Chapter 15

428 17 0
                                    


Sabay-sabay na kumain ang mga magsasaka, masayang-masaya ito sa dalang sinigang ni Cassandra, gayundin si Alejandro na hindi maalis ang paningin sa dalaga. Naka-kamay siya habang kaharap si Cassandra.

Paminsan-minsang nagku-krus ang mga mata nila, animo'y hinuhuli ni Alejandro ang bawat sipat ni Cassandra.

"Ang sarap ho ng ulam na dala ninyo, señorita." Anang isang magsasaka na maganang kumakain.

"Opo, salamat po, señorita!" dagdag pa ng isa.

"Maraming salamat po, masaya akong nagustuhan ninyo ang luto ko," saad pa ni Cassandra na iniiwasan ang mata ni Alejandro.

"Señorita, siguro'y mauna na ho ako, kasi'y mag-aasikaso pa ako para mamaya." Ani manang Anda na naunang tumayo. Katabi nito si Kulas na naghihintay lang.

"Pero, hindi pa ho sila tapos.." sabi pa ni Cassandra.

"Sige manang, mauna na ho kayo, ako na po ang bahala kay señorita," ani Alejandro kay manang Anda.

Nilingon siya ni Cassandra na tila nasisiyahan sa narinig.

"O sya, sige sir, mauna na kami. Tara na Kulas!" sabi pa ni manang Anda na hinatak si Kulas.

"Bye, Alejandro! Bye po señorita!" kaway pa ni Kulas na abot-taenga pa ang ngiti.

Mayamaya pa ay nagtulungan ang mga magsasaka na magligpit, isinilid nila lahat sa bayong ang mga tupperware at noo'y bumalik sa kanilang pagtitipon.

"Tatapusin ko lang 'to, señorita ha." Ani Alejandro na agad tumayo para dugtungan ang kanilang tinatalakay na isyu.

Nanatiling naka-upo si Cassandra sa bangko at nakinig lang sa nakatayong si Alejandro.

Tinatalakay nito ang mga reporma at mga batas ng sakahan, ipinapahayag din nito ang mga karapatan ng magsasaka.

"Nakasulat sa batas ng pangsakahan na dapat igalang ng estado ang mga karapatan ng maliliit na may-ari ng lupa sa pagtatakda ng mga retensyon limit. Dapat ding maglaan ang estado ng mga insentibo para sa boluntaryong pagbabahagi ng lupa. Lalo pa't matagal na ang mga nagsasaka sa naturang lupain." Sabi pa nito na binaba ang papel at nagsalita ulit.

"Dito po natin isasangguni na mahigit dalawang dekada na po kayo sa lupain ng mga Binitez," saad pa nito na sinipat ang gawi ni Cassandra.

"Look at señorita Cassandra, isang Monteverde na naging rason kung bakit naibigay ang apat na hektaryang lupain sa San Luisita, iyon ang ginawa nila Don Ejercito sa sitio Pagaspas, sa may timog, hindi ba't naibigay iyon sa mga magtutuba ng niyogan?" sabi pa ni Alejandro.

"Ay, oo naalala po namin 'yan." Halos sabay na sabi ng mga magsasaka. Patango-tango pa si Cassandra bagama't hindi alam ang sinasabi ng mga ito.

"Iyon ang batas na sinunod ng mga Monteverde, kaya sa sitwasyon ninyo dito sa sitio Manolo, kailangan nating pagtulungan na maibigay ng mga Binitez ang kabayaran ng pagsasaka ninyo." Dagdag pa ni Alejandro na ikinamangha ni Cassandra. Hindi niya alam ang pinagsasabi nito. But she managed to smile as if alam niya ang nangyayari.

Lumapit pa si Alejandro sa kinauupuan niya at kinuha ang kamy niya.

"Siguro'y dito na lang muna ang pag-uusapan natin, hihintayin ko ang mga papeles na kinakailangan," ani nito habang hawak-hawak ang kamay niya papuntang gitna.

"Maraming salamat, Alejandro ha. Malaki ang utang na loob namin sa'yo," ani pa ng medyo may katandaang lalaki na naging lider ng samahan.

"Wala pong anuman, tinatanaw ko lang din sa mga Monteverde ang utang na loob, kaya't binabalik ko rin sa iba na makatulong." Saad pa ni Alejandro na tanaw ang mukha ni Cassandra.

Wanted Not Perfect DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon