Kasabay ni Alejandro ang mga kapulisan para puntahan ang sinasabing Isla Catalina sa Cebu. Halos hindi niya mawari kung ano ang magagawa niya kapag nakita si Jerick.
Sakay siya ng helicopter, at nakipag-ugnayan na rin sila sa kapulisan ng Cebu.
Saktong pag-landing nila sa paliparan ay bumungad sa kanila ang head of chief sa Cebu, kasama nito ang iilang kapulisan para tumulong sa pagsagip ni Cassandra. Mabuti na lang at tinulungan siya ng pinsan niyang si Sherwin Dela Cuesta, na kilala rin sa Cebu. Nakipag-ugnayan siya rito para mapadali ang paghahanap niya sa dalaga.
Nang maproseso ang gagawin nilang entrapment operation ay agad nilang tinungo ang isla. Buong-loob na nakatingin si Alejandro sa daan. Lulan sila sa sasakyan, habang kasama ang mga kapulisan. Tahimik lang siya sa oras na iyon, halatang pinag-iisipan ang pwedeng gawin.
Ilang oras pa ang nakalipas at huminto na sila sa isang pier. "Nandito na tayo sa pier, kailangan nating bumaba para sumakay ng bangka, papunta sa isla." Narinig nila sa isang police na kasama.
Agad namang nagsibabaan ang mga kasamahan nila Alejandro at sumakay sa bangkang maghahatid sa kanila sa isla.
Hawak ni Alejandro ang iPod ni Cassandra habang tahimik na naka-tiim-bagang, alam niyang malapit na niyang masilayan ang babaeng pinakamamahal niya.
Ilang minuto pa'y nahinto na sila sa batuhan ng islang iyon, napakatahimik ng paligid at tila pribadong pagmamay-ari nito ng mga katutubong naninirahan roon.
Agad na nagsi-talon ang mga kapulisan at hinalughog ang daungan ng dalampasigan, gusto nilang makita kung may nakadaong ba na yate o pandagat na sasakyan—ngunit sa kasamaang palad ay wala silang nakita.
"Negative," sabi pa ng kasama nilang police. Napatiim-bagang si Alejandro sa narinig. Hindi maaaring wala roon si Cassandra, iyon ang sinabi nito sa iPod na hawak niya. Dahan-dahang ikinuyom ni Alejandro ang kamay at noo'y sumumpa.
"Magbabayad ka Jerick, magbabayad ka!" sabi pa ni Alejandro na hinarap ang head of cheif sa Cebu.
"Chief, kailangan nating makipagtulungan sa coast guard, dapat nating alamin ang mga pumaloob at lumabas sa perimeter area ng pulo ng Cebu. Kailangan nating masigurado na hindi tayo nagkakamali sa islang pinuntanan natin.
"Sige, teka't tatawagan ko ang punong-bantay sa coast guards." Sabi pa ng chief of police na may tinipa sa kaniyang telepono. May kinausap ito at doo'y pinatingnan nila ang mga barko, bangka, o kahit anong behikulo na pumasok sa Cebu.
"Okey, sige sige.. Salamat." Sabi pa ng chief of police bago pa binaba ang kaniyang telepono.
"Positive may yateng kaaalis lang sa boudary ng isla Catalina, umikot ito sa direksyon ng pinagmulan nito. Parang natunugan yata tayo na papunta rito, huwag kang mag-alala, Alejandro, nakuha namin ang pangalan ng yate." Saad pa ng police saka pa tumapik sa braso ni Alejandro. Napabuntung-hininga si Alejandro saka pa napasabunot sa sariling ulo. Natatanaw sa mukha nito ang disappointment.
"Alejandro!"tawag pa ng isang police sa kanila na may kasamang matandang katutubo. Agad nila itong pinuntahan at kinausap sa kanilang lengguahe.
"Tatang, unsay nakit-an ninyo ganina?"
(Tatang, anong nakita n'yo kanina?)
Kinausap ito ng isang police.
"Naa mi nakit'an kaganina nga babae, nalunod sa dagat, amoang gidali og tabang, tua to paingon sa sentro, didtoa sa hospital, gipasakay nila sa bangka."
(May nakita kaming babae kanina, parang nalunod sa dagat, agad naming nasalba, patungo na nga iyon sa hospital, pinasakay namin sa bangka ng mga kasamahan namin.)
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
Roman d'amourPinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...