Nasa pier na sina Mabel sa oras na iyon. Kasama niya ang batang si Connor.
"Ayaw ko na po sa resort, ate ganda. Hindi po ako mahal ni Daddy, busy din po si Mommy. Hindi nila ako mahal, palaging mga yaya ko lang ang kasama ko doon." Naiiyak na sumbong ni Connor kay Mabel.
"Kawawa ka naman...pero dapat ay ibalik na kita doon."
"Please, ate ganda. Huwag mo na po akong ibalik, sa'yo na lang po ako sasama."
Nagdadalawang isip man ay walang magawa si Mabel. May kung ano din kasi ang bumubulong sa kaniya na hwag na niyang isauli ang bata doon. Hindi niya maintindihan ang sarili, pero gusto niyang kasama ang bata at protektahan ito.
"Hmm, sige. Luluwas tayo sa Davao. Aalis tayo dito sa Samal..."
"Sige po, kahit saan po, sasama po ako." Sabi pa ni Connor.
"Pero may problema..." ani ni Mabel.
"Ano po?"
"Wala tayong pera..."
Ngumiti naman si Connor sa sandaling iyon.
"Dala ko po ang piggy bank ko."
Napangiti na lang si Mabel sa oras na iyon. Matalino rin pala si Connor dahil naisipan nitong dalhin ang kaniyang piggy bank, knowing na lalayas talaga ito that time.
"Ganoon ba, oh sige. Sumakay na tayo sa barge."
"Sige po."
Sa sandaling iyon ay hawak kamay silang kumuha ng ticket at sumakay sa behikulong pandagat. Kasabay doon ay may nakita silang jeep na nakasampa din sa barge. Mabilis na nagtanong si Mabel sa driver na nandoon.
"Ah manong, pwede pong magtanong?"
"Oh bakit dhay?"
"Itatanong ko lang po sana kung saan po ang byahe mo?"
"Ay sa downtown. Bakit saan ka ba pupunta?"
"Ah sa ano po sana sa downtown din po sana..."
"Ah ganoon ba? sige, sumakay na kayo sa likod. Ilan ba kayo?"
"Kuwan po, dalawa..."
"Ah kayo ng anak mo? sige 80 pesos lang kayong dalawa."
Umiling si Mabel. "Ah e, h-hindi ko po anak ito."
"Ah ganoon ba, akala ko anak mo, magkamukha kasi kayo..."
Natigilan si Mabel sa oras na iyon. Naisip niyang tama ang sinabi ng mamang driver, pwede siyang magpakilala na mag-ina sila ni Connor. Nang sa ganoon ay may bago silang identity papunta sa sentro ng Davao.
Nang makapunta sila sa jeep ay hawak-hawak ni Mabel si Connor. Inaantok na ito.
"Ate ganda, inaantok po ako, pwede po bang matulog?"
"Sige lang, ako ang bahala sayo...magpahinga ka muna."
"Sige po."
Ngumiti si Mabel sa paslit, napakagaan ng loob niya sa bata, na parang magkakilala na sila noon pa.
Sa sandaling iyon ay mahina siyang kumanta, hindi niya alam kung saan galing iyon pero parang alam na alam niya ang kantang iyon.
"Tulog na...tulog na ng mahimbing, dito ka lang sa aking tabi, ako ang magiging kumot mo, tulog ka na sa aking tabi, dito ka lang...dito ka lang sa akin, kumapit ka sa akin, ako ang bahala sayo. Ako ang magiging tala sa yong pagtulog, ako ang aalis ng lumbay, sa akin ka na lang...akin ka na lang...nandito lang ako, magmamahal sayo..." Pabalik-balik niya itong kinanta hanggang makatulog sa hita iya si Connor.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
Любовные романыPinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...