Nagising si Cassandra sa sandaling iyon, wala na sa tabi niya si Alejandro. Hindi niya alam kung nasaan ito.
"Alejandro? hon?" tawag pa niya sa kabuoan ng kwarto nila.
"Baka nasa kusina..." bulong niya sa sarili saka dahan-dahang kinuha ang robe na nasa gilid ng kama. Nagtungo siya sa may kusina, pero walang tao doon.
"Hon?" tawag ulit niya sa may sala. Sinipat niya ang orasan na nasa pader, pasado alas singko na ng umaga pero madilim pa rin ang paligid dahil sa masamang panahon. Nakatingin sa labas si Cassandra habang tanaw ang karagatan, halata sa kalangitan na uulan at hindi maaraw. Katunayan ay nag-uumpisa nang umambon sa labas.
Nagtaka siya, nasaan kaya ang asawa niya?
Nagpunta siya sa staff room, wala pang nandoon dahil stay out ang mga tauhan nila sa isla, ganoon din sa resort nila. Napahimas siya sa kaniyang magkabilang balikat. May kutob siyang may masamang nangyari sa asawa niya.
"Alejandro! Alejandro!" sigaw ni Cassandra papunta sa dalampasigan. Nilinga niya ang paligid pero wala doon ang asawa niya, kung bangungot man iyon, gusto na niyang magising. Sinampal niya ang sarili, but it seems...it is the reality she's into.
Madali niyang tinungo ang salas at doon niya napansin ang isang papel. "Ano 'to?" tanong niya sa sarili.
Binasa siya ang sulat at nabigla sa nalaman.
Cassandra,
I hope this letter finds you prepared. There is something that has been weighing heavily, and I believe it's time to share it with you. Please understand that this is not an easy confession for us, but I believe honesty is the foundation of any genuine relationship if you'd like to know something about your husband.
Over the past weeks, We've been carrying a secret that we can no longer keep to ourselves. The burden of concealing it has become increasingly difficult, and as the head of this organization, I feel that sharing this with you is the right thing to do.
The truth is Alejandro is one of our trusted agents. I want you to know that I never intended for things to unfold this way, and the last thing I want is to hurt or disappoint you. Keeping this hidden has been challenging, and I've grappled with the guilt that accompanies the weight of a hidden truth. And in connection with this, he encountered one of our rules violations. We need to take him for a moment.
With these, I want to take this letter and go to this address.
Thank you for taking the time to read this letter, and I hope we can find a way to move forward.
Sincerely,
Mr. M
"Agent?" kunot-noong tanong ni Cassandra sa sarili. Hindi niya alam ang gagawin sa oras na iyon. Hindi niya alam kung anong grupo ang kinasasangkutan ni Alejandro, akala niya'y wala ng sekreto ito sa kaniya, bukod sa nangyari noon, akala niya'y tapos na ang lahat.
Matapos mamemorya ang nakasulat na address ay agad siyang nagtungo sa kanilang kwarto, gusto niyang malaman kung may mga pwede siyang makita doon o bagay na may kinalaman sa sinasabi ng sulat.
Binuksan ni Cassandra ang malaking maleta ni Alejandro saka nakita ang isang maliit na box. Doon ay mas nabigla si Cassandra nang makita ang isang baril. Nanginginig man ang kaniyang kamay ay agad niya itong kinuha. Nagbihis siya at matamang tiningnan ang sarili. Hindi niya alam kung paano niya matutulungan si Alejandro. She's now starting to freak out.
She has nothing but a damn letter, and a gun.
Hindi nga niya alam kung may laman ba iyon, at kung paano ito manipulahin.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomansaPinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...