Chapter 64

211 7 0
                                    

Nakita ni Alejandro ang anyo ng isang lalaki na nakaupo sa gilid ng hallway, alam niyang si Vlad iyon dahil sa suot nito na suit na gaya ng nasa Hellbound.

Agad niya itong tinungo at mabilis na kinalampag at pinatayo sa pamamagitan ng paghila sa kaniyang kwelyo.

"Where's Cassandra!" gigil na sambit niya sa lalaki na halatang nanlulumo at guilty sa pangyayari.

Hindi ito rumesponde, nakatikom lang ang bibig nito, rason upang silaban siya ni Alejandro ng sunod-sunod na suntok sa pisngi.

"The f-ck! You did to her?" sabi pa ni Alejandro na pinahiga sa sahig si Vlad at pinaibabawan ito. Hindi nito inalis ang pagkwelyo sa kaniyang suot habang walang awat na pinagsusuntok ang mukha.

Hindi nanlaban si Vlad.

"My god! Stop it Alejandro!" rinig pa ng binata sa paparating na babae, si Ysabella iyon.

Agad nitong dinaluhan si Vlad na inawat ang pagdadagan nito.

"Stop it, Alejandro!" sabi pa ni Ysabella na hinihila si Alejandro patayo.

Nang makatayo si Alejandro ay agad nitong sinalag ang katawag na niyakap ang duguang lalaki. Pati ang ilang mga tao roo'y nasindak sa pangyayari. Walang nangahas na suwagin si Alejandro. Alam nilang mala-demonyo ito ngayon dahil sa halo-halong emosyon.

"Take him out of my sight, Ysabella, baka mapatay ko 'yan!" sabi pa ni Alejandro habang suot ang mukhang animo'y papatay ng tao.

"Alejandro..." Ysabella said while helping Vlad to stand up.

"You started this, kaya kung gusto mo nang pagkakatalo ko, oo na! You win! I lose! And take that fucking money you want! Hindi ko kailangan ng kahit ano pa man, Ysabella! All I need is to live my fu*king life alone! Alone with Cassandra! So please! Leave us alone!" gigil na saad ni Alejandro na nakapamaywang na at winawasiwas ang kamay na may bahid ng dugo mula sa sugat dahil sa pagkakasuntok kay Vlad.

Natigilan sina Ysabella at Vlad. They're staring Alejandro's eyes as it saids that they were defeated of it.

Bumuntong-hininga si Ysabella at nagsalita. Naka-agapay pa rin siya kay Vlad.

"I'm..I'm sorry Alejandro."

"Stop it, Ysabella! Naririnig mo ba ang sinasabi mo?"

"Look, I don't..i don't want to..."

"Enough! Baka makalimutan kong babae ka," Alejandro said while clinching his jaw.

Dahil sa narinig ay agad na nilisan nina Vlad at Ysabella ang hospital. They left Alejandro alone. At sa oras na iyon, alam nilang doon nagtapos ang kanilang ugnayan. Mayamaya pa ay may lumabas na doktor sa isang kwarto. Alejandro immediately walked a distance and checked how is Cassandra.

"Excuse me, doc? How's Cassandra Monteverde?" Saad pa niya habang tinuro ang hawak na files ng doctor.

"She's fine, everything is under control."

"How's the baby?" tanong pa ni Alejandro na halatang kinakabahan.

"They're fine, they've must undergo confinement at least a week to make sure that they're totally stable."

"Thank you," responde naman ni Alejandro na agad tinalikuran ng doktor.

Nakahinga siya ng maluwang nang malamang okey lang ang mag-ina. Hindi kakayanin ng konsensya niya kapag mayroong nangyari kay Cassandra. And of course, it'll be the reason of his disappointment in his life, si Cassandra na nga lang ang nag-iisang tinututukan niya, hindi pa niya magawa nang matino.

He exclaimed and rest his body in that chair. Tuliro siyang nag-isip hindi niya alam ang gagawin, naiwan na niya kina Ysabella ang lahat ng perang dala niya, he's nothing now, wala siyang ni singkong duling para mailabas si Cassandra sa hospital. How can he make it?

Wanted Not Perfect DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon