taimtim na nagdasal si Cassandra sa oras na iyon, pinagdarasal niya na sana'y magkaroon siya ng lakas ng loob, na lampasan ang panibagong pagsubok sa kaniya, ang pagiging ina sa batang dinadala niya ngayon.
Oh heavenly father, please help me. Tulungan n'yo po ako, sana'y bigyan n'yo po ako ng lakas, pang-unawa at pagmamahal sa batang dinadala ko ngayon, hinihiling ko po na magampanan ko po ang pagiging ina sa kaniya, sana po ay bigyan mo ako ng pagkakataon na maitama ang mga kamalian ko, oh god, I don't know what to do, I'm not prepared for this.
Iyon ang sambit ng isip ni Cassandra sa mga oras na iyon.
Napatingin pa siya sa pigura ni Alejandro na taimtim din na nananalangin sa gilid niya.
Alejandro closed his eyes while in his deep taughts.
Panginoon, alam n'yo pong hindi ako katanggap-tanggap na tao, marami akong kamalian at alam n'yo pong marami rin ko akong nagawang hindi kaaya-aya sa inyong kautusan. Mamamatay-tao po ako, at pinagsisisihan ko po iyan hanggang ngayon. Sinungaling po ako, at alam n'yo pong ginawa ko iyon para mapangalagaan ang aking kapatid na si Lolita. Mapagpanggap po ako, hindi ko po pinapakita ang tunay kong damdamin, sana po ay sa pagkakataong ito, ay mapatawad mo ako. Ang nais ko lang po sana ay sa kabila ng kasalanan ko noon, sana'y magkaroon ako ng pasensya at malawak na pang-unawa bilang maging ama sa batang nasa sinapupunan ng babaeng pinakamamahal ko. Tanggap ko po kung anuman ang resulta, ang nais ko lang sana'y maging mabuti akong ama sa kaniya, at maging mabuting asawa kay Cassandra. Ipinapanalangin ko po ang lahat ng ito, sa inyo diyos ama. Amen.
Sabi naman ni Alejandro na nagdarasal ng tahimik sa kaniyang isipan. Matapos n'on ay nag-sign of the cross siya at nagmulat ng mata. Nagawi pa niya ang kaniyang paningin sa banda ni Cassandra, mataman lang itong nakatitig sa kaniya.
"Cassandra?" si Alejandro.
Ngumiti lang si Cassandra saka umiling.
"I just wonder if ano ang sinabi mo sa panginoon." Ngiting sambit ni Cassandra sa binata.
"I said that I am happy to be with you.." sabi pa ni Alejandro na inabot ng halik sa noo si Cassandra.
"Let's go, puntahan na natin ang registrar office," sabi pa ni Cassandra na tumayo na at hinila si Alejandro.
They're holding each other's hands right now, papunta na sila sa hallway. Tahimik lang silang naglalakad sa pasilyo habang tinitingnan ang mga larawan ng pari na nasa dingding.
"Ito na yata 'yon?" Sabi ni Cassandra na nasa harap ng pintuang nakasarado.
"Ito na 'yon," saad ni Alejandro na siyang kumatok ng ikatlong ulit.
Mayamaya pa ay narinig nila ang boses sa kabilang banda. "Pasok." Dinig nila roon, kaya minabuti nilang pihitin ang siradura at dahan-dahang pumasok.
"Maupo kayo, anong sadya ninyo, hijo? hija?" Sabi pa ng nakasuot na madre. Nakaupo ito habang nakatukod sa lamesa ang kaniyang siko at nakapangalumbaba.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomancePinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...