Nasa bar corner si Cassandra sa mga oras na iyon, nakadipa siya habang humihilata sa counter. Nakangiti lang siya habang hinihintay sina Christian na sinamahan si Sherly na nandoon sa comfort room dahil nagsusuka. Naihi pa nga ito kanina dahil sa kalasingan, hindi na nila alintana kung anong oras na ang importante'y masaya silang nag-hang out this day.
"Hi.." pa-wave pa niyang sabi sa mga ibang customer doon. Wala na siyang hiya habang nakangiti na tila abot-batok.
Pasinok-sinok pa siya habang iniinda ang pagkakahilo sa nainom na mga alak. Halo-halo ang nainom niya, mula sa red wine na in-order niya, sa pale pilsen na in-order ni Christian at ang Tanduay ice ni Sherly na nagpa-lala sa amats niya.
Mayamaya pa ay may nakita siyang pumasok sa glass door ng resto. Maganda ang mga ito at ang isa nama'y tila buntis. Nakangisi lang siya habang sinisipat ang kabuuan ng mga dumating. Pagkaraan ng oras ay lumapit ang isang babaeng buntis, tumabi ito sa kaniya.
"Hi, I'm Cassandra!" bati pa niya sa babaeng iyon, trip lang niyang magpapansin. Naglahad pa siya ng kamay rito.
"Venus," tipid na saad ng babae saka pa ngumiti. Sinisipat ni Cassandra ang magandang mukha na parang nakita na niya noon sa eroplano, magkamukha sila ng flight attendant na nasakyan niya noon pauwing Las Vegas.
"Bakit?" naitanong ng babaeng mahinhin. Umiling siya.
"Malaki na ang tiyan mo..." sabi pa ni Cassandra sa babae.
"Oo, kabuwanan ko na kasi."
"Okay ka lang ba?" tanong nito sa nag-aalalang boses.
"Oo, okay lang. Hinihintay ko na lang ang kasama ko pauwi na rin kami." Mayamaya pa ay may dumating, ang kasamahan ng babaeng buntis.
"Ate Venus, ito na ang tubig mo."
Sinundan naman ni Cassandra ng tingin ang kamay nito na tila ba may nakita itong hindi maganda. Hindi pa ito na kontento at hinawakan ang palapulsuhan ng babaeng iyon sabay tumayo.
Cassandra pinned her eyes to the bracelet.
"Where did you get it?" naiinis na tanong niya, saka itinuro ang suot nitong bracelet.
Napatingin din ang babaeng iyon sa suot nitong pulseras, halatang nalilito kay Cassandra.
"She got it from her fiancè, is that a problem?" sagot ng babaeng nagngangalang Venus, may halong pagtataray ang boses nito kaya nainis si Cassandra nang marinig iyon.
"Hindi Ate Venus, galing ito kay Kuya Alejandro–"
Hindi nito natapos ang sasabihin dahil dumapo na ang palad ni Cassandra sa pisngi ng babaeng iyon. Namamayani kay Cassandra ang selos at ang isipiritu ng alak.
"Ikaw! Ikaw pala ang babae niya? Engaged na pala kayong dalawa ni Alejandro?" madamdaming saad ni Cassandra, she started to burst out in tears.
Naghahalo na ang lahat ng iniisip niya.
"Nagkakamali ka Cassandra, ang totoo niyan nagkamali ako–"
But Cassandra was to pre-occupied, she's literally drunk.
"How dare you! Akala ko pa naman sa akin iyan ibibigay ni Alejandro. Nagmukha akong tanga nandahil sa'yo!" garalgal na saad ni Cassandra habang unti-unting bumagsak ang mga luha sa kaniyang mata. She cried while reaching the hair of that bi*ch.
"Sa akin lang si Alejandro! Ako lang dapat ang babae niya, e! Wala nang iba!" Umiiyak na saad nito habang sinasabunutan ang babaeng iyon.
Pinagtinginan na sila ng mga taong nandoon.
"Ano ba! Tama na!" asik ng babaeng iyon kay Cassandra, nagawa nitong kumawala sa pagkakasabunot ni Cassandra sa buhok nito.
"At ikaw pa ang matapang ngayon?" umiiyak na saad ni Cassandra rito.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomantizmPinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...