"Does it taste good?" tanong pa ni Cassandra habang kaharap si Alejandro. Nakaupo sila sa lamesa that time, katatapos lang nilang magluto sa kusina. Hawak ni Alejandro ang kutsara saka pa ngumiwe dahil sa lasa n'on."O? Hindi mo ba nagustuhan?" sabi pa ni Cassandra na lumungkot ang mukha.
"Ang asim.." sabi pa ni Alejandro na hindi matiis ang asim sa nilutong sinigang ni Cassandra.
Cassandra immediately checked his spoon and tried to taste Alejandro's bowl. Sumandok ito at tinikman iyon. "Hmm..ang sarap naman ah! Niloloko mo ako, sakto lang naman ang timpla!" sabi pa ni Cassandra na tila hindi alintana ang asim ng sinigang.
"God, Cassandra...maybe it's about your tastebuds." Sabi pa ni Alejandro na nagsalita para hindi ma-offend si Cassandra.
"Hmm...siguro." Sabi pa ni Cassandra na nagkibit-balikat lang.
"C'mon, baby...huwag ka nang magtampo, halika nga.." suyo pa ni Alejandro sa nakangusong dalaga. Agad namang pumunta si Cassandra at naupo sa hita ng binata.
"Bakit?" Galit-galitan na saad ni Cassandra na bantulutot na umupo sa binata. Alejandro slid his hands to her soft face, parang ina-amo ang dalaga.
"Smile, nagmumukha ka nang manang niyan." Tukso pa ni Alejandro sa dalaga. Agad naman itong napangiti sa sinabi ni Alejandro at agad na sinundot ang tagiliran nito. Leading them to teased each other at naghabulan sa lawak ng mansyon ng Monteverde. Panay habol si Alejandro kay Cassandra that time na napunta sa may dulo ng pasilyo, sa may siwang ng bintana kung saan nanood sila ng bituin noon ni Alejandro.
"Cassandra..naalala mo ba ang bintanang iyan?" Alejandro asked Cassandra while standing in that corner.
Umiling lang ang dalaga.
"Bakit?" curious na saad ni Cassandra kay Alejandro na halatang walang ka-alam-alam. Maagap na kinuha ni Alejandro ang kamay ni Cassandra saka pa tinungo ang bintana.
"Alam mo bang dito tayo nag-usap noon, noong kararating mo lang galing Las Vegas, I showed you my favorite place here, and that night, you told me something that marked in my heart." Alejandro said while staring Cassandra's face.
"Ang alin?" Sabi pa ni Cassandra na wala talagang maalala.
"You said..that I am just like the moon, you said that even it has scars, it still brightens the darkness...gaya ko, kasi nga sinabi mo sa'kin n'on na may kabaitan sa akin—and it impacts my heart, as I heard." Sabi pa ni Alejandro na maagap na inabot ng pisil ang ilong ni Cassandra.
"Really? I told that? My god, andami ko palang banat, noon?" Cassandra laugh as she slap Alejandro's arms.
"How about...showing you the things we went out? Gusto mo bang malaman kung saan tayo namasyal dati?" Alejandro started.
"Hmm..pero magdidilim na." Sabi pa ni Cassandra sa binata.
"Don't worry, hindi naman tayo magtatagal."
"Hmm..sige. Tara!" Excited na saad ni Cassandra na naunang sumilid sa kwarto. Nag-antay si Alejandro sa may salas ng ilang minuto, napansin ni Alejandro na hindi pa rin lumalabas si Cassandra sa kwarto niya kaya he started to get worried.
"Ang tagal.." anas pa niya na noo'y hinahakbang ang paa sa hagdanan. Nang makapunta sa may pinto ay kumatok si Alejandro ng tatlong beses.
"Cassandra...Cassandra..tara na!" sambit pa ni Alejandro but still no response to the other side, so he help himself to opened it up.
Madali niyang tinahak ang mga paa sa loob at doo'y nakita si Cassandra sa sahig.
Wala itong malay.
"God, Cassandra! Cassandra!" mabilis na binuhat ni Alejandro si Cassandra na noo'y dali-daling nakababa sa hagdan. Agad niya itong isinilid sa sasakyan at pinaharurot ang sasakyan. Maging sina manang Anda ay nagtataka rin sa pangyayari.
Halos paliparin ni Alejandro ang sasakyan at doo'y nagtungo sa hospital sa may bayan.
