Chapter 3

860 22 0
                                    

"Wake up little bird!" Sambit ni Alejandro sa dalaga na noo'y nakadipa habang komportableng nakahiga sa kaniyang kama. Halos mapatalon sa pagkakabigla si Cassandra nang mapansing kasama niya ang lalaking iyon.

"The fuck I'm here? Ni-rape mo ba ako? I will sue you! I will sue you!" Sambit niya sabay turo sa mukha ng nakatayong binata.

"Oh, okey, then sue me after you dress yourself," mahinang sambit ni Alejandro habang binabagtas ng kaniyang paningin ang kabuuan ni Cassandra, "you're horrible." Sabi pa nito sabay talikod.

"Hoy! bakulaw! Anong sabi mo?" sabi pa ni Cassandra sabay bato ng kaniyang bag na nasa gilid ng kama. Agad namang natamaan nito ang malapad na likod ng lalaki na animo'y pader na napahinto sa paglalakad.

"Hindi pa tayo tapos mister! Bakit ako nandito? Saan mo ba ako dinala?" sambit pa niya na tila na-amnesia sa mga pangyayari sa nagdaang sandali.

Marahang sinipat patagilid ni Alejandro ang kaniyang mukha sa nagwawalang dalaga. "You're in my condo..and don't worry, walang nangyari sa atin, you're not my..type," pinal na sabi nito saka pa tuluyang naglakad.

Naiwang nakatulala si Cassandra sa ganoong posisyon, hindi niya akalain na ganoon kabastos ang lalaking iyon. "Tss. akala mo gwapo, tuko naman!" asik pa niya sabay buga ng marahas na hininga.

Naiwan siya sa kwartong iyon na walang ka-ide-ideya. Nilibot niya ang paningin saka pa marahang tumayo at inisa-isa ang nakasabit na mga larawang naroon. Panay mga struktura iyon ng mga gusali na abstract. Halatang may kakayahan na hikayatin ang manonood na mapalula sa optic arts na nakapaloob sa istilo nito.

Sa isang banda ay nakita niya ang bintanang kumo-konekta sa labas. "God gracious?" iyon ang sambit niya nang mapansing nasa labasan niya ang malawak na karagatan na sadyang humahampas sa ilalim. Animo'y malalim na bangin ang kinatitirikan ng condo na sinasabi ng bakulaw na iyon.

"Don't worry, safe ka rito." Sabi ng boses mula sa likuran ng dalaga. Napakislot si Cassandra dahil sa pagkakabigla. Eh sino bang hindi mabibigla sa mala-hunyango na galaw ng lalaking 'to, animo'y anino na kung saan-saan lang tumatambay.

"Pwede ba.."

"Bakit?" Hindi natuloy ang pagmiminaldita ni Cassandra dahil parang napapako ang paningin niya sa malalim na mga mata ng lalaking nasa harapan niya. "Ano kasi, ano..nakaka..nakakailang ka eh," bantulutot na sambit ng dalaga na siyang ikina-ngiti ni Alejandro.

"Takot ka ba?"

"Hindi no, bakit? Aswang ka ba?" biro pa niya.

He gesture his devilish smirk while staring her, "kung..sasabihin ko bang aswang ako, maniniwala ka ba?" panunudyo pa ni Alejandro sa dalaga.

"Baliw!" sabay talikod niya papalayo sa kinatatayuan nila. Gustong kumawala ni Cassandra sa damdaming iyon, kakaiba at nakaka-kaba, animo'y hinihigop siya sa kung anumang mayroon ang binatang kasama niya.

Hindi pa man siya nakakalayo para umalis sa pinto ay nagpatuloy si Alejandro sa pagsasalita mula sa kaniyang likuran.

"Maghanda ka at aalis na tayo, uuwi na tayo sa San Luisita." Iyon nga'y napalingon si Cassandra sa estrangherong iyon.

"Sino ka bang talaga?"

Hindi sumagot si Alejandro at nilampasan lang siya nito.

Iyon ang unang pagkakataon na may nangahas na gawin ang ganoon sa kaniya. Siya si Cassandra Monteverde, ang kaisa-isang anak ng kaniyang mama't papa at ang nag-iisang apo ng batikang politiko sa bayang iyon, pero anu't-anong nangyari bakit ganito kung maka-asta ang lalaking ito.

