"Here's the result, Attorney," sabi pa ng doktor sabay abot ng folder na kinalalagyan ng resulta ng tests.
Nakahawak sa braso ni Alejandro si Cassandra habang nakaupo sa kama niya. Katabi niya si Alejandro na tahimik lang na hawak-hawak ang papeles. Binabasa nito ang papel sa pamamagitan ng kaniyang mata.
Seryoso itong nakahawak sa papel na sinisipat naman ni Cassandra. Alejandro in the other hand is clinching his jaw while reading the statement written.
"It saids, that the baby was not yours, attorney." Pahayag pa ng doktor na ikinalaglag ng kamay ni Cassandra mula sa pagkakahawak sa braso ng binata.
Napaawang ang bibig niya, at halatang maiiyak na.
"So it means...kay...kay..Jerick 'to?" nanginginig ang boses ni Cassandra.
Maging si Alejandro'y tahimik lang na nagdaramdam, ngunit ayaw niya itong ipahalata kay Cassandra. Nagpakatatag siya sa pagkakataong iyon.
"Tatanggapin ko ang bata! I will name that child after my surename. I will be the legal father...kahit ano man ang mangyari." Sambit ni Alejandro na maagap na tiningnan si Cassandra. Dahan-dahan pa nitong kinuha ang kamay ni Cassandra at hinawakan iyon. Sinalikop niya ito at nilagay sa bisig niya.
"Hindi masusukat ang pag-ibig ko sa'yo, Cassandra, and I can do even this just to save you from disgrace." Sabi pa ni Alejandro habang tanaw ang mata ni Cassandra na hilam sa luha. He slowly reach her eyes and wipe it with his thumb.
"And I will assure you..that from now on, hindi ka na iiyak." Alejandro added.
Walang nagawa si Cassandra sa sinabing iyon kundi ang yumakap kay Alejandro at ibuhos ang lahat ng kinukubling emosyon. Kahit masakit man na malaman ang katotohanan ay dapat nila itong tanggapin.
Kalaonan nang pagpapagaling ni Cassandra ay na-discharge na siya sa hospital, at ang kinagugulat lang nila'y wala na silang babayaran ni singkong duling, sabi ng department of treasury, ay nabayaran na raw ito ng nagngangalang Vladimir Hudson.
Alam nilang si Vlad ito, at siguro'y iyon ang paraan nito para humingi ng tawad sa kanilang dalawa ni Alejandro. Vlad is a good person, pinasama lang siya ng oras at panahon.
Nang mga oras na iyon ay agad silang umuwi sa pilipinas, ngayon na ang linggo na dapat nilang atupagin ang kasal nila, at gahol na sila sa oras. Apat na araw na lang ang nalalabi para sa preparasyon, idagdag pa ang mga papeles na dapat nilang asikasuhin.
Sakay sila ng eroplano sa oras na iyon, hinayaan ni Alejandro si Cassandra na kumuha ng commercial flight, since ito ang request ng magiging esposa niya.
Katabi silang nakaupo sa economy seat habang tanaw ang bintanang nakabukas, nasa himpapawid na silang dalawa, at napapatingin si Cassandra sa kabuuan ng eroplano, parang may naalala siya sa pagkakataong iyon, parang nanunumbalik sa isip niya ang biyahe kung saan nakilala niya si Alejandro.
"Baby..." tawag pa ni Alejandro kay Cassandra.
"Hmm?"
"Malalim yata ang iniisip mo," he asked.
"Inaalala ko lang kung paano tayo nagkakilala," sabi pa ni Cassandra na rason upang mapangiti si Alejandro.
"Siguro'y kapag sinabi ko'y matatawa ka."
"Ha? Bakit?" Walang muwang na tanong ni Cassandra sa oras na iyon.
Alejandro cleared his voice and shake his head.
"You're the pompous girl I ever met, I don't know how to describe you, but you're way too far as I remember..." umiiling na sambit ni Alejandro kay Cassandra.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
RomancePinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...