Nang makarating ay agad niya itong ini-park sa sa gilid at aligagang bumaba at pinagbuksan ang passenger's seat. Madaling binuhat niya ito at tinungo ang hallway ng emergency room. Maagap namang inasikaso ng mga nurse sina Alejandro at noo'y dali-daling inasikaso. Alejandro left standing to that aisle where he felt he's been there before, naalala niya ang pangyayari noon. He slowly reached the plastic chair and rest his body.
Naghahabol siya ng hininga sa mga oras na iyon, ramdam pa niyang tumutulo ang pawis niya na tanda na kinabahan siya sa pangyayari. Tuliro siyang naupo at sinapo ang sariling noo. Nakayuko lang siya habang inaalala ang sinabi ni Sherly sa kaniya.
Napapansin ko lang na tumataba si Cassandra, at madalas antukin sa klase, kanina nga, nasa canteen kami, hindi na niya kinakain 'yong madalas niyang ino-order dati, maybe dahil sa amnesia niya..pero I don't know...may kutob akong hindi maganda. I'm just concern for her, parang kapatid ko na si Cassandra, Alejandro kaya please...check her.
Narinig ni Alejandro ang boses ng dalaga na tila nag-flashback sa taenga niya.
"O god, Cassandra..anong nangyayari sa'yo?" anas pa ni Alejandro sa sarili. Mayamaya pa ay dumating sina Kulas at Kata, halatang nag-aalala ang mga ito sa oras na iyon.
"Alejandro! Alejandro!" Rinig niya sa dalawang papalapit.
Agad siyang tumayo at binungad ang dalawa. "Kulas.. Kata.." sabi pa ni Alejandro na halatang nag-aalala.
"Nasaan si Cassandra?" si Kata.
"Nasa loob." Tipid na sagot ni Alejandro na halatang kabado.
"Ano ba kasing nangyari?" sabi pa ni Kulas.
"H-hindi ko alam...pagpasok ko sa kwarto niya'y nasa sahig na ito." Alejandro said in his low voice, aminado siyang guilty, kung sana'y na-check niya agad si Cassandra ay baka mas maagap at mabilis niya itong masusugod sa hospital.
"She passed out?" Takang tanong ni Kata na kumunot ang noo.
"Oo," Alejandro added.
"Naku..baka kung ano na 'yan, hindi kaya sa gamot ni Cassandra?" Walang ideya na saad ni Kulas.
"Or maybe..she's p-pregnant." Putol naman ni Kata na ikinatahimik ng dalawang binata.
Maging si Alejandro ay natigilan sa narinig, para siyang binuhusan ng malamig na tubig, kung magkaganoon man, dalawa lang ang pwedeng maging resulta n'on...kung siya ang ama, o si Jerick na nanghalay sa dalaga.
Napatiim-bagang si Alejandro at napasuntok sa kawalan.
"E-asy..pare!" awat pa ni Kulas na ramdam ang pagkakalito ni Alejandro.
"Mabuti pa'y hintayin natin ang doktor," sabi pa ni Kata na pinahupa ang tensyon ni Alejandro. Naupo silang tatlo sa upuan at nag-antay ng ilang oras. Mayamaya pa ay lumabas na ang doktor, agad naman nila itong nilapitan at kinausap.
"Dok! Kamusta po si Cassandra?" bungad ni Alejandro sa doktor na kakilala niya.
"She's fine, attorney, kailangan lang niyang magpahinga at itigil ang gamot na nakakapag-pahimatay sa kaniya. It is not advisable for her."
"Po? Ang alin po?"
"Naproxin, for pain reliever. It is not good for a pregnant woman like her, nakakasama iyon sa dinadala niya." Napanganga si Alejandro sa narinig at halatang naiwan sa ere ang bibig.
"Dok? Ano po ang sinabi n'yo?" ulit pa ni Kata na nasa gilid ni Alejandro, gayundin si Kulas na parehong nakatulala gaya ni Alejandro.
"I said...she's pregnant, she's three weeks pregnant." At sa sinabing iyon ay naibagsak ni Alejandro ang dalawang balikat.
"God..she's pregnant.." usal pa niya saka naisuklay ang dalawang kamay sa sariling buhok at kasunod pa n'on ay napasuntok si Alejandro sa dingding ng hospital.
Everybody was shocked, pati na rin ang doktor na ngayon lang nakitang nagkakaganoon si Alejandro.
Alejandro rest his body into that wall pinning his knuckle that is now shedding blood.
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomancePinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...