Hawak ni Alejandro ang basong may lamang alak. Nasa balkonahe siya ng kaniyang kwarto. Iniisip niya ang nagdaang sandali, ang sandali kung saan minabuti niyang iwaksi ang katotohanan kay Cassandra.
Marahan niyang kinuha ang papel mula sa kaniyang bulsa at doo'y binasa ito, gamit lang ang kaniyang paningin. Iyon ang kasunduan ng kaniyang pamilya noon at ng mama't papa ni Cassandra na nga Monteverde. Bilang nag-iisang anak at apo ng Monteverde, ipinagkasundo sila ng mga magulang nila simula pa noon.
Hindi iyon lingid sa kaniya, kaya nang dumating ang takdang panahon, he was still unprepared on what to do. Nakalagay doon na sa edad na bente singko ay dapat na niyang pakasalan si Cassandra ngunit mayroon pang dalawang taon ang bubunuin niya para gawin iyon.
He finally drink his glass and stay in silence. Nakikiramdam siya sa hangin mula sa malawak na bintana doon. Tanaw niya ang madilim na kalangitan na tila nagbabadya ang ulan.
Bumuntung-hininga siya saka pa binaba ang baso sa may kalapit na lamesa. Muli niyang tinupi ang sulat ng mga Monteverde sa kaniya, bago pa noong may mangyaring hindi maganda sa kanila't nadisgrasya.
Kuyom ang kamao niya habang inaalala ang mukha ng dalaga. Masakit na makita itong umiiyak.
"Damn it!" Litanya pa niya saka pa sinutok ang hangin. Napahimalos siya sa sariling mukha at sumandal sa pader. Alam niyang mali siya, at pinagsisisihan niya iyon.
Minabuti niyang puntahan si Cassandra para sana kausapin pero baka natutulog na ito. Nag-aatubili siyang katukin ang pinto nito, kaya't nagbabakasakali siyang baka bukas ang pinto nito.
Dahan-dahan niyang binuksan ang siradora at doo'y nabuksan ang pintuan. Dahan-dahan siyang pumanhik papasok sa silid at marahang tinungo ang kama ng dalaga. Mahimbing itong natutulog.
Tanaw pa niyang namumugto ang mga mata nito, gawa ng pag-iyak.
"I'm sorry." Mahinang anas niya sa dalaga.
Parang sinasaksak ng kutsilyo ang puso niya nang makita ang mga tissue na nagkalat doon. Sa bandang unan ni Cassandra ay may nakita siyang notebook, dahan-dahan niya itong kinuha at doo'y binasa ang lahat ng nakasulat.
Mula sa mga mumunting quotes, mga listahan ng kung anong lutuin, mga notes o address ng kung sino, at ang huling pahina na nakalagay ang pangalan niya.
Even your loved one will betray you, even your loved one will left you broken and destroyed!
Iyon ang nakasulat doon.
Nakisimpatiya siya sa nararamdaman ni Cassandra, normal lang ang magkaroon ng infatuation, at alam niyang iyon ang nararamdaman ni Cassandra sa ngayon, masyado pa itong bata para maintindihan ang kanilang sitwasyon. Ang sitwasyon kung saan pumapagitan ang isang kasunduan sa kanilang dalawa.
"Sleep..ms. stress, tomorrow will be another day to smile..i'm sorry if I made you cry." Sabi pa ni Alejandro na mabilis na umalis. Kinumutan pa niya si Cassandra bago umalis.
Kinabukasan.
Iyon ang unang araw ni Cassandra sa PCCU, ang unang araw ng eskwela niya. On her first day, minabuti niyang suotin ang kaniyang dress na abot hanggang tuhod ang haba na may kulay luntian at puting guhit. Nilagyan niya ito ng kaniyang maong na jacket na may dekorasyon sa likod na beads at sequence. Pinili rin niya ang kaniyang flat sketchers na kulay puti. Nag-back pack siya ng kulay itim na may desinyong hugis oblong.
Handa na siya sa kaniyang unang araw kaya maaga siyang nagising at nag-prepare.
Nang matapos sa pag-aayos ay lumabas siya sa kaniyang kwarto at doon dumiretso sa kusina.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
Любовные романыPinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...