Chapter 38

204 5 0
                                    

Nasa boundary ng isla Mercedes si Alejandro sa mga oras na iyon, doon niya katatagpuin si Feliciano na pumayag namang magpaunlak sa paanyaya niya. Nasa tulay siya na kumokonketa sa isla Mercedes, nandoon siya sa may pier.

Naninigarilyo siya sa oras na iyon, habang nakasandal sa kaniyang sasakyan.

"Alejandro." Narinig niyang tawag sa kaniyang likuran.

Nilingon niya ito at doo'y nakita niya ang lalaking nagngangalang Felix.

"Felix..." sabi pa niya saka nakipaglamano sa lalaki. Gaya niya ito na may pagka-matangkad. Medyo naaaninag ni Alejandro ang kababaang loob nito sa pamamagitan ng kaniyang mukha at pagsasalita.

"Attorney, mabuti at nakapunta ka." Sabi pa ni Felix.

"Ako ang dapat magpasalamat, Felix at dumating ka. Malaki ang maitutulong mo sa pinaplano ko." Sabi pa ni Alejandro kay Flex.

"Walang anuman, masaya akong makatulong para sa katotohanan at hustisya, attorney." Ani nito na sumabay para pumaloob sa sasakyan. Mas mainam na doon lang sila makipag-usap para walang makahalata at makarinig sa pinag-uusapan nila.

Nang makasakay na sila ay naunang magsalita si Alejandro.

"Ano ang nalalaman mo sa pamilyang Nunez?" ani ni Alejandro na seryosong nakatingin kay Felix.

"Lahat, alam ko ang baho ng pamilya nila. Alam ko kung paano nila nabili ang hacienda nila, na pagmamay-ari ng mga katutubo riyan sa may Tinago. Naalala ko pa ang sabi ni Ka-Tonyo noon na binayaran lang sila ng kulang-kulang anim na libo bawat isa, kahit nakapangalan pa iyon sa mga dating may-ari. Illegal ang pagbili nila sa lupain nila, napapatunayan 'yan ni Ka-Tonyo," sabi pa ni Felix.

"Nasaan si Ka-Tonyo?"

"Nasa may Sitio Dominggo, matagal na siyang nanirahan doon, dahil alam niyang hindi na siya nakakapunta dito sa San Luisita."

"Maaari mo ba akong samahan?"

"Sige, attorney. Tara." Paunlak pa ni Felix na buo ang loob sa pagtulong kay Alejandro.

Nasa daan na sila papuntang Sitio Dominggo at doo'y hinanap nila ang tinutuluyan ni Ka-Tonyo, mabuti na lang at agad din nila itong nakita.

Pumarada sila sa isang puno, at naglakad papunta sa masukal na daan patungo sa may sapa. Doon nila nakita ang kubo ni Ka-Tonyo.

"Tao po! Tao po!" sabi pa ni Felix na agad kumatok sa pintuan. Kasunod lang nito si Alejandro. Mayamaya pa ay sumiwang sa may pintuan ang matandang iyon. Nagulat pa sila sa sitwasyon nito.

"Ka-Tonyo?" sabi pa ni Felix na agad inagap ng yakap ito, kalunos-lunos ang hitsura nito.

"Anong nangyari sa inyo?" sabi pa nila at agad na inagapay ang pagtayo nito.

Pumasok sila sa loob at naupo sa kalapit na bangko.

"M-may mga armadong lalaki ang nagpunta dito, pinapampirma nila ako sa isang kontrata."

"Kontrata?" Sabi pa ni Alejandro.

"Oo, hijo, gusto nila akong tumistigo na legal ang pagkakabili ng hacienda Nunez, kahit ang totoo'y hindi. Alam kong mga tauhan iyon ng pamilya Nunez, alam kong may masama silang binabalak, lalo na ngayon na gusto nilang tumakbo sa politika, alam ko na kinokontrol nila si Don Ejercito, para makuha ang estado nito sa pagiging Gobernador, may nasagap akong balita na gusto nilang sakupin ang pamayanan ng San Luisita, at sisimulan nila iyon sa pagiging gobernador."

"Now...I understand." Sabi pa ni Alejandro na tila naliwanagan sa pangyayari.

"Alejandro?" saad ni Felix na nalilito pa.

"Ngayon, alam ko na kung bakit unti-unting bumabagsak ang negosyo ni ninong, alam kong pakana iyon ng mga Nunez, para gipitin ang Monteverde, at magsialisan ang ibang investors, knowing they have the largest shares. Ngayon, ang gusto nilang makuha ay ang posisyon nito bilang gobernador, at pati ang legal na tagapagmanang si Cassandra ay aagawin nila, nakokonekta ko na ang lahat-lahat..." Sabi pa ni Alejandro.

