Matapos ang usapan nila ni Alejandro sa bubong ay napagpasyahan nilang matulog na.
Alejandro was now lying in his bed, hawak niya ang kaniyang phone, tinitingnan niya ang mga larawang kuha ng kaniyang mga kapatid. Inisa-isa niya iyon.
He saw his sister, Chanel. His sister who is now living in Australia, mayroong negosyo ito doon, and as what he remembered, ito ang independent na kapatid niya, close siya rito lalo pa't pareho silang seryoso sa mga bagay-bagay. Nakita rin niya doon ang larawan ng ikatlong kapatid niya, si Jillian, ang kapatid niyang napakabait. Wala siyang naalalang naging kaaway nito, she is his loving sister na ngayo'y nasa California na dahil doon ito nadestino sa pagiging health worker.
Nang ma-scroll niya ang iba pang larawan ay nakita niya ang tatlong kapatid niya. Sina Aira, Rheg at si Ada, ito ang parating nakakasama niya even they are not still living together. Nasa Las Vegas sina Aira at Rheg, pinapatakbo nito ang bar na nabili niya noon. Paminsan-minsan ay nagagawi siya sa kanila, habang si Ada naman ang madalas na kasama niya sa San Luisita. Ito ang namamahala sa rancho nila, ito rin ang maasikasong bunso niya na tumitira sa kanilang bahay sa ngayon, habang naririto siya sa pamamahay ng mga Monteverde.
"God..sana'y magkasama-sama kami kahit 'sang araw lang." Sabi pa ni Alejandro habang ini-scroll pa ang ibang larawan. Doo'y nakita niya ang larawan nila ng mga kababata niya, nandoon sina Luis, si Juan, si Mirabella, at ang nasa gilid na katabi niya...si Lolita.
Napahawak siya sa sariling mukha. Zinoom-in pa niya ang larawan at sinentro sa mukha ni Lolita. Nakangiti ito halatang napakahinhin at nahihiya. Taglay nito ang kainosentehan, mala-anghel ang mukha nito na alam niya kung saan nagmana.
Napakagat-labi siya sa mukha ng dalaga.
"I'm sorry, I'm not ready to tell you the truth." Ani niya sa larawan.
Si Lolita ang kapatid niya sa ama, anak ng namayapa niyang papa ang dalaga sa isang katiwala nila noon aa rancho. Hindi nila alam ang pangyayari pero nalaman na lamang nila ito noong sanggol pa si Lolita, pinagtabuyan ng mama niya noon ang bata, hanggang sa inalam ni Alejandro kung nasaan na ito.
At doo'y nakilala ang mga kumupkop sa sanggol na iyon, minabuti niyang tutukan ang paglaki nito at maging kaibigan. Mahal niya ang mga kapatid niya, at sa lahat ng kapatid niya, kay Lolita siya naaawa. Wala siyang magawa noon, lalo pa't nagkasakit ang papa niya, mas lalong naging miserable ang lahat nang sumunod din ang mama niya. Nahirapan siyang tumayo bilang nakatatandang kapatid ng mga kapatid niya.
He has been saved by the Monteverde family, gan'on din ang mga kapatid niya na namuhay sa bubong ng kung sinu-sinong ninong at ninang nila noon. Kaya siguro hindi niya ito masisisi kung malayo ang mga loob nila sa isa't-isa.
"Ugh. Such a hard day. I'm tired." Ani niya saka pa pinatay ang ilaw ng kaniyang bedside lamp.
Sa kabilang banda naman ay nakikiramdam si Cassandra sa dingding na pumapagitan nila ni Alejandro.
"Tulog na kaya 'yon?" she asked herself habang nakadikit ang taenga sa dingding.
Inuusyuso niya ang kabilang kwarto, naisip niyang tanungin sana si Alejandro kung okey lang ba na bukas ay maaga silang gigising para sana malibot niya ang hacienda at ang rancho nila.
"Bat ko ba kasi nakalimutang itanong!" sambit pa niya sa sarili na hindi mapirme sa kinatatayuan.
Naisip niyang katukin ito, tama! Siguro'y mainam na sabihan na lang niya ito ngayon para bukas ay tuloy-tuloy na.
Inabot niya ang kaniyang roba at sinuot iyon. Sinuot niya rin ang bed slippers niya saka pa unti-unting binuksan ang pintuan niya palabas. Nang makalabas siya'y dahan-dahan siyang pumunta sa harapan ng pinto ni Alejandro. Nag-aatubili siyang kumatok. Madilim na kasi iyon.
But she's being silly this time, hindi niya mapigilang maki-usyuso na silipin ang kabilang dako. Kaya dahan-dahan niyang pinihit ang siradora ng pintuan at pumanhik papasok.
Titingnan lang naman niya kung tulog na ito. Nang makapasok siya sa kwarto nito'y agad niyang tinungo ang kama ng binata at dahan-dahang sinilip ang pigurang nakahiga na. Nang makalapit siya'y natanaw niya ang payapang mukha nito. Natutulog na ito habang hawak ang kaniyang telepono. Kaya dahan-dahan niyang kinuha iyon at nilagay sa gilid na lamesa nito.
"Good night, Bakulaw." Sabi pa niya saka napangiti. Nakakatuwa ang mukha ni Alejandro habang tulog. Tanaw pa ni Cassandra ang mahahaba at mapilantik na pilik mata nito. Kulay rosas rin ang labi ng binata na hindi lang napapansin dahil sa balbas na nasa mukha nito. Kinuha pa ni Cassandra ang kumot at dahan-dahang kinumutan ang binata.
After she did, ay agad ding lumabas si Cassandra. Siguro'y bukas na lang niya aabalahin ito. She think that Alejandro might be tired doing her demands.
Napangiti pa siya saka pinihit pasara ang pintuan.
Nang maisara ni Cassandra ang pintuan ay nagmulat ng mata si Alejandro. Napangiti siya nang mapansing may kumot na ang katawan niya. Alam niyang narito si Cassandra kanina sa kwarto niya, unti-unting natutunaw ang pader na pumapagitna sa kanila. Hindi naman pala maldita ang dalaga, mabait din pala ito.
Kinabukasan.
Maagang nagising si Cassandra, alas kwatro pa lang ng umaga ay naligo na siya at nag-ayos. Dapat ay mabungaran niya si Alejandro para samahan siya sa lakad niya.
Nang matapos sa pag-aayos ay agad na tinungo ni Cassandra ang wall mirror na nakaharap sa kaniya. Makikita roon ang whole body size niya.
"Pretty!" she said to herself. Tanaw kasi niya ang petite T-shirt na kita ang pusod, paborito niya iyon lalo pa't may logo ng mickey mouse ang harap nito. Kulay grey ito na pinaresan ng kaniyang shorts na kulay brown. Isinuot din niya ang kaniyang puting rubber shoes. Nilugay lang niya ang kaniyang buhok, habang naka-sling bag. Walang kolorete ang mukha niya.
"Ayan, pwede na!" sabi pa niya nang matapos niyang pisil-pisilin ang kaniyang mukha.
Nagmamadali siyang lumabas para sana kumatok sa kwarto ni Alejandro. Nang makalabas ay nabigla siya nang makitang papanhik si Alejandro sa hagdan, dala nito ang isang tasang kape. Halatang galing ito sa ibaba, sa may kusina.
"Good morning." Saad pa ni Cassandra sa kabila ng pagkakabigla.
"Ang aga n'yo señorita, ah." Ani ni Alejandro na maiging hinahawakan ang tasa.
"I..I.. Just want you to know if..okey lang ba na samahan mo ako sa hacienda, I need to see everything here." Ani ni Cassandra na tila hindi makahinga sa presensya ni Alejandro.
"Okey, I'll take a bath first, tamang-tama, gusto kung umuwi muna sa amin, may kukunin lang ako saglit." Sabi pa ni Alejandro na nilampasan lang ang pagkakatayo niya. Nang magbukas ang kwarto ng binata ay agad din itong nagsara. Naiwang natameme si Cassandra, eh paano kasi...kahit bagong gising lang ito ay napaka-lakas pa rin ng dating ng binata. 'Yong tipong, kahit dirty look ito ay napaka-gwapo pa ring tingnan, how much more if mag-ayos ito?
"Oh my g!" litanya pa niya saka mabilis na pumanaog sa hagdan, mas mainam sigurong kumain na siya habang tulog pa ang lahat, baka mag-stress crave siya kapag nasa harapan niya si Alejandro.
Nang makapunta sa kusina ay naabutan niya si Manang Anda, nagluluto ito ng kung anong ulam.
"Uy, señorita, ang aga n'yo yata?" sabi pa nito sa kaniya.
"Good morning po," tipid na saad niya na kumuha ng tinapay at hiniwa ito bago pa nilagay sa microwave oven.
"Ano po ang gusto n'yong kainin señorita, at ipaghahanda ko po kayo." Ani manang Anda.
"Ay don't worry po, I can cook by myself, ako na lang po ang magluluto." She said while handling some mayonaise, slicing some tomatoes and cucumbers. Kumuha din siya ng pan at nagbukas ng apoy. Kumuha siya ng bawang at piniga iyon, nang mapansing mainit na ang pan ay nagsalin siya ng butter na kinuha mula sa ref. Iginisa niya ang garlic at sumunod doon ay ang tinapay na galing sa oven. Nilagay niya ito sa pan at minani-obrang pisilin para mag-sink sa tinapay ang garlic toast flavor.
....itutuloy.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomancePinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...