Chapter 22

338 12 0
                                    


Nagising si Alejandro nang umagang iyon, ramdam niyang tumatama sa mukha niya ang sinag ng araw mula sa labas. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at doo'y nagimbal sa nakita.

Nakayakap si Cassandra sa kaniya, mahimbing itong natutulog habang siya nama'y ganoon din. Magkayakap ang mga katawan nila. Nakadantay pa si Cassandra sa hita niya.

"Godness!" sambit pa niya saka marahang bumalikwas. Tinabi pa niya ang balikat ng dalaga. Inaalala niya ang lahat-lahat. Sapo ang sariling ulo'y naglaan muna si Alejandro ng segundo para ma-sink in sa utak niya ang nangyari. Ang naalala niya'y nagmamadali siyang umakyat sa hagdanan galing kusina at sumilid sa kwarto niya.

Agad niyang nilinga ang kwartong kinaroroonan niya.

"Damn it!" sabi pa niya habang hawak pa rin ang sumasakit na ulo. Parang may hang-over pa siya dahil sa ininom niya kagabi.

Dahan-dahan siyang tumayo at noo'y tiningnan ang dalagang mahimbing na natutulog. Kinuha pa niya ang kumot at kinumutan ito. Kung tama ang hinala niya, doon siya nakatulog sa mismong kwarto ng dalaga at hindi sa kwarto niya.

He exhaled and left Cassandra's room. Nais niyang maligo para mahimasmasan. Nang makalabas siya sa kwarto ni Cassandra ay agad siyang pumunta sa ibaba at kumuha ng gamot sa drawer ng kusina, gamot para sa sakit ng ulo.

Mabuti na lang at nandoon si manang Anda kaya hindi siya nahirapan. Mayamaya pa ay nakita niyang nagsidatingan ang mga sasakyang tanaw niya sa labas. Nakauwi na ang ninong Ejercito niya.

Nakita pa ni Alejandro ang pagpanaog nito sa sasakyan kasabay ng kaniyang mga tauhan.

Tumayo siya at sinalubong ito.

"Good morning po, nong." Sabi pa ni Alejandro na nagmano sa matanda.

"Kaawaan ka ng dyos, hijo, oh kamusta si Cassandra? Okey lang ba ang eskwela niya?"

Tumango si Alejandro. "As usual pa rin po," he said while checking the corner of his eyes. Nakita kasi niya si Cassandra na pababa sa hagdanan, nakasuot ito ng kaniyang pantulog na pinatungan ng kaniyang roba. She is very seducting to her looks right now, kaya hindi niya mapigilang mapalunok ng sariling laway.

"Good morning lolo," bungad pa ni Cassandra na papalapit na sa kaniyang lolo. Agad niya itong hinalikan saka pa niyakap.

"Good morning, hija. Kamusta ang eskwela? May pasok ka ba ngayon?"

"Opo, I'm now preparing.." Sabi pa ni Cassandra na tiningnan si Alejandro nagkrus ang mga mata nila at tila may kung anong hipnotismo ang dulot n'on.

"I gotta eat breakfast, lo, tara po..." hila pa niya sa kaniyang lolo, but it seems ayaw ng matanda.

"Naku, mauna ka na apo, I gotta take a nap first, wala pa akong tulog ngayon, may lalakarin pa ako mamayang alas nuebe kaya't magpapahinga muna ako." Sabi pa ni Don Ejercito na hinalikan lang si Cassandra sa noo.

"Sige po," matamlay na saad ni Cassandra.

Ngumiti ang matanda at nagsalita.

"Ang mabuti pa'y kayo na lang ni Alejandro ang magsabay, lalo't kayo lang din naman ang magsasama mamaya, hindi ba, hijo?" sabi pa ni Don Ejercito na tinapik ang balikat ni Alejandro saka pa umalis at pumanhik sa kaniyang kwarto na nasa bandang ilalim ng malaking staircase, doon na rin kasi ito namamalagi sa kaniyang opisina na tila library dahil sa sangkatutak na libro.

Naiwan sina Cassandra at Alejandro na magkaharap, tila nag-iiwas ng tingin sa oras na iyon. Without any excuses, Cassandra return to kitchen and start to prepare her food, naroon naman din si manang Anda na naghahanda ng almusal, but she decide to help the old woman to prepare it immediately. Naupo lang si Alejandro sa may lamesa at nag-check ng kaniyang phone. Mayamaya pa ay may tumunog sa kung saan. Iyon pala ang cellphone ni Cassandra na nasa bulsa ng roba.

Wanted Not Perfect DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon