Chapter 46

183 5 0
                                    

Nagising si Alejandro sa ingay mula sa kusina, maagang naghanda sina Manang Anda ng makakain, at dahil d'on ay namulat siya sa pagkakasandal sa sofa. Namulatan niya ang magandang arrangement ng mga bulaklak at ang palamuti na kinase-sentrohan ng lamesang may ceramic vase.

"Good morning, 'nong," bati pa niya sa larawang natatanaw.

Agad siyang tumayo at tinahak ang kusina. Doo'y nakita niya ang mga katiwala ng hacienda na tulong-tulong na nagluluto at naghahain ng mga pack-lunch para sa mga dadalaw at makikiramay.

"Ay sir, gising ka na pala...kumain ka na po, may niluto na po akong pritong isda at omelet, nand'yan na rin po sa lamesa ang lime juice." Saad pa ni manang Anda na abala sa paghalo ng kung anong putahe sa malaking kawali.

"Sige ho, salamat." Aniya saka pa tinungo ang lamesa. Tahimik lang siyang naupo at tinitigan ang nakahaing pagkain. Naalala niya si Cassandra na ngayo'y nandoon pa rin sa Cebu. And he is wondering if kamusta na kaya ito ngayon doon.

He immediately checked his phone na nasa kaniyang bulsa at tinipa ang numero ng dalaga. Agad niya itong di-nial at nag-ring naman ang phone nito, kaso, walang sumasagot. Kinabahan siya dahil sa hindi pagsagot nito sa kaniya.

He ended his phone call, and check to reception area's phone number. Agad itong nag-ring at nasagot kaya walang atubili siyang nagtanong.

"Hello, LCDDR Resort, how may I help you?" Nabosesan niya sa kabilang linya.

"Hello, it's Alejandro Guerrero, Ezekiel's friend, gusto ko lang malaman if kamusta ang kasama ko sa VIP room, si Cassandra Monteverde?" tanong pa ni Alejandro.

"Yes sir, she's been out lately, isang oras na pong nakalilipas nang mag-check out siya, sabi po niya'y uuwi na siya." Sabi pa ng boses babae sa kabilang linya.

Napindot ni Alejandro ang button ng phone at tulalang napatingin sa paligid. Maging sina manang Anda ay halatang nabigla sa mukha niya.

"Okey lang po ba kayo, sir?" saad pa ni Manang Anda na halatang nag-aalala.

"Manang, Cassandra is coming here." Mababang boses na saad niya.

"Eh gan'on po ba? Mabuti po kung gan'on."

"Hindi mabuti, manang! Hindi niya alam na patay na ang lolo niya, even her parents too, she's in her amnesia state, wala siyang maalala!" Tarantang saad ni Alejandro na noo'y napatayo dahil sa kaba.

Natigilan si manang Anda pati na rin ang nakarinig na mga trabahante.

"A-ano pong gagawin natin?" sabi pa ng matanda na natataranta na rin.

Tulirong napaupo si Alejandro habang hawak ang sariling bibig.

"Siguro'y panahon na para malaman niya ang nangyari.." sabi pa niya na tiningnan ang mukha ng matanda.

"Mabuti pa'y sunduin mo na siya sa paliparan, para mapalagay ka sa pagsabi sa kaniya, para hindi siya mabigla." Ani manang Anda na lumapit pa kay Alejandro.

"Sige po, salamat po." Sabi pa ni Alejandro na kaagad napatayo at pinuntahan ang sinabi ng matanda. He immediately went to his car and drive away to see Cassandra.

***

Nasa eroplano si Cassandra sa oras na iyon, papalapag na siya sa airport at alam niyang ilang minuto na lang ay makikita na niya ang bayang matagal na niyang inaasam na puntahan. Bumuntung-hininga pa siya saka inabot ang kaniyang bag. Kumuha siya ng polbo at liptint saka pa nagpaganda.

Nakita pa niya ang mga mukha ng stewardess na naglalakad sa kanilang direksyon. May naalala siyang eksena sa isip niya, sumakit ang ulo niya nang may mga scenario ang sumiksik sa isip niya. She don't know but she think that she's been in an airplane before, at alam niyang tila naging de javu ang mga pangyayaring iyon.

Wanted Not Perfect DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon