Nang makaalis sa kwarto ni Alejandro ay agad niyang tinungo ang kwarto niya saka pa padabog na nagkulong. Napasandal siya sa pintuan.
"Sh—t!" gigil niyang litanya na pumapadyak-padyak pa dahil sa inis. Bumuga pa siya ng hininga saka pa padabog na tinungo ang kama. Malay ba niyang magkatabi pala ang kwarto nila ng bakulaw na 'yon, eh nasanay siyang..siya lang ang may kwarto sa taas ng mansion.
Humiga siya sa kama at nag-isip. Kung paparito siya sa mahabang panahon, baka mabaliw siya, she can't stand that man in her castle! Dapat ay mapaalis niya ito sa lalong madaling panahon. Kaya naisip niya ang isang ideya. Agad siyang naupo ng tuwid at ngumiti.
"Ang talino ko talaga!" sabi pa niya saka agad na nagbihis at nag-ayos, 'yong parang maglalakwatsa sa club. Labas ang pusod niya sa suot na hanging sando. Nakasuot din siya ng shorts na litaw ang mapuputing hita niya. Pinagbutihan din n'yang itali ang kaniyang mahabang buhok, 'yong naka-messy bun na istilo. Kaharap niya ang salamin nang maglagay siya ng liptint at marahang pinisil-pisil ang pisngi. Iyon na kasi ang nakasanayan niyang gawin to make her cheecks more pinkish.
Kinuha pa niya ang kaniyang phone at isang sling bag. If she can't use her phone due to signal interruption, mas mabuting gamitin niya iyon sa pictorial! Oo, magpi-pictorial siya sa bukirin, o sa kung anumang lugar naroroon siya. Dala na rin niya 'yong papel na isa-submit niya sa school, ayaw na niyang magpatumpik-tumpik pa, dapat ay magmadali siya sa pinaplano niya.
After she dressed up ay agad siyang lumabas sa kwarto at kinatok ang kwarto ni Alejandro, 'yong parang may sunog dahil sa pagkalabog niya.
Mayamaya pa ay niluwa roon ang naka-kunot-noong binata. He was so fresh on his black sando, na nagpapalitaw sa kaniyang matipunong braso, tanaw ni Cassandra roon ang tribal tattoo nito.
"What?" busangot na saad ng bakulaw sa kaniya.
"Ahm..ano kasi.." nag-aatubili siya sa pagsabi, nawala ang minemorya niyang sentence.
"What? I'm busy reading my books." Sabi pa nito sa walang emosyong boses. Parang walang modo ito kung nagsalita.
The nerve of him! Hindi mapigilan ni Cassandra ang mainis rito.
"I want you to drive me outside! I need to submit my documents in somewhere, kung saang eskwelahan ako pwede." Sabi pa ni Cassandra sa pautos na boses. He glare his eyes, as if wala itong narinig. Nanatili lang itong nakatayo.
"Hey? Binge ka ba?"
Umiling ito.
"O, ano pang hinihintay mo? Let's go." She stepped forward to his face.
"First, I am not your driver, second, I do deserve some 'please' if you need help, third, I'm not your slave, forth, of course I have a name, it's Alejandro, señorita." Sabi pa ni Alejandro na parang attorney kung magsalita, dinaig yata nito ang papa niya sa pagmando ng mga katagang 'yon. Napaawang ang bibig niya.
"You're.. Argh! Fine! Please!" sabi pa ni Cassandra na pinapakalma ang sarili.
Ngumiti si Alejandro, natigilan siya. Ba't ba kasi ang gwapo nito. Nakakainis!
"So, if you say so, magbibihis muna ako...maari ba?" sabi pa ni Alejandro na napuna ang pagtitig ni Cassandra sa braso niya. Agad nitong isinara ang pintuan na nagpabalik sa diwa ni Cassandra. Nahimasmasan siya sa pagdabog ng pintuan.
"Walanghiya talaga ang lalaking 'yon!" inis na saad niya nang makita ang pagmumukha na halos masemplang ng pintuang dumikit sa tungki ng ilong niya. Nakasimangot siya na nagmartsa sa hagdanan, pumanaog siya at napagpasyahang lumabas muna.
Nang makalabas siya ay nakita niya ang iilang trabahador ng lolo niya na nakatingin sa kaniya, so, she help herself to smile and greet them with a wave of hello. Ayaw naman niyang maging bastos sa mga ito, kaya pinilit niyang ngumiti. Mayamaya pa ay nilampasan na siya ni Alejandro na dumiretso sa kotseng nasa harapan niya.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomancePinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...