Gigil na gigil na ikinuyom ni Cassandra ang sariling kamao at nagmartsa sa kung saan. She literally hate that guy.

***

Kakalapag lang nila sa runway ng Pampanga at doo'y sinalubong sila ng mga tauhan ng kaniyang lolo. Naroon din ang kaniyang kaibigan na si Kata na siyang sekretarya ng kaniyang lolo.

Masayang sinalubong ni Cassandra ang kaniyang pagbabalik sa Pilipinas lalo pa't isang dekada na ring hindi siya nakakauwi sa Pilipinas, lalong-lalo na sa San Luisita.

"Bespren! Uy! kamusta ka na?" tili pa ni Kata sa kaniya na sabik na sabik habang niyayakap siya.

Hindi rin siya maawat sa pagyakap kay Kata at noo'y maluha-luhang ninanamnam ang kanilang nagdaang sandali, ang oras ng kanilang kabataan na magkasama sa San Luisita. "I am good..I'm good, I miss you bes," ani niya sa garalgal na boses. Hindi magkamayaw ang dalawa habang si Alejandro naman ay walang imik na naglakad sa kanilang harapan, dahilan upang maputol ang kaniyang pag-yayakapang magkaibigan.

Sinipat ni Cassandra si Alejandro nang may kahulugan, pero animo'y manhid lang ito na nakipaglabanan ng titig sa dalaga at saka pa nagsalita. "Excuse," na noo'y lumampas na sa kanila.

"Bakulaw," she uttered.

Ngumiti lang si Alejandro na animo'y naka-gets sa sinabi niya at noo'y nagpatuloy sa paglalakad.

"Bes, sino ba kasi 'yon?" tanong pa ni Cassandra sa kaibigan niyang si Kata.

Malayo-layo na si Alejandro sa kanila kaya nangahas na talaga siyang magtanong sa background ng bakulaw na iyon. "Ah si Alejandro," panimula pa ni Kata.

Tumango si Cassandra.

"Si Alejandro Guererro 'yon, ang driver ng lolo mo." Simpleng sagot lang ni Kata sa kaniya.

"Driver?" pag-uulit pa niya.

Tumango ang kaibigan niya saka nagtanong pabalik sa kaniya, "bakit? type mo? alam mo maraming nagkakagusto riyan..mabait kasi saka napaka-matulungin," puri pa ni Kata kay Alejandro.

Napangiwi si Cassandra sa narinig saka pa sinipat ang direksyon ng sinabing binata. "Mabait? Matulungin?" ani niya saka pa napa-iling.

"Bulag yata ang mga nagsabi n'yan." Si Cassandra.

Pero imbes na umimik si Kata ay napangiti na lamang ito. "Alam mo bes, bagay kayo ni kuya Alejandro, pareho kayong matapang e," ani nito kay Cassandra na mas lalong kumunot ang noo.

"Never," she hissed saka nagkibit-balikat pa.

"I am too much for him, hindi ko ile-level ang sarili ko sa pipit..nevermind." She stops when she realized na nakatingin na pala sa harapan niya ang sinasabi niyang lalaki.

Animo'y nabato si Cassandra sa kinatatayuan na parang na-gi-guilty sa mga sinabi niya. They connected their eyes, as if mayroon silang tinutumbok sa isa't-isa.

"Kata. Tawag ka raw ni tatay.." iyon lamang ang sambit ni Alejandro kay Kata na siyang nagpabalik sa diwa ni Cassandra. Pagkasabi ni Alejandro'y tumalikod na rin ito at naiwan siyang naka-nganga.

Kung may pinagsisisihan man siyang bagay ngayon, iyon ay ang pagalitin at maliitin ang isang barumbado na parang halimaw kung makatitig sa kaniya.

If she can melt herself that time, siguro'y tunaw na siya 'di dahil sa hiya, kung hindi dahil sa kabog ng kaniyang taksil na puso na tila may kung anong lihim na sinasabi sa kaniya.

...itutuloy.

Wanted Not Perfect DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon