Kinabukasan, maagang nagising si Mabel para manguha ng mga tuyong kahoy sa dalampasigan. Iyon ang daily routine niya sa bawat araw. Iyon din ang paraan niya para manumbalik ang memorya niya sa lugar na iyon pero kahit anong pilit niyang pagbalik-balik sa dalampasigan ay wala siyang maalala na nandoon siya noon, wala siyang maaalala na taga-Samal siya.
"Ah, ano ba kasing nangyari noon...haysss, nakakainis." Sabi pa niya sa sarili habang hawak ang mga kahoy na napulot niya. Ilang sandali pa ay may nakita siyang bata, umiiyak ito sa may bakawan, tila nawawala ito.
"Hala, bata...anong ginagawa mo dyan?" nilapitan niya ito.
Halatang natakot ito nang makita siya.
"Shh, hwag ka nang umiyak. Hindi naman ako masamang tao e. Tahan na." Sabi pa niya rito.
"Diyan ka lang po." Sabi ng batang paslit sa kaniya.
"Hindi ako masama, taga doon ako oh." Turo ni Mabel sa kinaroroonan ng bahay niya.
Tiningnan naman iyon ng bata.
"Anong pangalan mo?" tanong ng bata sa kaniya.
"Ako si Mabel, ikaw?"
"Ahm, ako si Connor." Pakilala ng paslit sa kaniya.
"Ilang taon ka na?" tanong ulit ni Mabel.
"Ahm, mag-fo-four na po."
"Ah, ganoon ba, anong ginagawa mo dyan sa bakawan?"
"Kasi po, nawawala ako. Hindi ko na po makita ang yaya ko eh. Hinahabol ko po kasi dito ang bola." Paliwanag pa ng bata.
"Ganoon ba, taga saan ka pala?" tanong ni Mabel.
"Taga doon po." Turo ni Connor sa resort na pagmamay-ari ng mga Fuentabella.
"Uhm, kung gusto mo...ihatid na lang kita doon, tara." Paubaya ni Mabel.
"Sige po. Salamat." Sabi ni Connor.
"Hawakan mo ang kamay ko." Paubaya pa ni Mabel sa bata. Dahan-dahang hinawakan ang kamay ng babae. Sa sandaling iyon ay ramdam ni Mabel na may kung anong init ang rumagasa sa sistema niya, telling that this kid is having something in her past.
Hawak ang kamay nito ay dahan-dahan niyang tinungo ang resort ng mga Fuentabella.
Ilang saglit pa ay sinalubong sila ng tatlong maids na agad kinuha ang paslit.
"Connor! Dyoskong bata ka!"
"Yaya!" masayang sigaw naman ng paslit.
"Naku, halika nga rito!" mabilis na kinuha ng yaya ang bataa at halatang natatakot sa presensya ni Mabel.
"Bakit ka nandito?" tila sita ng isa sa mga yaya na nandoon.
"Oo nga, baka kinidnap mo ang alaga namin no?"
"Naku, hindi po." Sagot naman ni Mabel.
"Oh baka gusto mong saktan ang alaga namin," sabi naman ng isa pang yaya.
"Hindi po..." iling ni Mabel sa sandaling iyon.
"Noooo, yaya, hindi po niya ako sinaktan, actually, tinulungan niya po ako na makabalik dito kasi nawawala po ako doon..." turo pa ng paslit sa bandang iyon kung saan siya nakita ni Mabel.
"Naku, ganoon ba, naku miss...Sorry ha." Sabi ng isang yaya na sing edad lang yata ni Mabel.
"Ang mabuti pa'y samahan mo na lang kami sa loob, ate." Sabi pa ni Connor kay Mabel.
"Naku, hindi pwede..." sabi naman ng matandang yaya.
"Bakit naman po?" pangungulit ni Connor.
"Kasi, baka magagalit ang mama Cassy mo." Sagot ng yaya.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomansPinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...