Matapos ang kanilang kasal sa simbahan ng San Luisita ay agad silang nag-honeymoon sa isang pribadong isla. Hindi maintindihan ni Cassandra kung paano nagkaroon ng access si Alejandro sa islang iyon, gayong ni hindi nito nasabi sa kaniya ang planong pag-staycation.
They are in riding in a helicopter, iyon lang kasi ang paraan para makapunta roon. Malapit iyon sa San Luisita, at karatig-isla rin ng isla Mercedes.
"Are you sure, we're going in the right place, babe?" Kinakabahang sambit ni Cassandra habang hawak ang braso ni Alejandro. Nakasuot na sila ng ternong damit na kulay bughaw, naka-cardigan naman si Cassandra at sleek pants na pwede sa kaniyang maumbok na tiyan. Gayundin si Alejandro na naka khaki shorts at blue polo shirt. Wala silang maaninag sa oras na iyon dahil pasado alas otso na nang gabi, ang tanging bakas lamang doon ay ang liwanag sa isang lighthouse ng nasabing isla.
Ilang minuto lang ang byahe nila hanggang maramdaman nilang bumababa na ang kanilang sinasakyan. Mayamaya pa ay nagsalita ang piloto na tanging kasama nila.
"Nandito na po tayo, attorney."
Agad na tumugon si Alejandro na buksan ang kanilang pintuan. May pinindot na button ang piloto para kusang bumukas ang nasa gilid nila at doon nga'y lumabas sila ni Cassandra. Nauna siyang bumaba habang hinihintay si Cassandra na makababa.
Inalalayan niya ito, habang hawak ang naturang kamay ng asawa. Medyo malakas ang hangin dahil sa elisi ng helicopter.
Tinulungan ng piloto sina Alejandro na maibaba ang kanilang kagamitan, at nang masiguradong okey na ang lahat ay nag-signal lang ito ng kamay na lalarga na ulit ito. Alejandro in the other hand, is carrying their luggages habang kasabay si Cassandra. They are walking in that dimness shore, na tanging ang buwan lamang ang ilaw.
Hawak-kamay sila ni Cassandra habang binabagtas ang dalampasigan, papunta sila sa isang villa house na 'sing laki ng cabin-house nila Alejandro sa San Luisita. It is an authenthic vintage house na halata dahil sa matitibay na trosong ginamit sa dingding nito.
"Wow, ang ganda naman dito, babe." Cassandra said to Alejandro.
"Do you like it?"
"Yes, absolutely, ang ganda rito." Bulalas pa ni Cassandra na nilinga ang paligid. Kahit paman medyo madilim ay alam niyang maganda ang isla, at saksi roon ang lumang villa na pinatibay ng panahon.
Tipid na ngumiti si Alejandro at nagsalita.
"It's our ancestral island, sa mama't papa ko 'to, pero naibenta nang mamatay sila."
Natigilan si Cassandra sa narinig. Hindi niya iyon alam.
"Kayo ang may-ari ng bahay na 'to?"
Umiling si Alejandro.
"The whole island." Ngiti pa nito saka hinapit sa beywang si Cassandra.
"Alejandro...you mean, nandito tayo sa isla ninyo?"
"Yes, at masaya ako dahil nabili ko na ulit ito."
"What? P-pero...paano?"
"You don't know me yet, baby." Sabi pa ni Alejandro na dinampian ng halik ang noo ni Cassandra. Napangiti si Cassandra sa ginawa ng asawa, sa pagkakayakap nito'y hindi na niya naramdaman ang malamig na hangin sa islang iyon. Napalitan iyon ng init mula sa bisig ng asawa.
"Let's go inside," tipid na sabi ni Alejandro na ikinangiti lang ni Cassandra. Dahan-dahan nilang tinungo ang bukana ng tahanan. May balkonahe ito na gaya sa kanilang mansion, gaya rin sa istilo ng balkonahe ng cabin-house nila Alejandro. Parang sinadya na ipareha ito sa tahanan nila.
"Here we go," Alejandro opened the door.
Nang masilip ni Cassandra ang looban ay namangha siya sa kagamitan na nandoon.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomancePinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...