Hawak-hawak ni Cassandra ang braso ni Alejandro sa mga sandaling iyon. Dahan-dahan niyang tinatahak ang kaniyang mga paa papunta sa bukana ng mansyon. Ramdam niya ang mabigat na awra sa bawat paghakbang niya.
Natatanaw pa niya ang mga trabanteng tumitingin sa kaniya.
"Halika na, Cassandra..." sabi pa ni Alejandro.
"I'm...nervous." Cassandra said. Namumula pa ang mata nito na tanda mula sa pag-iyak. Muling hinawakan siya ni Alejandro na parang nagsasabing nandito lang siya at handa siyang damayan.
Alejandro rubbed her hands and smiled.
"Andito lang ako," sabi pa nito.
Muling hinakbang ni Cassandra ang kaniyang mga paa at doo'y nabungaran ang tarangkahan ng mansyon, natatanaw niya ang salas na kinalalagyan ng mga bulaklak at pinaglalamayang abo ng kaniyang lolo. Mabilis na tumulo ang kaniyang mga luha sa nakita.
"Lolo...lolo! Lolo!" iyak pa ni Cassandra na noo'y napatakbo sa gawi ng lamesa. Humagulhol pa ito habang nahihirapang tumayo. Agad na dinalohan siya ni Alejandro at nikayap.
"Alejandro, wala na si lolo...wala na siya." Paulit-ulit na saad ni Cassandra sa kabila ng hikbi at iyak.
"Shhh....tama na Cassandra, tama na.." Sabi pa ni Alejandro na hinagod ang kaniyang likuran.
"Ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to, ako ang may kasalanan.." impit na sambit ni Cassandra na hindi pa rin maawat sa pag-iyak.
"Magpakatatag ka Cassandra," narinig pa ni Cassandra mula sa isang banda, si manang Anda iyon.
"Manang..." Tawag pa ni Cassandra, agad namang dumalo si manang Anda at niyakap ang dalaga.
"Manang..si lolo..wala na si lolo.." iyak ni Cassandra sa matanda.
Alam nilang kailangan nito ng kalinga sa ngayon, nag-iisa na lang si Cassandra sa buhay, nag-iisa na lang ito habang kinakaharap ang hamon sa mga Nunez.
Mayamaya pa'y nawalan ng ulirat si Cassandra, agad na dinalohan ito ni Alejandro na saktong nahawakan at naikarga. Nawalan ito ng malay dahil sa sobrang pag-iyak at halu-halong emosyon.
"Naku, kawawa naman si señorita!" Sabi pa ni Manang Anda na maagap na sinamahan si Alejandro paakyat sa ikalawang palapag. Kasabay nilang pinagtulungan na mailapag ito sa kama at asikasuhin ang naturang dalaga.
"Hijo, mabuti't nariyan ka para kay señorita, ikaw na lang ang inaasahan n'ya." Dinig pa ni Alejandro sa matanda.
"Gagawin ko po ang lahat manang, para kay Cassandra. Hahanapan ko ng hustisya ang nangyari sa kaniya at kay ninong.." Sabi pa ni Alejandro nang maihiga sa kama si Cassandra.
"Hijo, karamay mo kami, handa kaming tumulong anuman ang kailangan mo para sa kaso." Sabi pa ni manang Anda na tinapik siya sa braso saka niyakap.
"Maraming salamat po." Alejandro answered.
Matapos ang eksenang iyon ay nagpaalam si Alejandro na may pupuntahan muna saglit. May kailangan siyang kausapin, kailangan niyang malaman mula kay Erickson kung nasaan si Jerick, may kutob si Alejandro na alam ng kapatid nito kung saan ito nagtatago ngayon.
Kaya't bago pa makagawa ng anong hakbang uunahan na niya ito. Sakay siya sa kaniyang sasakyan habang naka-park sa madilim na bahagi ng mansyon ng Nunez, naninigarilyo si Alejandro sa oras na iyon habang hinihintay na makaalis ang mga bantay sa harapan ng mansyon. Nag-papalit ng shift ang mga ito sa pagbabantay sa binata kaya minabuti niyang hintayin ang saktong oras na pwede siyang makapasok sa loob. Nakapasok na siya noon sa mansyon, kaya tinandaan niya ang mga daan at bintana kung saan siya pwedeng lumusot.
BINABASA MO ANG
Wanted Not Perfect Daddy
Любовные романыPinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si...