Chapter 24

440 14 4
                                    

After what happened, Cassandra decided to opened her eyes and stare to Alejandro whose been busy driving.

"Malapit na ba tayo?" aniya saka pa nilibot ang daanan.

"Yes." Sabi nito saka pa sinipat ang kaniyang repleksyon sa salamin.

Agad na tinanggal ni Cassandra ang suot na headphones at isinilid sa kaniyang bag.

Patay-malisya naman si Alejandro na nakatingin sa kaniya from that mirror.

Mayamaya pa ay naramdaman na ni Cassandra na nag-park na ito sa kanilang malawak na hacienda.

Naunang bumaba si Alejandro at pinagbuksan siya ng pinto. Walang pasalamat si Cassandra nang makababa ito, rather, she intended to march the way without looking to Alejandro's face. Taas-noo itong nagmartsa na tila may toyo sa utak.

Naiiling na lang si Alejandro dahil sa pagiging bratenela ni Cassandra. Hindi niya ito maintindihan, dinaig pa nito ang pagiging maldita ng kaniyang mga kapatid na babae.

"Cassandra!" habol pa niya rito but Cassandra immediately go upstairs and closed her door leaving a loud noise.

"Damn it!" litanya pa niya na noo'y nasa hamba ng hagdanan.

"O, ano na naman ang nangyari sa batang 'yon?" tanong pa ni manang Anda na kakababa lang din sa hagdanan. Galing ito sa taas na tila nagpalit ng mga kurtina at ponda sa kanilang kwarto.

Umiling si Alejandro.

"Wala po, manang.." sabi pa ni Alejandro na mabilis na nagpunta sa kusina. Napainom siya ng tubig dahil sa asal ni Cassandra.

"Naku, hijo. Pagpasensyahan mo na si señorita, nag-iisang anak lang 'yan e, kaya ganiyan." Sabi pa ng matanda na pinapakalma ang binata.

Tipid na ngumiti si Alejandro at kinuha ang paper bag.

"Manang, pakibigay na lang po ito kay Cassandra," sabi pa ni Alejandro. Kinuha nito ang kahon ng earings na napili nito kanina.

"Hala! Ang ganda naman n'yan sir!" bulalas pa ng ginang na kinuha ang maliit na kahon.

"Pakisabi na lang na umalis ako. May pupuntahan lang ako." Sabi pa ni Alejandro na mabilis na umalis.

***

Nasa kwarto si Cassandra sa mga oras na 'yon nang marinig ang sasakyan ni Alejandro. Napasilip siya sa may bintana at doon nakitang umalis ito. Mabilis siyang lumabas sa kwarto niya at doo'y nakita si manang Anda sa may hagdanan.

"Señorita.." sabi pa ng ginang habang hawak ang maliit na karton.

"Saan pupunta si Alejandro?"

"Eh, hindi ko po alam, may pupuntahan lang daw." Sabi pa nito na mas lumapit sa kaniya.

"Eh, maam, ibigay ko raw ito sa'yo," paglalahad pa ng matanda sa kaniyang hawak. Agad naman itong kinuha ni Cassandra at doo'y nakita ang box ng kaniyang napiling earings.

"Manang, nasaan po ang bracelet?" Sabi pa ni Cassandra na tiningnan ang laman ng box.

"Ay, hindi ko ho alam. Iyan lang po ang binigay ni sir.." Sabi pa ni manang Anda na noo'y bumaba na at umalis. Naiwang nalilito si Cassandra sa hawak.

She's now asking herself if pinagti-tripan ba siya ni Alejandro. But she decide to stay calm. She must be happy, at least may regalo siya mula rito. Siguro'y ibibigay ni Alejandro iyon sa tamang panahon. Iyon ang sambit ni Cassandra sa sariling isipan.

"I must do my assignments now," sabi pa niya na bumalik sa kaniyang kwarto.

Mas mabuting ilaan niya ang oras sa pagsasaliksik ng kaniyang video presentation patungkol sa topic nila.

Wanted Not Perfect DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon