Kinausap ni Alejandro ang doktor at ngayon nga'y isinagawa ang test kay Cassandra. Hindi pa nagkakamalay si Cassandra that time, kaya minabuti ni Alejandro na bantayan muna ito ngayon. Tahimik lang siyang nakatingin sa mukha ng dalaga.
Hindi niya maatim na makaranas pa ito ng sakit at kung anumam na sama ng loob, tama na ang nangyari rito, sobra-sobra nang pasakit ang natamo ni Cassandra at sa lahat ng bagay na iyon, ay wala siyang nagawa.
Tiim-bagang na napa-upo si Alejandro at walang imik na hinawakan ang kamay ni Cassandra.
"You're brave enough, baby." Sabi niya na dahan-dahang sinalikop ang kamay nito sa kamay niya. Matapos n'on ay marahan niya itong kinuha at hinalikan.
"I promise that from now on, you will never cry, anymore." Ani niya na hinalikan pa ang kamay ng dalaga.
Mayamaya pa ay naramdaman ni Alejandro na gumalaw ang kamay nito, tanda na nagising na si Cassandra.
"Cassandra? Cassandra?! O god...you're awake!" sabi pa ni Alejandro na agad pinindot ang button na nasa gilid ni Cassandra. To inform the staff na nagkamalay na ito.
"Alejandro.." nilinga pa siya ni Cassandra.
"Oh, god. Tell me, anong masakit sayo?" Nag-aalalang tanong ni Alejandro sa dalaga, but eventually, nagsidatingan ang mga nurse at aides na nagtulungan para asikasuhin ang pasyente.
Napagilid si Alejandro na noo'y tanaw ang mukha ni Cassandra, nakita pa niyang nakataas ang kamay ng dalaga na gustong abutin siya.
"Don't leave..." anas pa ni Cassandra habang tanaw ang binata.
"Stay put, maam, we will give you some dosage, saglit lang po ito." Sabi pa ng nurse na nandoon. Tanaw lang ni Alejandro kung paano itinusok ng nurse ang karayom na may pampabalik ng lakas at hindi mabinat ito.
Matapos ay iniwan na sila ng mga nurse. Alejandro immediately check her, halatang nag-alala si Alejandro kanina habang tanaw ang pagmanipula kay Cassandra.
"I'm happy you're fine.."
"Bakit ako nandito? Hindi ba't sabi mo'y pupuntahan natin ang mga lugar na napuntahan na natin? Bakit tayo nasa hospital?" takang tanong ni Cassandra.
"I rush you here, nakita kita kanina sa sahig, wala kang malay."
Natigilan si Cassandra at nasapo ang sariling ulo. "I don't remember, uminom lang ako kanina ng gamot, dahil masakit ang balakang ko, and then...i don't know." Sabi pa nito na tiningnan si Alejandro.
"Anong sabi ng doktor?" dugtong pa ni Cassandra.
Nakita ng dalaga ang pag-tiim-bagang ni Alejandro bago pa magsalita. "Cassandra..huwag kang mabibigla ah, the doctor saids...you're three weeks pregnant this time, kaya ka nahimatay."
Napaawang ang bibig ng dalaga at naiyak sa narinig. "I'm pregnant?"
Tumango si Alejandro. May bahid ng saya ang mukha nito, pero mayamaya pa'y napalitan ito ng pagkabahala at pagkalito.
"Buntis ako? B-buntis ako?" parang nagtunog-pagtutol iyon.
Tumango lang si Alejandro at maagap na hinawakan ang kamay ni Cassandra.
"Buntis ako Alejandro! Bakit b-buntis ako? Baka anak 'to ni Jerick? Nabuntis ba ako ni Jerick? Kaninong anak 'to, Alejandro? Oh my god.." naghihisterikal ang boses ni Cassandra that time.
"Ssshhh...please stay calm. Aayusin na'tin 'to, baby. Listen, we will test you after two months, we will check if sino ang ama ng batang iyan, if ako ba o sino sa mga Nunez.." Alejandro cleared his voice.
"We had sex?" Gulat na tanong ng dalaga.
Tiim-bagang na sumagot si Alejandro.
"Yes, I made it, and we made it out of love, not with rush and harm."
Napahawak si Cassandra sa sariling bibig.
"So..does this mean that...i am carrying somebody's child without knowing if sino sa inyo ang ama..oh my Christ!" naiyak na saad ni Cassandra.
"Shhh...listen, baby..we will get through this, I'm here..hindi kita iiwan."
"Oh my god! I feel like a whore!" litanya pa ni Cassandra na halatang nanlilimahid sa sarili.
Alejandro immediately hugged her tight, he enclosed his wide arms, wrapping Cassandra to sooth her pain.
"Kahit ano pa ang resulta ng bata, aakuin ko 'yan, baby...hindi ako papayag na isadlak ka sa isa pang eskandalo, I will do everything...baby." Pag-aalo pa ni Alejandro habang yakap ang dalaga.
"Natatakot ako, Alejandro. Baka hindi ko matanggap ang batang 'to!"
"Shh..huwag mong sabihin 'yan, this child has no sin about everything, remember that. That child is a precious gift." Sabi pa ni Alejandro na gustong ipaliwanag na walang kasalanan ang bata.
"Paano mo nasasabi 'yan, ha, Alejandro?" tunog iretableng boses ni Cassandra.
Ihiniwalay ni Alejandro ang kaniyang kamay at umayos ng upo sa tabi ni Cassandra. "Because I know how to be unwanted and be someone who never had the chance to prove herself." Seryosong saad ni Alejandro na inabot ang kamay ni Cassandra. Sumeryoso si Cassandra at tinitigan ang mukha ni Alejandro.
"Ano'ng sinasabi mo?" nalilitong tanong ni Cassandra.
"Alam ko kung gaano kahirap na hindi makilala ang tunay na magulang..saksi ako sa buhay ng kapatid ko sa ama, nakakaawa ang sitwasyon na walang alam sa katotohanan. My sister doesn't know the reality of herself, she's been hidden for a very long time, itinago siya para hindi makawasak ng pamilya, at alam ko kung gaano kahirap iyon, Cassandra..dahil simula ng naipanganak siya, ay mismong ako, na kapatid niya'y hindi niya kilala kahit pa nakakasalamuha at nakakausap ko siya. Naaawa ako, pero hindi pwede..hindi ko pwedeng sabihin na Guerrero siya at kapatid ko siya, and for god's sake, that is the reality I wished been done...cause all I feel is this damn guilt inside." Salaysay pa ni Alejandro na ang ibig sabihin ay ang kaniyang half-sister na si Lolita.
Natigilan si Cassandra sa pahayag ni Alejandro, halatang nalilito, dahil ni isa ay hindi niya alam at maintindihan kung sino ang tinutukoy nito. Cassandra widely open her arms, reaching Alejandro's body.
"Come here.." tawag pa ni Cassandra na masuyong yinakap ang binata.
"You're right.." tipid na sambit ni Cassandra habang yakap-yakap si Alejandro.
"You will be the greatest dad, soon." Sabi pa ni Cassandra kay Alejandro na nakikiramdam sa pintig ng puso ng binata.
"I will.." Alejandro answered as he wrap his arms to Cassandra. Nasa ganoon silang posisyon nang mabungaran sila nina Kulas at Kata.
"Eeeey, congratulations!" out of nowhere na bulalas ni Kulas na nakangiti pa.
"Hi bes! Kamusta?" nagdadalawang-isip na sambit ni Kata nang mapansing abala silang dalawa sa pagyayakapan.
"Wrong timing." Sabi pa ni Cassandra na nagpunas ng luha sa kaniyang pisngi at nilahad ang mga kamay para abutin ang kaniyang matalik na kaibigan.
"Thanks god, you're fine.."
"And still beautiful.." dagdag pa ni Cassandra na rason upang magtawanan silang lahat.
"Pilya pa rin!" sabi pa ni Kulas na nasa gilid nila.
..itutuloy.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomancePinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...