Matapos maka-sumbit ng papers at registration form ay agad na natanggap si Cassandra sa eskwelahan. Bachelor of Science major in Psychology ang kinuha niya, since ito naman ang nasimulan niya sa San Francsico. May mga na-credit sa subject niya at mayroon ding nadagdag since iba ang curriculum ng pilipinas.
Nakaupo siya ngayon sa isang bleacher habang pinapaypay ang folder.
"Nasaan na ba ang bakulaw na 'yon, 'bat ba kasi niya ako iniwan, Aish!" saad niya na halatang nababagot na.
Nilinga niya ang paningin sa paligid, balak niyang hanapin si Alejandro pero baka mawala siya sa lugar, hindi pa naman niya kabisado ang paaralan. Nang mapagpasyahan niyang tumayo ay tinungo na niya ang parking lot sa labas ng gate at minabuting doon na lang mag-hintay.
"Kainis!" pagdadabog pa niya habang sinisipat ang wrist watch niya. Malapit nang mag-alas kwatro, gusto pa naman niyang mag-pictorial sa may bukirin.
"Hey!" napalingon siya sa boses na iyon.
Agad siyang lumingon, nakita niya si Alejandro na may dalang mga papel at kung anong supot.
"Alam mo bang kanina pa ako tapos? Saan ka ba nagpunta? You're wasting my time!" pagmiminaldita pa ni Cassandra kay Alejandro.
Sumeryoso ang mukha nito at halatang affected. Siguro'y guilty dahil halos kalahating oras itong nawala.
"I just past by some acquiantance," baritonong boses nito na nakatingin sa kaniya. Malamlam ang mata nito na tila nagdamdam sa sinabi niya.
Nakakibit-balikat siya habang nakatingin sa malayo. Halatang ayaw niyang masagi ang malagkit na tingin ni Alejandro.
"I just took your schedules, your rooms and of course, I assure na doon ka mapupunta sa magaling, I also paid for your locker, your security fee and something I must do just to be sure..you're in good hands." Sabi pa ni Alejandro na inabot ang mga dalang papel.
Agad na tinanggap ni Cassandra iyon. Halatang na-guilty sa pagmiminaldita niya kay Alejandro.
"Here, baka nagugutom ka." Abot pa nito sa supot.
Nang makuha ni Cassandra ito ay agad niyang tiningnan, isang siopao at isang juice na naka-tetra pack.
"Thanks." Tipid niyang sabi.
"Natagalan ako kasi may dinaanan din akong importanteng kakilala.." he said while beeping the car key. Tumunog iyon saka pa niya binuksan. Dali-dali namang gumilid si Cassandra habang dala ang supot para makasakay sa kotse, baka iwan pa siya ng bakulaw na 'to.
"Sino 'yong sinasabi mong kakilala? May kaibigan ka pa pala bukod kay Luis?"
He smiled while starting the engine.
"I have a lot of friends, señorita..and I have a lot of enemies also. Pili ka lang kung saan ka r'on." He said while staring the road. Naunsyame ang pagmiminaldita ni Cassandra, kaya bago pa mag-iba ang ihip ng hangin ay agad na niyang nilantakan ang binigay ni Alejandro.
"Saan tayo ngayon?" Alejandro asked Cassandra while glaring his sight to that mirror infront of them.
"S-sa may b-buk-kid." Ani pa ni Cassandra habang puno ang bibig sa kinakain.
Naiiling na lamang si Alejandro sa dalaga, he never expects na ganito pala ito katakaw, hindi halata sa katawan nito na parang walang bahid ng taba. Payat kasi ito at halatang premature sa timbang. Kulang na nga lang ay liparin ito ng hangin. He smiled discreetly. Nakakatuwa rin pala ang bratenelang ito.
"Anong tinitingnan mo riyan?!" pinandilatan pa siya ni Cassandra na nag-ayos ng mukha habang umiinom ng juice. Naka-straw ito kaya naririnig ni Alejandro kung paano nito higupin ang laman n'on.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
عاطفيةPinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...