"Kaya ba magpapakasal ang apo ni Don Ejercito sa anak ni Nunez?" sabi pa ni Felix.

"Oo," saad pa ni Alejandro na nakipag-negosaysyon kay Ka-Tonyo.

Minabuti nilang tipunin ang mga kasapi ng samahan ng mga magsasaka sa tinalaga nilang araw, doon sila magwewelga sa City Hall ng San Luisita at doon din niya isasagawa ang pagtakas kay Cassandra. Pati na rin ang pagtakas kay ginoong Ejercito sa hospital. Nasabi rin kasi ni Kulas kanina na bantay-sarado ang mga Monteverde ng mga Nunez.

"Dapat tayong maging handa, Alejandro. Kasama mo kami," sabi pa ni Ka-Tonyo na halatang sigurado sa pagtulong sa kaniya.

"Maraming salamat po," saad pa ni Alejandro na nakipag-kamay sa matanda.

Sa puntong iyon ay hinanda ni Alejandro ang sarili sa mga pwede niyang isampa sa mga Nunez. Halos ginugol niya ang lahat ng oras sa pagbasa ng mga libro, paglikom ng mga pruweba at ang paghingi ng nga contacts na pwedeng maging lead sa pagsampa ng kaso laban sa mga Nunez.

***

Kinabukasan.

Maaga niyang pinuntahan ang hospital na pinag-confine kay Don Ejercito. Dahil na rin sa tulong ng mga kakilala niyang nurse at doktor, ay namanipula ni Alejandro na makapagsuot ng pangdoktor na kasuotan at doo'y nakalampas sa security ng mga Nunez.

Nasa loob na siya ng kwarto ng matanda na mahimbing na natutulog.

Dahan-dahan siyang lumapit at tumitig sa mukha nito, mayroong tubo ang nasa bibig nito at may mga makinaryang tumutunog at nakakabit iyon sa kaniyang mga kamay.

Maagap siyang lumapit at hinawakan ang kamay nito.

"Nong.." mahinang saad niya sa matanda, rason upang magbukas ito ng paningin. Halatang nabigla ito sa pagkakakita sa kaniya.

Nakatingin lang ito na hindi makapagsalita, tanging pagtitig lang nito sa kaniyang mukha ang tanging nagagawa niya.

"Nong...patawarin mo po ako, kung hindi ko kayo naipagtanggol." Saad niya sa mababang boses.

Natanaw niya ang malayang pagpatak ng luha nito na tila naiintindihan ang sinasabi niya. Naramdaman pa niyang gumalaw ang kamay nito na hinahawakan niya.

Nagka-ideya siya na magtanong ng pwedeng maging lead sa pinaplano niyang paghabla sa mga Nunez.

"Nong, makinig ka.. Itatakas kita rito...ngunit kailangan kong malaman ang katotohanan. Maari po bang sagutin ninyo ang katanungan ko sa pamamagitan ng pagpisil sa aking kamay?" Sabi pa ni Alejandro habang hawak ang kamay ng matanda.

Naramdaman niyang pinisil siya nito.

Animo'y tumutugon sa kaniyang hinihiling.

"Sila Don Nunez ba ang may pakana ng lahat ng ito?"

Naghintay siya ng ilang segundo, saka pa naramdaman ang pagpisil nito.

Napatiim-bagang siya sa nalaman.

"Nong...si Don Nunez ba ang pumilit sa inyo na magbitiw sa pwesto bilang gobernador?"

Mayamaya pa ay naramdaman niyang pinisil siya nito.

Napahawak si Alejandro sa sariling noo, habang pinipigilan na maglitanya ng kung anu-ano. Galit na galit siya sa nalaman.

"Naipit ka ba sa kasunduan ninyo kaya mo naisipang ipakasal si Cassandra kay Jerick?"

At sa tanong na iyon ay mabilis itong pumisil at ubod-lakas iyon. Animo'y apektado sa pangyayari noon. Agad niyang hinawakan ang kamay nito at maagap na hinalikan.

"Mapapatawad n'yo po ba ako?" Anas niya habang hawak ang kamay nito. Sa pagkakataong iyon ay mahigpit siya nitong pinisil, na ang ibig sabihin ay tinatanggap siya nito.

...itutuloy.

Wanted Not Perfect DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon