Chapter 45

198 7 0
                                    

Matapos maasikaso ang abo ni Don Ejercito, ay agad na nilisan nina Alejandro, Kata at Kulas ang Las Vegas. Umuwi sila sa San Luisita, gamit ang private plane na na binili ni Alejandro para kay Travis. They're in their misery upon arriving. Naghihinagpis din ang hacienda Monteverde nang mapabalita ang nangyari, mabilis kumalat ang balita.

Lulan pa sila ng kotse, papunta sa hacienda nang mapansin ang iilang establishimento sa bayan na naka-half flag. Simbolo na nagluluksa ang mga ito sa pagkamatay ng isa sa magaling na pinuno ng bayan. Tumuloy sila sa hacienda Monteverde, at doo'y naisaayos na ang mansyon, nang makababa sila sa sasakyan ay bumungad kina Alejandro ang naghihinagpis na mga trabahador ng pamilya. Tuloy-tuloy lang si Alejandro sa paglalakad habang hawak ang ceramic vase na pinaglalagyan ng abo ng yumaong matanda. Nakasuot lang siya ng itim na shades para hindi makita kaniyang namumulang mata na tanda ng kaniyang pag-iyak.

Nang makapasok siya sa salas ay naka-arrange ito gamit ang mga preskong bulaklak. May isang bilogan na lamesa ang nasa gitna n'on na may larawan ng yumaong matanda. Doo'y lumapit si Alejandro at dahan-dahang nilagay ang ceramic vase. Hinayaan lang siya nina Kata na magluksa sa salas. Tahimik lang siyang nakatayo habang tanaw ang kabuuan ng mansyon, ang mansyon kung saan siya namulat at lumaki. Kung saan natuto siya ng magandang-asal at natuwid sa pamamagitan ng yumaong matanda.

"Ninong..." anas pa niya habang tanaw ang larawan ng yumaong ginoo.

Niyakap pa niya ito at lihim na naluha. Ramdam niya ang kawalan ng pagmamahal ng itinuring niyang ama. Kung hindi dahil dito ay hindi siya magiging propesyonal na abogado, at hindi niya mararating kung anuman ang mayroon siya ngayon.

Mayamaya pa ay lumapit si Kata, kasabay nito ang iilang kaibigan niya, naroon din si Lolita na may dalang bulaklak mula sa talampas.

"Alejandro, narito na sila..Lolita, nakikiramay sila para kay Don Ejercito." Rinig niya kay Kata, kaya agad niya itong nilingon.

Nakita niya si Lolita at iilang dalaga na taga San Luisita. Nagsikumpulan ang mga ito sa tarangkahan at gustong humingi ng kompormiso na pwede bang tumuloy.

"Pasok..pasok kayo.." sabi pa ni Alejandro na hinayaang pumasok ang mga kababayan. Hinayaan lang niya ang mga ito na makita ang ceramic vase na kinalalagyan ng abo ng yumaong matanda.

"Alejandro..." tawag pa ni Lolita na nasa kalapit na distansya niya. Nang malingon niya ito ay agad siya nitong niyakap. Hinagod pa ng dalaga ang likod niya.

"Lolita, wala na si ninong.." saad pa niya na pinipigilang hindi maluha.

"Nasaan si Cassandra? Nahanap n'yo na ba?" Sabi pa ni Lolita nang mawalay mula sa kanilang yakap.

Tumango lang si Alejandro at nagsalita.

"She's now in Cebu, kailangan niyang magpagaling, nagkaroon siya ng amnesia, kaya doon muna siya." Sabi pa ni Alejandro na aminadong malungkot ang boses.

Mayamaya ay nakita pa ni Alejandro ang mga kaibigan ni Cassandra na sina Christian at Sherly, naroon din ang mga ito para makiramay.

"Condolence, Alejandro." Sabay na saad ng dalawa na niyakap siya.

Tumango-tango lang siya at halatang pinipilit na maging normal habang kaharap ang lahat.

"Nasaan na si Cassandra, Alejandro?" ani Sherly na hindi alam ang nangyari.

"She's in Cebu, kailangan n'yang magpagaling, nagka-amnesia siya." He answered.

"Oh my god?!" Natutop ni Sherly ang sariling bibig.

"Okey lang ba siya?" si Christian.

"Mabuti-buti na rin ang pakiramdam niya, she's getting better." Sagot naman ni Alejandro. Lumaon ang usapan nila at natapos rin n'ong nagsimula ang padasal sa unang araw ng patay. Mayroong pumuntang pastor para basbasan ang vase ni Don Ejercito.

Wanted Not Perfect DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon