Nasa sasakyan na sila ni Alejandro para makauwi sa mansyon, nasa likod ng Estrada ni Alejandro ay ang kahon-kahon na gulay galing kay Rebecca, pinakyaw ni Alejandro ang gulay bilang utang na loob nito nang makita si Cassandra. Besides, they need it for kitchen stocks, walang imik si Alejandro habang sinisipat si Cassandra sa salamin.
Tahimik lang ito na tila aminadong may kasalanang nagawa.
"Are you alright?" baritonong boses ni Alejandro.
"Yes." Sabi pa ni Cassandra na hindi siya tinitingnan.
"Sa susunod, I will give you my number so you can call me, if possible memorize my phone number..just in case." Sabi pa ni Alejandro. Nanatili lamang tahimik si Cassandra.
"Siguro'y mas mabuti rin na magdala ka ng mapa ng San Luisita." He said as a joke.
Binalingan siya ni Cassandra at masamang tiningnan. "Seriously?" sabi pa nito na nagmamaldita.
"Oo, bakit hindi? Mas mabuti na iyon, para hindi ka maligaw."
"I know how to go home," sabi pa niya na nakanguso pa, matigas pa itong nagkibit-balikat.
"Hmm...kaya ba tumawag ka ng tulong n'ong nasa palengke ka?" sarkastikong joke ni Alejandro.
Matalim na tiningnan siya ni Cassandra.
"You know what, I really really hate you!" asik pa nito na taas kilay pang itinitik ang mata.
"I like that attitude, ipagpatuloy mo 'yan." Mahinang saad pa ni Alejandro na natatawa lang kay Cassandra.
"So naughty," he added my shaking his head.
Mayamaya pa ay nakarating na sila sa mansyon, hindi na hinintay ni Cassandra na pagbuksan siya ng pinto ni Alejandro kaya mabilis itong nauna at nagmartsa papasok sa mansyon.
Nadaanan pa ni Cassandra ang lolo niya na halatang nakapansin sa pagiging bad mood nito.
"Oh, what's wrong hijo?" sabi pa ng matanda kay Alejandro nang makalapit na ito sa kaniya.
Alejandro shake his head. "Nothing, ninong...sinusumpong lang po yata," ngiti pa ni Alejandro sa matanda.
Ngumiti si Don Ejercito kay Alejandro at tinapik ito sa balikat.
"Pag-igihan mo na lang ang apo ko, Alejandro, na-spoiled kasi 'yan nila Criselda eh," sabi pa nito. Ngiti lang din at pagtango ang sinagot ni Alejandro aa matanda.
"Sige, maiwan ko muna kayo at may pupuntahan akong meeting sa kabisera," sabi pa ng matanda na noo'y papalabas sa bukana ng pintuan.
"Sige po, ninong. May driver po ba kayo?" tanong pa ni Alejandro.
Tumango si Don Ejercito.
"Oo si Kaloy," sabi pa nito saka pa kumaway bilang paalam.
Matapos ang diskusyon nila ay tinahak ni Alejandro ang kusina at doon naabutan si manang Anda.
"Ay nariyan ka na pala, sir."
"Manang, mayroon akong mga nabiling gulay. Nasa sasakyan po."
"Ay sige sir, tawagin ko si Kulas. Kami na po ang bahala." Nakangiting saad nito.
Tumango lang siya saka pa pumanhik sa hagdan. Nang makapanhik sa second floor ay agad niyang pinuntahan ang kwarto ni Cassandra at kinatok. Kakausapin niya ito sa isang bagay. Gusto niyang sabihin ang totoo patungkol sa kanilang arranged-marriaged, soon.
He was about to knock on that door when he heard something. Maiging pinakinggan niya iyon.
"I'm happy to hear your voice again, nakausap ko si kuya, nandito siya sa San Luisita, ang sabi niya, pupunta ka raw dito sa susunod na buwan?"
Tumahik pa ito na tila nakikinig sa kausap.
"Okey."
"I'm sorry..it's been hard for me, but I'm willing to give you a chance."
Tumahimik pa si Cassandra. Minabuti namang makinig ni Alejandro sa diskusyon sa kabilang kwarto.
"Yes." Iyon ang dinig niya kay Cassandra.
"Okey, bye."
"I...I love you, too." At iyon ang pagtatapos sa narinig ni Alejandro. Kung hindi siya nagkakamali, muling nagkakamabutihan ang mga ito. Kung maaalala ni Alejandro, sinabi ni Cassandra na kapatid ni Erickson ang naging ex-boyfriend niya.
Napatiim-bagang siya't minabuting umatras sa kinatatayuan. Mayamaya pa'y nagbukas ang pinto, papalabas si Cassandra. Nakasuot na ito ng pambahay, maaliwalas ang mukha nito.
"What?" asik pa ni Cassandra na tinaasan ng kilay si Alejandro.
Umiling lang si Alejandro saka mapait na ngumiti. "Tatanungin ko lang kung ano ang gusto mong kainin..." mababang boses nito na halatang dismayado sa narinig.
"Don't ask me, 'cause I can cook what I want." Pagmiminaldita pa ni Cassandra saka pa nilampasan si Alejandro. But Alejandro was tense to grab her wrist, it was so abrupt to hold her and let her stay.
"Ano ba!" sabi pa ni Cassandra nang pigilan siya ni Alejandro. Natanaw pa niya ang madilim na anyo nito na tila galit o may kung anong negatibong nararamdaman.
"Ano ba! Nasasaktan ako!" saad pa ni Cassandra kay Alejandro na noo'y nakatiim-bagang at matalim siyang tinignan.
"I hate to feel this!" ani ni Alejandro na nakatingin lang kay Cassandra.
"What are you saying?!" sabi pa ni Cassandra na gustong bawiin ang kamay niya pero matigas si Alejandro, malakas ito, nakakatakot.
Sa puntong iyon ay hindi na napigilan ni Alejandro ang sarili. He grab their distance and grab Cassandra, mabilis niya itong kinuyumos ng halik, rason para mapasandal si Cassandra sa pader. Alejandro pinned Cassandra's two arms, as if he is forcing to kiss her.
Mariing napapikit si Cassandra sa ginawa ni Alejandro. Sinasakop nito ang kaniyang labi, hindi siya makagalaw lalo pa't nakahawak ang malalakas na kamay nito sa dalawang kamay niya. She was weak, and yet, she wants more.
Unti-unti siyang nagpaubaya. She moved her soft lips and opened it wider. Ramdam niya ang dila ni Alejandro na halos rason upang mapugto ang hininga niya. Mas naging marahas pa si Alejandro at unti-unting bumaba ang halik niya sa leeg ng dalaga.
"Ohhh..." napasinghap si Cassandra sa kiliting nararamdaman. Alejandro was kissing her neck, biting and licking it. Nakakaliyo ang ginagawa nito!
She's afraid what was exactly happening that time but she's willing to submit her self. Umungol pa siya.
"Ugh..oh.. Oh my.." she said while closing her eyes. But Alejandro immediately stop on what he's doing. Tila nahimasmasan ito, nabigla at naliwanagan.
Mariing napatitig si Alejandro sa kaniya, ganoon din siya.
"I...I'm..sorry." Saad pa ni Alejandro na agad na umalis.
Naiwan si Cassandra sa pader na iyon, at halatang nabigla sa pangyayari. She was just kissed by Alejandro, but what the hell she let him do it?
Napahawak siya sa sariling dibdib at kinapa iyon, napakalakas ng pintig ng puso niya.
"Oh my god, what was just happened?" Sambit niya sa sarili.
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
عاطفيةPinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...