Chapter 54

183 7 0
                                    

Buwan na ng disyembre sa panahong iyon, nag-uumpisa nang magsabitan ng mga palamuti ang bawat tahanan sa bayan ng San Luisita, maririnig na rin sa bawat kanto ang mga pamaskong himig at lalo na t'wing gabi na oras ng pagka-carolling ng mga bata.

Hapon na iyon, nasa teresa si Cassandra habang nakaupo sa silyang de-tumba. Hinihintay niya si Alejandro na noo'y sinundo ang kaniyang mga kapatid. Ngayon kasi ang linggong magtitipon silang magkapatid. Mabuti naman at pinaunlakan nila ang kapatid nilang si Alejandro.

Hawak ni Cassandra ang kaniyang paboritong libro, nasa kalagitnaan na s'ya sa pagbabasa nang marinig ang pagdating ng sasakyan ni Alejandro. Nag-park ito sa malawak na hardin ng mga Monteverde.

Naupo siya ng maayos at hinintay ang pagpanaog ng mga sakay nito. Nakita niya ang limang babae na halos pang-model ang taas. Magaganda ang mga ito at halatang nababad sa malamig na klima ng panahon dahil mapuputi ito at makikinis. Lumabas din si Alejandro na sinabayan ang mga kababaihan.

"Alejandro.." Sabi pa niya na agad tumayo at sinalubong ito.

"Cassandra..." sabi pa ni Alejandro na agad siyang hinalikan sa labi at niyakap.

"These are my sisters, babe." Pakilala pa ni Alejandro habang nakahawak sa beywang niya. Ngumiti lang siya nang makita ang mga hitsura nito. May namumukhaan siya, at ang ilan nama'y tila bago sa paningin niya.

"This is Chonelle," saad pa ni Alejandro na inabot ang balikat ng isang babae na suot ang eyeglass. Pormal ang awra nito at halatang gaya ni Alejandro na tipid lang ang kilos. Maganda ito na 'sing-hawig ni Cassandra Holmes.

"Hello," sabi pa ni Cassandra na halatang nahihiya sa mga matang nandoon.

"Hi there, I'm happy to meet you, Cassandra. Masaya akong makilala ang babaeng mapapangasawa ng kapatid namin." Saad pa ni Chonelle na halatang may British accent.

Ngiti lang ang sinukli ni Cassandra.

"Well, okey, this is Rheg, Ada and Jillian." Sabi pa ni Alejandro sa mga babaeng katabi.

Nag-wave naman ang tatlo na parang kilala siya ng mga ito.

"You look familiar," Cassandra said while pointing her finger to Rheg.

"Yeah, we've met before, ako 'yong naging kaibigan mo sa Las Vegas, doon sa bar."

Tumango-tango si Cassandra, while earching the details inside her mind.

"Hi ate Cassandra! Naalala mo ba ako?" nag-wave pa ang isang babae na may pagkabungisngis. Tipid lang na ngiti ang naisagot ni Cassandra, she didn't even remember who she is.

"I'm Ada po, friend po tayo, as in close po." Sabi pa ni Ada na nag-hand sign pa ng daliring ipinagdikit.

Tumango-tango si Cassandra.

"Hello, Ada." She replied as a greeting.

Napako ang mata niya sa babaeng nakangiti lang, kung maalala niya, ito si Jillian ang bumisita sa hotel room nila sa Cebu.

"Hi! Nice to meet you...again," sabi pa ni Jillian na noo'y nakangiti. Nag-abot pa ito ng kamay na tila magpapa-shake hands. Kinuha naman ito ni Cassandra at maagap na nilamano.

Mayamaya pa ay nagsalita ang isa pang babae na nasa gilid.

"O, and lastly, she is my smart sister, Aika Guerrero." Pakilala pa ni Alejandro.

"She's the witch of us all." Biro pa ni Ada na tinaponan lang ng irap ni Aika, pero halatang joke lang din iyon.

"Huwag kang maniwala sa aning-aning na kapatid 'kong 'yan. Ako ang pinakamabait sa lahat." Kumindat pa si Aika kay Cassandra sabay pisil sa kaniyang kamay. Naiilang man ay minabuti ni Cassandra na sumabay sa ka-kwelahan nito.

Wanted Not Perfect DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon